Thursday, July 27, 2006

Pagmumuni-Muni Ng Isang Baliw

Hindi ako preso, huwag ninyong ikulong. Kasalanan na ba ngayong kausapin ang sarili? Sa mundong walang pakialam, krimen na bang habulin ang sariling anino at dito makitalamitam? Ipinagbabawal na ba ang pagkausap sa dingding at mga sulok? Ang paliligo ba ay banal na bagay? Bawat tanong ba ninyong wala namang paki sa akin ay marapat lamang na tugunin?
Ang pagsamba ba sa ipis ay di makatarungan? Hindi ba't pangkaraniwang bagay lamang ang paglalaro ng sariling laway? Ang pagkausap sa mga kaibigang hindi nakikita, bawal na rin pala? Aba'y kailan pa? Ang mga yabag at kaluskos na nararamdaman at naririnig ko, ayon sa doktor, ay walang basehan. Ang mga bulong at dikta ng kung sino ay hindi dapat pakinggan.
Ngunit kanino dapat makinig, aber? Sa mundo ninyo na manhid at walang pakialam sa tulad ko o sa sarili kong mundo kung saan ang lahat ay may saysay?
At eto pa, hindi daw magandanng tingnan ang pagkakamot nang paulit-ulit sa katawan ko na wala ng pagsidlan ng galis.
Nais ninyo akong kumilos nang tama at mag-asal tao sa makahayop na pagtrato ninyo sa akin at sa lahat ng kauri ko. Matanong ko nga, bakit ninyo ako kailangang katakutan? Bakit pinandidirihan at iniiwasan?
Kami daw ang salot. . . pwe!

Tuesday, July 25, 2006

Sumalangit Nawa

Kayong nagsisigawan at nagtatalo,
Ikaw na kunwang nakikiramay;
Silang ang habol ay libreng biskwit,
At kapeng mahihigop habang nagsusugal.

Sa kabiyak na hindi nagdadalamhati,
Abala sa pagsusuma ng makukubra;
‘Wag kalimutang iawas ang mumurahing kabaong,
At himlayang di pa napaplatadahan.

Sa limang anak na pinalayaw,
Mula sa katas ng pinagpawisan;
Ni hindi man lang nag-abalang magsalitan,
Sa paglalamay sa abang bangkay.

Sumalangit nawa ang inyong mga kaluluwa,
Sa sandaling sapitin ang kalagayan ko ngayon.


May 09, 2006



Huwag Ka Na

Huwag ka ng magkunwang malambing,
Pagkat di ako sanay.

Huwag mo na akong pagsilbihan,
Pagkat di sa’yo bagay.

Huwag ka na ngang mag-alala diyan,
Pagkat di pa naman ako mamamatay.

Huwag ka ng magtangkang ako ay patawanin,
Pagkat kahit pagngiti di ko kayang gawin.


May 22, 2006

Nangungulila

Nakangingilo ang langitngit
Ng tarangkahan nang ako ay
Pumasok, mabibigat mga
Hakbang, sumalubong ang pusang
Kapansin-pansin na pipis ang
Tiyan, hindi nga napakain
Maghapon, mahinang ungol lang
Ng aso ang narinig, walang
Sapat na lakas na ikawag
Ang buntot, at kinatamaran
Maging ang pagtahol.

Wala ang umaanging kanin
Kaya pala ay malinis ang
Kakalanan, lubhang mataas
Ang salansan ng platong gamit,
Nagmamantika ang lamesa
Nagkalat ang mga upuan;
At ang paligid ng kusina’y
Malansa, pagtingin sa labas
Lanta na ang mga halamang
Hindi marahil nakuntento
Sa hamog ng madaling-araw.

Binulaga ako ng bunton
Ng mga labahin, apaw na
Ang basurahan, naka-upo
Sa di kalayuan ang isang
Matandang lalake, may matang
Mapanglaw, garalgal ang tinig
Sa aki’y bumaling, nagwika,

“Pangalawang araw na’y ‘di pa
umuuwi ang nanay mo.”


May 08, 2006


Ayoko Na Munang Tumula

Mailap ang mga salita, di ko mahuli,
Walang buhay ang mga kataga;
Lima, anim, walong pagtatangka,
Di ko mapagtagumpayan.

Nagkalat ang tinta, nitong panulat,
Nanunumbat, sa aki’y nag-aakusa;
Umiingit ang mga papel sa paglamukos,
Nag-aaklas pagkat basurahan ang kasasadlakan.

Nanginginig ang mga kamay,
Dinampot ang lapis;
Mariing isinulat sa panibagong pahina,
Sa tagal ng pagkakadaiti’y naputol.

Tumingin sa kawalan, naghanap ng imaheng,
Maaaring pagalawin at paglaruan;
Sariling anino ang nakita,
Nagtatanong, may tinging nangungunsensiya.

Ayoko na munang tumula,
Baka totoo ang sumpa.


May 03, 2006

Muhi

Ang muhi ko’y ibinalot,
Ibinuhol nitong takot
Inihagis ko sa laot
Bago pa magsilbing salot.


June 20, 2006

Barikada

Isang kaluluwang ligaw
Ang nagpumilit makaalpas
Sa hanay ng kapulisan
Pinaraan upang kaipala’y
Saklutin ng kakaibang takot

Nakabibinging katahimikan
Nakadududang kapayapaan
Atubili, ngunit walang mapagpipilian
Kundi tahakin ang landas
Daang iilan ang nangahas tumapak

Abot-tanaw na ang puting gusali
Napakaraming hadlang
Masusing inspeksyon
Sandaling interogasyon
Binulatlat ang pagkatao

Pinapasok sa lugar na guwardiyado
Binalot nang kakaibang pagkabalisa
Higit na nakakatakot sa loob
Pagkat hindi lahat ng panganib
Ay nasa labas . . .


Noon lamang ako nakakita ng ganun karaming bilang ng mga pulis. Lubhang nakakatakot. . .

Pahingi

Hindi ko sinasadya,
Napadaan lang naman
Wala kasing ibang mapuntahan
O, bakit kayo tumahimik?

Kitang-kita ko ang bilis ng kamay,
Lumikha ng tunog ang plastik
Na pilit ninyong itinakip
Sa pagkaing pinagsasaluhan.

Prutas kaya? O tinapay?
Pumikit ako upang hulaan
Pigil ninyo ang pagnguya
Ang damot . . . pahingi naman.


June 01, 2006

Hindi ko matandaan ang eksaktong edad. Lubha pa nga akong bata noon ngunit alam na ang depinisyon ng "karamutan."

Ina Namin

Nakita na naman kitang dumaan,
Bitbit ang timba at batya
Kipkip ang labahin ng nagdaang araw;
Hinubad ng mga mahal na pasakit ang dulot,
Mapangheng salawal ng apong kinahuhumalingan.

Halos mamalimos sa pambili ng sabong,
Panlinis ng kanilang pinaglibagan
Padaskol kang hinagisan ng barya;
Di natigatig, pinulot mong isa-isa,
Ganyan ka ba katibay?

Kahapon ay iyong kaarawan,
Nakaligtaan kang bigyan ng pambili ng ulam
Asawa mo’y maghapon kang pinaliguan ng mura;
Tanging isa sa apat na supling ang nakaalala,
Nakangiti pa rin. Di ba nauubos ang iyong pasensiya?

Wala ng pagsidlan ang gatla ng iyong mukha,
Mga mata’y nakukulapulan na ng katarata
Mabuway at mabagal na ang bawat hakbang;
Ngunit sige ka pa rin sa pagkayod,
Di ka ba napapagod?


May 26, 2006

Nasaan Ka Na?

Paling na ang balikat ng magtataho,
Puro alipunga na ang daliri sa paa ng labandera
Ngalay na ang bewang ng magsasaka;
Bisig ng panday ay naghihina na
May sore throat na ang giraffe.

Wala ng lakas ang kamao ng boksingero,
Hindi na maiangat ng karpintero ang martilyo
Pasmado na ang plantsadora;
Mga mata ng mananahi’y malabo na,
Tamad na ang langgam.

Nakasimangot na ang payaso,
Napagliligaw na ang kartero
Nandidiri na ang basurero;
Katawan ng bumbero’y pawang paso at lapnos na'
Malat na ang aso.

Color blind na ang manikurista,
May hydro phobia na ang mangingisda
Mainit na ang mga kamay ng hardinero;
Ahente ng punerarya’y patay na,
May arthritis na ang alimango.

Nalulula na sa ere ang piloto,
Takot ng pumalaot ang kapitan ng barko
Mababait na ang pulitiko;
Mga abogado’y nagsasabi na ng totoo,
Baldado na ang alupihan.

Payat na ang baboy,
Wala ng panghihinayang ang mga butiki
Matatalino na ang biya;
Mga kuliglig kung gabi’y tahimik na,
Sawa na sa panghuhuli ng daga ang pusa.

Ngunit di pa rin kita nakikilala,
Nasaan ka ba?
Kailan kita makikita?
Pakiusap naman, magparamdam ka . .


April 17, 2006

Ang Buhay Sa Loob

Isang nakalimutang lugar, sa may Mariveles, Bataan,
Tagilira’y dalampasigan, guwardiyado ang harapan;
Ang inabandonang gusali, ay pinipilit panahanan,
Mga silid ay nilulumot, papel ang tanging hinihigan.

Gigisingin at huhubaran, sama-samang paliliguan,
Mapalad kung masasabunan, pinagpalang mahihiluran;
Magbabanlaw nang mabilisan, saplot ay nagkakaubusan,
Papipilahin kapagkuwan sa inaasam na agahan.

Gamot kailangang inumin para sa ‘ming ikagagaling,
Mga sugat na nagnanaknak, sana ay bigyan rin ng pansin;
Maglalaro at maglilibang, kakausapin ang salamin,
Hahabulin mga anino, makikipagtalo sa dingding.

Estudyanteng nangakaputi, ako naman sanang mapili,
Sa silid ko’y iyong ilabas, kahit na nga ba sasandali;
At ang lahat ng katanungan, sasagutin nang buong liksi,
Palamig at biskwit mong bigay, sapat na sa ‘king magpangiti.

Dagsa ang nakaaalala tuwing sasapit kapaskuhan,
Bumabahang mga pagkain at damit na pinaglumaan;
Maya’t-maya’y may kumakamay ‘pag papalapit ng halalan,
Para namang ang boses namin dito sa mundo ay may puwang.

Ambulansiya na walang ingay, di mo na ako malilinlang,
Alam kong ang lulan mo ngayon, magdadagdag sa aming bilang;
Pamilyar niyang pag-atungal ay hihintayin ko na lamang,
Kapag boltahe ng kuryente, katawan nya’y pinadaluyan.

Pamilya ko, nasa’n na kayo? Lubha na raw akong magaling,
Panglimang sulat ng ospital, bakit di nabibigyang pansin?
Inay, Itay, nagsusumamo, Ate, Kuya, ako’y sunduin,
Lumipat na nga ba ng bahay? Umiiwas ba kayo sa ‘kin?


April 17, 2006

KAMAKATAHAN

Ka-ma-ka-ta-han . . . lilimang pantig na nagbubuklod sa paparaming bilang ng papausbong at kilalang makata at manunulat sa loob at labas ng Pilipinas. Mga alagad ng sining na nagmula sa iba’t-ibang orientasyon, may kani-kaniyang paniniwala at estilo sa paghabi ng kanilang mga obra ngunit bukas ang isip na tumanggap at magbahagi ng kaalaman na naglalayong makatulong at higit pang mapaunlad ang panulaang Filipino kaalinsabay ng pagsulong ng bawat sarili.

Isang sanktuwaryo . . . kublihan ng mga nalulungkot at may pusong sawi, kanlungan ng mga damdaming umiibig at tagpuan ng mga masasayang kaluluwa. Dito ang lahat ay maaaring maging bida, ang nag-iisa at malayo sa mga mahal sa buhay ay makasusumpong ng makakasama. Ang walang imik ay pakikinggan at ang nagdadalamhati’y aaliwin. Kataga, salita, mga tula ang nag-uugnay sa bawat kamakata sa elektronikong pamamaraan.

Kamakatahan – tahanan ng mga nilalang na binibigkis ng pagkakaibigan, paggalang at pagtanggap sa bawat isa. Ang mga makatang may nais ipahayag, ipabatid, ipaunawa at isiwalat sa ibang tao, sa mundo at sa lipunang ginagalawan ay dito ninyo matatagpuan.


April 10, 2006
http://groups.yahoo.com/group/kamakatahan/

Lahat Ay Gagawin

Kung iyong tatanungin itong aking puso,
Kung gaano kita kamahal
Maging handa ka kaya sa isasagot ko?
Nakalaan ka bang ako’y paniwalaan?

Nakahanda akong pahirin ang naglalakihan mong mga muta,
Kung nais mo’y titikman ko maging iyong mga luha;
Magsisiksik ako sa pawisan mong kili-kili,
Kakamutan ko ang likod mong kumakati.

Gugupitan ko maging patay mong kuko,
Mamasahihin ang paa mong pasmado;
Sipon ma’y papahiran ko nang may pagsuyo,

Pagtitiisan kong masdan ang tinga sa ngipin mo.

Lalanggasin ko ang sugat mong sariwa
Tutulungang hanapin ang mata ng pigsa
Patay na libag mo’y kukuskusin hanggang sa mawala
Magboboluntaryong linisin loob ng iyong tenga

Bagong gising ka man, ika’y kakausapin,
Tulong-laway mo’y di bibigyang pansin;
Balakubak ma’y magkalaglag, akin itong papalisin,
Alipunga sa paa, mabining hahaplusin.

Magbubulag-bulagan ako sa tibak mong taglay,
Kaligayahan kong madantayan nang makalyo mong mga kamay;
At kung kulaniin, magsisilbi mo akong gabay,
Hinding-hindi ako iiwas sa pagtalsik ng iyong laway.

Iimisin ko ang mga mumo sa iyong pisngi,
Hihipan ang tabi-tabing agihap sa iyong labi;
Sisikaping alisin saludsod sa daliri,
Bubunutan ng pilikmata maging iyong guliti.

Buhul-buhol mong buhok, aking susuklayin,
Paglobo ng iyong ilong, hindi ko uungkatin;
Naglilintugang tagyawat, iingatang salingin,
Palalampasin pati na inilabas mong masamang hangin.

Hindi ako matatakot mahawahan ng kulugo,
Aayusin ang kilay mong sabog at magulo;
Pulu-pulo mong buni aking gagamutin,
Anan mo sa mukha, mayat-maya’y hahaplusin.

Sa mabuto mong dibdib, matutulog nang payapa,
Sa patpatin mong katawan, ako’y magtitiwala;
Hindi magrereklamo, matusok man nang matulis mong baba,
Matuluan man ng iyong pawis, sa akin ay balewala. . .


December 02, 2005




The Gift

Once in our lives, we receive gifts,
Gifts of different sizes and shapes
With colorful ribbons, beautifully tied;
Cards neatly attached.

And the same thing did happened to me,
A gift was given unexpectedly
Without special occasion, for reason I don’t know;
And I swear, I’m not excited about it.

The gift has no appeal to me,
I’m afraid, it was given out of mockery;
With plain gift wrap, unartistically done,
And from my disgust, from an anonymous sender.

I opened it, I saw bitterness,
I became acquainted with cold and distant existence;
'Became familiar with grief and loneliness,
Coming from an aching heart.

As I examined the gift, I saw bandages,
A clear proof that it had survived so much wounds;
I’ve touched visible scars,
Some are healed, most are kept untreated.

I found myself nurturing it with words of encouragement,
Showering it with praises and motivation;
Keeping its company, morning and night,
Providing it with reasons to go on with life.

Still, I fight hard not to get attached to it,
But as time passed by, to care for the gift, I just can’t resist;
It’s so vulnerable, yet, struggling to appear strong,
And eventually, its happiness seem dependent on me.

I used to live a less fulfilling life,
Enveloped with selfishness, insensitivity and too afraid to get hurt;
The gift’s understanding, patience and maturity earned my trust and respect,
It has transformed me to become more human – able to care and love.

I believe, God sent me this gift,
For me to realize how special I am;
The gift I truly appreciate,
May it stay there for keeps!


December 01, 2005

Para kay J. at sa mapanlinlang niyang pagkatao. Maraming salamat. Madami akong natutuhan.

Umaasa, Naghihintay, Nagsusumamo

Naghihintay ang lupa sa pagpatak nang maiinit kong mga luha
Sabay sa hanging amihang may kakaibang lungkot na dala
Apat na sulok ng silid, saksi sa aking pag-iisa
Sa pagbabalik-tanaw, karimlan ang kasama

Pagbaling sa salamin, sarili’y tatanungin
“Bakit kaya?” “Anong mali sa akin?”
Pagdaka’y sa larawan mo, atensyon ay ibabaling
Pakatititigan, paulit-ulit na kakausapin

Mapapabalikwas mula sa kahimbingan nang malamig kong higaan
Babalewalain ang pagal na katawan, maging ang magulong isipan
Isasantabi, sikmurang halos di nalamnan
Sarili’y lulunurin sa pagdadalamhati’t pagdaramdam

Paningin, saan mang sulok ibaling
Maamo mong mukha ang nasasalamin
Mga awitin sa radyo, kahit ano pa ang tono
Nagpapaantak sa nagdurugo kong puso

Bawat oras, baon ko sa gunita
Hinahangad na marinig ang tinig mo sa tuwina
Saksi ang telepono sa paghahangad kong makausap ka
Kahit isang saglit lang, bayaan mo sana

Sa aking pag-iisa, sarili lang ang kasama
Sinasambit pangalan mo, sa may tabi ng bintana
Binabalik-balikan, masasayang ala-ala
Sa saliw ng bunting-hininga, kasabay nang paglalandas ng aking mga luha

Mapagod man ang araw sa paglubog at pagsikat
Maubos man ang tubig sa malawak na dagat
Heto pa rin ako naghihintay sa’yo ng tapat
Patuloy na aasang tayo pa rin sa wakas . . .


November 18, 2005

Para kay R. at sa kanyang nawalang pag-ibig.

Tanikala Ng Kahirapan

Tinangka ng yayat na batang saluhin
Ang tira-tirahang mga pagkaing
Inihagis ng mayamang bata mula sa sasakyan
Hindi naabot ng kanyang kamay, natapon sa daan . . . kinain pa rin!

Ang pagnanakaw sa pinapasukan ay naging napakadali
Para kay Juan, dito'y walang mali
Kinukuha lamang nila ang para sa kanila
Na pinipilit angkinin ng mga mapagsamantala

Murang katawan, kinakailangang ibilad
Makakain sa oras, iyan ang tanging hangad
Tulog sa araw, buhay na buhay kung gabi
Sa malaganap na AIDS, takot ay isinasantabi

Edad walo nang magkaroon ng karanasan
Sa kamay ng tatlong pedopilyang dayuhan
Ang nakalulungkot, naging paulit-ulit, may basbas pa ng magulang
Gulong isipan, luray na katawan

Sabihin na ninyo ang nais ninyo
Sa pagtutulak ng bawal na gamot, pamilya nami'y desidido
Pantawid-gutom nami'y nanggagaling dito
Pangangailangan ba namin kung saka-sakali'y maibibigay ninyo?

Nakatakdang tumestigo sa kontrobersyal na kaso
Nagnanais makatulong, katarunga'y maiwasto
Nang sa lalapit si Attorney ng kalaban
Milyong pisong alok paano mapahihindian?

Ikawalong anghel ang paparating sa isang tagni-tagning dampa
Labandera si Nanay, lasenggero si Tatay, panganay ay di napag-aral
Maswerteng makakain ng dalawang beses sa isang araw
Kaya buhay na pumipintig, piniling kitlin na lang . . .



November 07, 2005

Villanelle

Rosas Kong Katawa’y Di Maisarado

“Bawal umehe deto, ang maholi bogbog” – Mga Titik sa MMDA Urinal

Rosas kong katawa’y di maisarado,
Ang poste at pader ako’y hinahamak;
Namumuhi ako sa iyo Fernando.

Mapangheng tawiran ako’ng akusado,
Pinandidiriha’t tila isang ebak;
Rosas kong katawa’y di maisarado.

Sa nagmamadaling mga barumbado’y,
May kilig-balikat ang bawat umapak;
Namumuhi ako sa iyo Fernando.

Minsang may pumasok, lalaking armado,
Nanutok ng baril at plema’y dumanak;
Rosas kong katawa’y di maisarado.

Alanganing gabi’y haplos ko’ng sentido,
Nang pagparausan machong naka-T-back;
Namumuhi ako sa iyo Fernando.

Sa ganung labana’y ako ang dehado,
Ang make-up ko’y gasgas, lantiti sa lusak;
Rosas kong katawa’y di maisarado . . .
Namumuhi ako sa iyo Fernando.

Ikalawang Palihan

Sa Kantina (may himig daw na malungkot)

Masaya ang lahat may ngiti ang baso,
Ang kaway ng pinggan tila sa payaso.
Walang makasabay, puso’y nagyeyelo,
Kutsara’y umiwas sa dantay ng mumo.

Buti pa ang tasa may katabing mangkok,
Ayun ang kaldero karamay ay sandok
Malagkit na biko kaniig ang niyog;
Ako’y nag-iisa kayakap ay yamot.


Unfortunately, hindi sila nalungkot.



Sa Kantina (may himig daw na nagpapatawa)

Tanghalian noon, lumikot ang isip,
Ang dalagang-bukid kasayaw ang dilis
Alimango’y habol ang sugpo ng sipit;
Baldadong talangka, pandalas ang tangis.

Umingos ang tasa sa katabing mangkok,
Ang kaldero nama’y tinugis ng sandok
Ang pilyong tinidor ako ay sinundot;
Biglang napadilat, tuloy sa pagngalot.


Sad to say, hindi sila natawa.


Mga Awit

SA ANAK NA ITINATANGI

Kaligayahan mo’y tangi kong pangarap,
Ibibigay lahat kahit pa maghirap
Pababaunan lang kap’rasong paglingap
Bago nga magsara ang mga talukap.


AKUSADO

Sige sa paghalik, pamilyang dumalaw,
Iyo ngang hinubad, maskarang halimaw
Nagpapakabait, tila ba papanaw
Di ba’t bubunuin marami pang araw?

Mga Dalit

INAHING ASO

Pagala-gala ang iba,
Malungkot kung nag-iisa
Sa sandaling maging ina
Bumabangis, kumakasa.

KALABASA


Ang anak mo’y nagdalaga,
Pag-upo ay kinakaya
Habang ikaw na ina n’ya
Sa paggapang nagdurusa.

LANGGAM


Pantal ko’y napakalaki
Namumula, nangangati
Wala ngang makasasaksi
Sa lalasaping higanti.

KUMPISALAN


Takbuhan ng nagsisisi,
Luluhod at magkukubli
Nakayukong magsasabi
Mangangako na mabuti.

GAMU-GAMO


Munting hayop na nalito,
Sa nanay niya ay nagtampo
Sinuway ang bilin nito
Sa ningas nagpaka-abo.

BALIMBING

Limang mukha sa ‘sang ulo
Mabait nang nasa kubo
Iba nang nasa palasyo
Alin nga ba ang totoo?




Mga Tanaga

ANINO

Kasunod sa pagbaba,
Kasama sa paghiga
Nang lingunin ang mukha
Agad itong nawala.

LUHA


Tubig na pinagpala,
Hinihintay ng lupa
Malalaglag na kusa
Kung matuyo ay muta.

GAGAMBA


Mga munti mong binti,
Gamit sa pananahi
Gamu-gamo’y namuhi
Bitbit mo sa pag-uwi.

BOTE


Naglalatang ang muhi
Leeg ko’y mababali
Nasaid na ang ihi
Ako ay isauli.

PARES NG SAPATOS

May dila, walang kibo,
Pagsilbi’y walang hinto
Kasama ang kalaro
Lakad, takbo at upo.

PLUMA


Kakampi sa pagsuyo,
Kataga’y itinago
Ginamit ni Mang Kiko
Nagmulat sa ninuno.

Is There Really A Prince Charming?

A lot of girls grow up thinking that a Prince Charming roams the skies and the plains just waiting for that special moment to zoom into their lives, snatch them up and carry them away from a world of shrouded gloom to one of white, wedded bliss.

When girls flower into womanhood, they are always a bit shocked to discover they are Cinderella or Snow White, and the man they thought was Prince Charming really turned out to be Prince Clod.

Marianne had lived a life like Cinderella, sweeping parking lots for a dollar at age eight, trying to provide for herself and her baby brothers as her mother lived daily tackling a mental illness. When she had just passed her teen years, she met the man she thought was her Prince Charming.

She met him where she was a waitress, and he enthralled her. A musician with a successful band, he seemed to have the widest, most endearing eyes when he spotted her. And why not? She looked as sweet as Cinderella, blonde-brown curls, emerald green eyes and a face that echoed of innocence and love, which was really the look of an awestruck teenager.

All Marianne could think was: He loves me. He loves me. He loves me.And this was true at the time. With the speed of a stallion, the man grabbed her up in his arms and carried her off to marriage. Everything was perfect as far as Marianne was concerned. She had a nice home and enjoyed watching her husband play in his band. She felt loved and adored for the first time in her life. Move over Snow White. Here she comes. And she was about to have a baby.

She didn't know about the other women.

The two were also ill-fated in another way. They had not only wedded each other, but they wedded their recessive genes. When her first son, Loren, arrived, Marianne knew something was wrong. He didn't respond to sound. For a year, Marianne struggled and consulted with doctors who told her nothing was wrong.

But finally a specialist announced that Loren was deaf and that there was nothing she could do. She sobbed for the first two years of Loren's life while her husband kept saying that their son was just fine. Doctors assured them that another child wouldn't suffer such misfortune. But when Lance was born, they soon learned the newborn was deaf, too.

The walls of their already strained marriage, which stood on a young girl's fairy-tale dreams, cracked, but they caved in when Marianne grew angry that her husband didn't want to learn to communicate with his two sons.

He left that to her. She learned sign language as quickly as possible. Her husband wasn't interested. When he talked to the boys, he treated them like they were dogs, patting them on the head, barking out a word or two.
She took her sons to her husband's parents' house. His parents ignored the kids.

She took her sons shopping. Clerks gasped when her sons made grunting sounds. And now, she knew about the other women. Sometimes her husband didn't bother to come home. Her friends quit calling her and Marianne felt a biting loneliness.

The stress and the loneliness began to destroy Marianne. She sucked down alcohol like it was water. She fed and clothed her sons, put them to bed, but refused to leave her home. She thought about slashing her wrists.

"Imagine, when your friends and your own family don't bother to want to learn to communicate with your sons," she explained. "You don't have to know sign language. Kindness is a language. We all understand it. When you see a child like this, don't act shocked. Don't gasp and walk away. The message you send to a child is: 'My God, you are a freak.' Reach out your hand and smile."

Smiles, hugs and kisses are what saved Marianne's life. Lance and Loren's eyes were pools of adoration and love - a true love. The type Marianne had never experienced in her life.

It became apparent to Marianne that she could squander her own life away with alcohol and panic attacks, but she couldn't waste her sons' lives like this. She buckled down and went back to school to earn a high school degree. She got a job with an insurance firm and saved her pennies.

The better she felt about herself, the prouder she grew of Loren and Lance. She started bringing them to visit with her co-workers, who showered them with kindness. It was time for her and her boys to leave their house, cut ties with the father and move on with their lives.

One day, her sons came with her to work, and when she walked into the office of the insurance manager, a man named Eric, she found Loren sitting on his lap. Eric looked up at her, and the skies began to tumble. He said these simple words: "I feel like an idiot. I'd love to talk with your son. Do you know where I could go learn sign language?" Marianne thought she would faint. Not a soul had ever asked her before if they could learn to communicate with her sons. She was shaking inside as she explained to Eric that if he was really interested, she knew where he could learn. It seemed better not to believe him, but he showed quickly he wasn't kidding when he enrolled in the class and began to sign words of hello to her in a few days.

When the kids came in, he took them for walks along the pier near their office. Often she went along and watched Eric, who was becoming a master of sign language, talk and laugh with her boys as no one else had before.

And each time her sons saw Eric they brightened like the sun and stars in the sky. She had never seen them so happy. Her heart twitched as though it were being strummed. She began to fall in love.

She didn't know if Eric felt the same until they left work together one evening and took a stroll out on a pier above the Pacific Ocean. He signed to her that he was in love and wanted to marry. Marianne's heart danced with joy.

The couple moved into a small town and opened up a thriving insurance business. They had two more children, Casey and Katie, neither of whom were born deaf, but both learned sign language before the age of five.

And at the happiest moments of her life, Marianne would wake up in the middle of the night, her ear burning in pain, and begin to sob. Her behavior was inexplicable because she couldn't think of a time when she felt more loved or happy.

Eric would run his hands across her hair, hold her chin and ask her what was wrong. All she could say was: "I don't know. I don't know." He held her for a long while. Weeks went by and Marianne continued to wake up sobbing.

Then, like a lightning bolt, she woke up knowing the answer. She cried to Eric, her "knight in shining armor," that she wasn't doing enough to help deaf children in the world. She was supposed to help them find their place in society. She was supposed to teach the world how to communicate with these children.

Eric wrapped his arms around her and said: "Let's do it."

Together they formed Hands Across America - "It Starts with You" - an organization that encourages the public to learn sign language and has started making educational videos that use both deaf and hearing children together.

So if you ever have a chance to talk with Marianne and ask her if there is any truth to fairy tales like Cinderella and Snow White, she'll probably say she's learned a lot about such stories in her lifetime. She's likely to say: "There sure are a lot of Prince Clods out there. But there sure are some Prince Charmings, and there are really a lot of Cinderellas, too."
Diana Chapman
Is There Really a Prince Charming? Reprinted by permission of Diana Chapman. ã 1998 Diana Chapman

Pare-Pareho Kayong Lahat!!!!

Teka, teka, teka, huwag mong sabihing ako na naman ang pakay mo? Utang na loob! Aba, mahiya ka naman, gabi-gabi na lang iyan ah! Ano kamo? Baka hindi ikaw ‘yun, baka kamukha mo lang? Kahit na, basta ayokong makakita ng kahit sino sa kauri mo. At tsaka ikaw, ang tindi mo rin naman ano, ni wala pa ngang alas-sais ah!? Parang gusto ko tuloy maniwalang pare-pareho kayong lahat. At iisa lang ang tingin ko sa inyo, mga MAPAGSAMANTALA!!!
Anong iba ka? Huwag ka ng magbagong-puri at magmaang-maangan pa, wala na rin naman eh, hindi mo na ako mapapaniwala. Isa pa, sanay na rin naman akong masaktan nang paulit-ulit, kaya sige na, ano pang hinihintay mo. Kunin mo na ‘yung gusto mo at maaari ba, pagkatapos mong masiyahan, umalis ka na!

O, bakit natigilan ka? Siguro, napag-isip-isip mong tama ako noh? Teka, teka, ‘wag kang umiyak diyan. Please stop it, okey? Mababaw lang ang luha ko. Sige na, medyo naniniwala na ako. Oo na, iba ka nga sa kanila. Pasensiya ka na sa mga nasabi ko kanina, nabigla lang ako. Masyado lang akong nadala ng mga sitwasyon. Ha?! Naku, salamat! Salamat at naiintindihan mo ako. Ano? Handa kang makinig sa mga problema ko? Talaga?! Nakakahiya naman ata ‘yun. Ano k’se eh, alam mo na, pinagdududahan kita kanina. Sigurado ka, hindi sumama ang loob mo? Iba ka nga, huh! Pero teka, bago ako mag-kwento, kumportable ka ba diyan sa posisyon mo? Sigurado ka ayaw mong maupo? Ah, sanay ka naman. Sige, ikaw ang bahala.

Ano kasi eh, itong mga panahong ito, masamang-masama ang loob ko. Alam mo kung bakit? Feeling ko kasi wala ako ni isa mang kaibigan. Hoy, hindi guni-guni ‘yan ha! Lahat kasi ng lapitan ko, puro abala, wala na silang oras para sa akin. ‘Yung iba naman, akala yata, mangungutang ako ng mangungutang, pinagtataguan ako. ‘Yung bestfriend ko na akala ko ay super loyal sa akin, ayun, naaalala lang ako kapag nag-aaway sila ng boyfriend niya! Daig ko pa nga si Ate Charo sa dami ng humihingi ng mga payo. ‘Yung kaibigan ko since elementary, hindi na rin nagte-text. Kapag nakikita ako, panay ang hingi ng sorry. Palagay mo, maniniwala ako? Hindi yata! Meron pa ngang isa, panay ang pangako ‘nung college kami na hindi niya raw ako makakalimutan kahit kailan, aba’y kanina nang makasalubong ko, kung hindi ko pa ikinuwento ‘yung paraan kung paano kami nagkakilala noon eh hindi ako matatandaan! Ang sakit nga eh! Ang sakit-sakit! Hindi eh, talagang masakit sa loob! Alam ko namang kaya ka ganyang magsalita dahil hindi ikaw ang nasa lugar ko di ba?

Ang isa pang ikinasasama ng loob ko, pinakisamahan ko naman silang lahat. Lahat nga ginagawa ko para sa kanila. Anu-ano ‘yun? Ang mga pansarili kong kaligayahan, isinasakripisyo ko. ‘Yung sarili ko, kinakalimutan ko pansamantala, at higit sa lahat, madalas akong magpakababa. Tapos ngayong ako naman ang nangangailangan, wala silang lahat.

Huwag ka ng maawa sa akin. Sobra-sobrang awa na nga ‘yung nararamdaman ko ngayon para sa sarili ko eh. Kasama ko lang pala sila sa saya. Sa lungkot, ako na lamang palang mag-isa. Sabagay, lahat naman yata talaga ngayon MAPAGSAMANTALA. Kita mo nga, pati ikaw, napagkamalan ko kanina. Pasensiya na ulit ha. Nag-iingat na kasi akong magtiwala, mahirap na. Alam mo kasi, kadalasan, kung kailan malapit at hulug na hulog na ang loob mo sa kanila, at saka ka iiwan sa ere. Ang saklap! Sasabihin mo sa sarili mong, sana sinaksak ka na lang! Talaga? Naranasan mo na rin ‘yun? Ang sakit di ba? Kaya naman pala naiintindihan mo ako. Pareho pala tayong biktima. Oo ba, sige mula ngayon, friends na tayo. Oo, walang iwanan!

Teka, inantok ako dun ah! Matulog na ako? Eh paano ka? Babantayan mo ako? Wow naman, ayoko ‘nun. Ang mabuti pa, ikaw na lang muna ang matulog at ako ang magbabantay sa’yo. Ayaw mo rin? Pwes, sabay tayong matulog! Ayan. Goodnight, my friend! Sweet dreams! Papatayin ko ang ilaw ha!?

K-kaibigan, ikaw ba ‘yun? Teka, teka lang, huwag ka naming magbibiro ng ganyan. W-wala sa usapan natin ‘yan! Nangako ka, remember? Aray! Ang kati nun hah! Aray! Aray! Bakit naman sa tenga pa? Ummmm! . . . sa wakas, napatay rin kita. K-kaibigan . . . akala ko ba iba ka? Sabi mo kanina di ba? Sabi mo, hindi ka timawa sa dugo. Nagtiwala naman ako. Kapareho ka rin pala nila, MAPAGSAMANTALA! Alam mo, sayang . . . lalo lang sumama ‘yung loob ko.:’(

Monday, July 24, 2006

Salamat Kay Glenda

Nang pauwiin kami last Sun mula sa LIRA, sinabi ni Sir Rio na suspended ang klase sa UP kina-Lunesan dahil papasok na ng bansa ang bagyong si Glenda.
Nang gabing iyon, iyon hindi ako mapakali. Naghihintay ng announcement kung mayroon man. Nag-aalala kasi ako. Maagang dumarating ang service namin kung Lunes. Sana kung mag-a-announce sila ay ibaba naman sana ng gabing iyon. Nakatulugan ko ang paghihintay. Pinilit ko kasing makatulog sa kabila ng pangungulit ng pamangkin ko. Sukat kung kailan ako nahihimbing ay sasakay sa likod ko. Pasalamat na rin ako sa kanya nang bandang alas-onse ay magising ako sa pangungulit niya at naging daan upang mabasa ko ang text ni Bes. Wala nga raw pasok ang government employees maliban sa nagbibigay ng health at safety/security services. Para akong nabunutan ng tinik. Sa wakas! Pwede akong magising ng tanghali. (Ang babaw noh?)
  • Past 7 na ako bumangon mula sa higaan
  • Nagbreakfast ng sinangag (no choice walang kanin na luto eh)
  • Ang natirang dinuguan ni tatay ang inulam ko (the best, habang tumatagal ay lalong nagiging malasa)
  • Tinapos ko ang aklat ni Sir Bobby Añonuevo - Pagsiping sa Lupain, mga koleksiyon niya ng tula, plano kong isauli na ang aklat na ito kay En sa Sabado
  • Kahit malakas ang ulan sa labas, nagpalit ako ng maong shorts at niyakag ko ang aking ate na pumunta kami sa palengke (narinig ko kasi ang inusal ni nanay na masarap daw ang talong at tuyo kung ganitong maulan)
  • Nagdaan muna kami sa Internet Cafe, sumilip kung may importanteng mail (wala naman masyado)
  • Nakipagtawaran ako sa palengke (katulad ng madalas kong ginagawa every Sunday nang wala pang LIRA)
  • Umuwi kaming putikan pero masaya
  • Pagdating namin sa bahay, may tubig-baha na sa daan. High tide na daw.
  • Nilaro ko si Micah hanggang kami ay magkapikunan, hehehe (1 year and 3 mos old lang po siya)
  • Nagbunot ng mga unwanted hair
  • Nag-pedicure
  • Nagsulat
  • Muling nagbasa
  • Kumain ng maraming kanin at hinalabos na alimasag at pritong talong nang naka-kamay, sobrang nabusog ako! Dessert namin ay abokado.
  • Nagbasa ulit
  • Nang antukin ay natulog (2 hours din yata)
  • Kinulit na naman si Micah hanggang mapaiyak
  • Meryenda time
  • Sinubukang gumawa ng assignment (pero wala rin)
  • Dinner
  • At natulog

Salamat kay Glenda, sobrang na-appreciate ko ang Lunes na ito. Hindi ako nakinig ng SONA, hindi rin ako nanood ng balita tungkol sa pananalanta ng bagyo, ang alam ko lang ay masaya ako sa araw na ito. Sana bukas ulit . . . (abusado, hehehe)

Tuesday, July 18, 2006

Unwanted

Naipamigay na ang baru-baruan,
Bigkis at ang lampin na pinaglumaan.
Ang pintig ng buhay sa sinapupunan,
Hindi namalayan, hindi naingatan.

Matindi ang kapit, anghel na mapilit,
Gamot isinuka, nagtanim ng galit
At nang iniluwal, dulot ay pasakit;
Gumanti sa inang buhay ay nabingit.

Gatas na tinimpla ang tanging kasama,
Ang mapangheng unan, kayakap sa kuna.
Tigmak na ang lampin nasaan si Kuya?
‘Susubong daliri tuwing nag-iisa.

Sa lambing ay hubad mailap sa yakap
Init ng kalinga lelong ang nagmulat;
Tuwing nadarapa, ama ang bubuhat
Hanap ng tiyahin sa tuwing lalayas.

Pansinin niya dili habang nakaratay,
Naghain ng sulyap ni walang inusal
Malamig na sabaw ang tangi niyang alay;
Pabaon sa inang ngayo’y agaw-buhay.


Kumpisal Ng Isang Kabit

Sinusupil ko ang ngiti
Sa tuwing pagbubuksan ka.
Kasinluwang ng mga yakap ko
Ang pag-asang nag-uunahang umahon.
Ligaya ang katumbas
Ng dilim na masasalamin
Sa iyong mukha.
Lingid sa iyo’y ipinagdiriwang ko
Ang manaka-naka ninyong pagtatalo.
Mas malalim na alita’y
Higit na maliligayang sandali
Sa piling mo, sa pagitan natin.
May impit na dalanging
Manatili ka ng magdamag
Dito sa tabi ko.

Lumilipad yaring isip
Habang ikaw’y naghihinga
Ng kanyang mga kakulangan.
Sinasadya kong lasingin ka
Ng mga paglalambing,
Inaasam na sa paggising
Ay limot na siya.
Palihim kong pinuputol
Ang kamay ng orasan,
Upang di dumating
Ang hudyat ng paghihiwalay.

Kung maaari lamang sagkaan
Ng tamis ng pagniniig ang pintuan,
Upang di mo na hangaring umuwi.
Ngunit alam ko
Masarhan ko man ang pinto,
Siguradong wawasakin mo ang bintana.

Monday, July 17, 2006

Something to Ponder

GEORGE CARLIN (His wife recently died...)

Isn't it amazing that George Carlin - gross and mouthy comedian of the 70's and 80's - could write something so very eloquent. ..and so very appropriate.

A wonderful Message by George Carlin:

The paradox of our time in history is that
we have taller buildings but shorter tempers,
wider freeways, but narrower viewpoints.
We spend more, but have less;
we buy more, but enjoy less.
We have bigger houses and smaller families,
more conveniences, but less time...
We have more degrees but less sense;
more knowledge, but less judgment;
More experts, yet more problem;
more medicine, but less wellness.
We drink too much, smoke too much,
spend too recklessly, laugh too little,
drive too fast, get too angry,
stay up too late, get up too tired,
read too little, watch TV too much,
and pray too seldom.
We have multiplied our possessions, but reduced our Values.
We talk too much, love too seldom,
and hate too often...
We've learned how to make a living, but not a life.
We've added years to life not life to years.
We've been all the way to the moon and back,
but have trouble crossing the street to meet a new neighbor.
We conquered outer space but not inner space.
We've done larger things, but not better things.
We've cleaned up the air, but polluted the soul.
We've conquered the atom, but not our prejudice.
We write more, but learn less.
We plan more, but accomplish less.
We've learned to rush, but not to wait.
We build more computers to hold more information,
to produce more copies than ever,
but we communicate less and less.
These are the times of fast foods and slow digestion,
big men and small character,
steep profits and shallow relationships.
These are the days of two incomes but more divorce,
fancier houses, but broken homes...
These are days of quick trips, disposable diapers,
throw away morality, one night stands, overweight bodies,
and pills that do everything from cheer, to quiet, to kill.
It is a time when there is much in the showroom window
and nothing in the stockroom.
A time when technology can bring this letter to you,
and a time when you can choose either to share this insight,
or to just ignore or hit delete.
Remember:spend some time with your loved ones;
because they are not going to be around forever.
Remember, say a kind word to someone who looks up to you in awe,
because that little person soon will grow up and leave your side...
Remember, to give a warm hug to the one next to you,
because that is the only treasure you can give with your heart
and it doesn't cost a cent.
Remember, to say, "I love you" to your partner and your loved ones,
but most of all mean it... A kiss and an embrace will mend hurt
when it comes from deep inside of you.
Remember to hold hands and cherish the moment
for someday that person will not be there again
Give time to love, give time to speak,!
And give time to share the precious thoughts in your mind.
AND ALWAYS REMEMBER:
LIFE is not measured by the number of breaths we take,
but by the moments that take our breath away.

Friday, July 14, 2006

What a Week!

Haaaay, sa wakas natapos din ang 3-day seminar/workshop namin dito sa office. . .
Masyado ako nangarag dun! Kung pinagdugtung-dugtong marahil ang mga ginawa kong pagpanhik-baba mula sa conference room ng PAGC pababa sa MIS o sa Supplies Office ay maaari akong makauwi sa Bulacan, hehehe.
Napapagod talaga ako ngayon, as in! Physically at mentally nga eh. Kagabi, 2am na akong nakatulog kapipilit magrevise ng isang dating tula at gawing soneto. Drained na kasi talaga ang creative juices ko. Susme, 2am na eh wala pa rin akong mabuo, tinulugan ko nga! Kani-kanina ko lang natapos ang tula ko. Wala, hindi ako confident dito. Bahala na bukas. Sana, maganda ang mood ni Sir Rio, book launching naman niya eh, hehehehe.
Parang lumulutang ang pakiramdam ko, sa puyat siguro. Haaay, anong oras naman kami mauuwi ngayon nito. 7pm na sa wall clock, hindi na naman ako makakapag-dinner nito. Lately kasi parang mas masarap matulog kaysa kumain. Goodluck sa health!

Monday, July 10, 2006

Ikatlong Palihan

Nang nakaraang Sabado, sa kabila ng pagmamadali ko ay na-late pa rin talaga ako pagpunta sa UP Diliman. Nakapaikot na ang mga silya nila nang ako ay pumasok, pang-labingdalawa na rin ang tula ko, at medyo naka-ingos na rin sa akin si Sir Rio. Ayaw na ayaw niya kasi ng late. To conquer my fear, umupo ako sa silyang malapit sa kanyang inuupuan. Nagparinig na siya, masama raw ang kanyang pakiramdam, malamang ay maninigaw raw siya. Kaya naman takut na takot ang naunang nasalang.
Ang hirap naman talaga ng pakiramdam na ang tulang isang linggo mong pinag-isipan (napapanaginipan ko na nga eh) ay kakatayin lang dito. Kailangang makatugon sa mga hinihingi ng takdang-aralin. Inaasahang ang lahat ng natutuhan ay makikita sa aming mga tula (sabagay, agree naman ako sa bagay na ito) kung hindi ay hindi na babasahin ang tula mo.
Hiningan kami ng tulang nanggagagad, naglalayong magpatawa at nagsasalaysay ng isang pangyayari sa loob ng tren. Magaganda ang mga tulang binasa ng ilang fellows at nakakatawa ayon sa aming pamantayan ngunit hindi sa pamantayan ni Sir Rio. Susme, walang tula siyang pinalampas. Ang lahat ay may puna. Ang tula sa ibaba ang aking ipinasa. Nakakatawa naman daw. May ilang mga suhestiyon siyang ibinigay at may mga punang nakatulong upang mapakinis ko pa ang tula ko.

Binibini

Hinagod ang buhok inayos ang gusot;
Binasa ang labi, sinipat ang pulbos.
Pagpanhik ng hagdan, dibdib mo’y tinutop,
Magarang sandalyas dinig ang kalatog.

Ang iwing alindog madaming nabihag
Pumito ang sekyu nang ika’y mamalas;
May mamang kumindat, ang mata’y nangusap;
Naglabas ng dila, totoy na may bikas.

Sa paghinto ng tren agad kang sumakay
Ang mga lalaki’y nagpilit sumabay;
Sa dibdib mo’t hita, lahat nakatanaw,
“H’wag munang iibis,” ang iisang dasal.

May di nakatiis, dibdib mo’y sinalat,
Bigla kang tumili. Kamao’y umigkas.
Binugbog ang pilyo at wig mo’y nahubad;
Ang peklating ulo . . . sa lahat tumambad.

Natawa ka ba? Hindi pa diyan nagtapos ang Sabado namin. Kung bakit naman kasi itong si Sol, naisipang gagarin ang Bahay Kubo. Ayun, nagka-idea tuloy ang Sir Rio. Palibhasa'y maagang natapos ang palihan, pagkatapos ng aming tanghalian muli niya kaming binigyan ng exercise. Gagarin daw namin ang kantang Bahay-Kubo. Bahala raw kami. Basta kailangan daw ay sa tonong nagpapatawa.

Ang hirap kayang gumawa ng tula kung nape-pressure ka at nalilimitahan. Wala namang regular na tugma't sukat yung Bahay Kubo eh. Pero siyempre, puwede mo bang ikatwiran iyon?

Una kong naisip ay ang Bahay ni Gloria, ilalarawan ko sana ang mga halimaw doon na sari-sari. Ngunit ayoko namang lumikha ng eskandalo dahil sa mga ilalagay kong personalities sa tula ko. Hmmm, isip pa ng konti. Wala talaga akong matapos. Puro simula lang. May naisip ako pero baka kung ano naman ang isipin nila. Pero bahala na, wala talaga eh. Kuwela naman siguro. Ipinabasa ko kay Kuya Sam, mukhang nangiti naman siya.

Bahay Puta, kahit munti

Kahalayan doon ay sari-sari

Bugaw na mapilit, bebot disisyete

Baklang bihis-babae.

Mamasang na Lola, 'pinataas ang palda

Utos sa dalaga

Magsayaw ng bomba

D.O.M. lalapit, 'lalabas ang kwarta

Ang hindi mapili'y bubuntong-hininga

Isinulat ko pa ito sa pisara at ang lalong nakakahiya eh ipinakanta pa talaga sa akin. Susme, may mga natawa naman. Nang maupo ako ay tinitingnan ako ni Sir Rio. Bakit ko daw alam ang mga bagay na ito. At napagdudahan pa akong dati raw siguro akong nagtatrabaho dito, hehehe. Pambihira, common sense na lang kasi.

Ano naman kayang kapalaran ang naghihintay sa amin sa darating na Sabado. . .



Thursday, July 06, 2006

Moving On

Got this from my dear friend Tet:
It is human nature to get attached emotionally to something or someone, but at one point in our lives , no matter how much crippling the pain will be, we just have to let it go. It is mind boggling, emotionally taxing for it has become a part of your whole being, but the heart is deceiving so it is not wise to cling on or trust what your heart is telling, so learn to let it all go to spare yourself from devastation. Life is too short, learn from your mistakes and move on for there are far greater things waiting for you. . .

Wednesday, July 05, 2006

Diskuwento

Habang naghihintay ng masasakyan sa harap ng SM North Edsa, biglang may humintong lumang fx sa harapan ko. Iwinawagayway ang karatulang Tabang-Malolos. Dagli akong sumakay at naupo sa tabi ng driver, ayokong lumugar sa gitna, baka maipit na naman ang balikat ko. Sa likuran naman ay nangangawit ang mga tuhod ko. Naglapitan ang mga barker, sinita ang driver. Mayroon daw nakapila sa likuran nito, matuto daw itong magbigay, ang ibig ay pababain ako. Bago ako makapag-isip ng tamang gagawin, pinaandar na ng driver ang fx. Pilit kong isinasantabi ang takot, paano na kung wala itong maisakay bukod sa akin? Nag-aagaw-dilim na noon.
Lampas na kami sa pilahan nang magsalita ang driver. Pauwi na raw kasi siya, ayaw niyang magpagabi dahil baka hinihintay na siya ng misis niya. Naibulalas ko na lang na sana makakuha pa siya ng pasahero sa daan. Pero wala talaga, lampas na kami sa Muñoz ay wala namang pumara. Naaawa ako sa kanya lalo na nang sabihin niyang mag-a-abono pa siya ngayon ng pambayad sa toll fee.
Nang mapagmasdan ko ang driver, mas namayani ang awa kaysa takot. At sa aking pakikipag-usap sa kanya, nakuha ko agad ang profile niya: 69 anyos, byudo, may 6 na anak sa namayapang asawa at may mga binata ng apo. Tipikal lang di ba? Pero nang malaman kong nakisama siyang muli sa babaeng 30 anyos na ngayon at nagkaroon ng 3 anak dito, kung saan 6 na taon ang panganay at 8 buwan ang bunso, yun ang medyo nakapanlulumo. Halos habol na niya ang kanyang hininga habang nagmamaneho pero kailangan niyang kumayod upang may maipantawid-gutom ang bagong pamilya. May 3 anak din sa una ang babaeng kinakasama niya sa kasalukuyan kaya kailangan niya talagang magsipag. Matindi naman daw ang pananalig niya sa Diyos at alam niyang hindi siya pababayaan.
Hindi ko maiwasang mag-isip, paano na kaya ang tatlong anak niya kapag nawala siya? At eto pa, tuwing linggo lamang siya nakaka-ekstra sa pagmamaneho dahil ginagamit ng anak niya ang fx. Karaniwang kita niya kung malakas ang pasada ay P 700.00. Pilit ko mang sumahin sa aking isip, tila yata hindi sasapat ang halagang iyon sa isang pamilyang ang 2 bata ay nag-gagatas at nagda-diaper pa? Proud pa siya habang nagkukwento na hindi naman daw maselan ang asawa at anak niya, noodles, gulay at kanin ay magana pa rin silang kumain.
Medyo mahaba ang biyahe nang gabing iyon. Marahil dahil tila pagong ang aming takbo. Pamaya-maya'y natitingin ako sa driver, sa totoo lang kasi ay nag-aalala ako na baka hindi na niya kayanin ang pagmamaneho at kung saan kami pulutin. Buti kako at nakikita pa niya ang daan. Ang sagot ba naman eh, medyo nakakakita pa naman daw siya.
Nang pumasok na kami sa Bulacan, tinanong niya kung saan ako nakatira, sumagot naman ako. Napag-alaman ko na sa Pandi pa pala siya uuwi. Nakiusap siya na baka pwedeng sa Balagtas na lamang siya mag-exit para makamenos ng toll fee, ihahatid na lamang daw niya ako sa mismong bababaan ko. Pumayag naman ako, nakakaawa na kasi talaga. Medyo madilim at di ako pamilyar sa lugar na dinaanan namin kaya naman tahimik akong nagdarasal. Hanggang sa nakita ko na ang traffic ng Bocaue, sige pa rin sa kwento ang matandang driver, nakikinig lang ako at pamaya-maya'y nagpapahayag ng pagsang-ayon o pagtutol. Mukhang nawiwili sa pagku-kuwento, hindi niya namamalaya'y lubhang marami na siyang nasasabi. Sa kabila ng paulit-ulit niyang pagsasabing malapit siya sa Diyos at malakas ang kanyang kapit sa Kanya, sumasalit ang kawalan ng pag-asa sa kinakaharap na sitwasyon. Minsan na nga rin daw niyang inaway ng todo ang kanyang kinakasama para lumayas na sa bahay niya pero walang epekto.
Pagdating sa C. Mercado, kung saan maaari na siyang lumiko upang umuwi, pumara na ako. Ibig kong sumakay na lamang ng jeep na maghahatid sa akin sa amin. Ngunit mapilit ang matanda, naipangako nga raw niya sa akin na ihahatid niya ako sa mismong babaan ko upang di na mamasahe, hindi niya raw inaasahang papayag ako na sa Balagtas kami magdaan tuloy ay naka-menos raw siya. Nabaitan raw siya sa akin.
Wala pa yatang 5 minuto ang natitirang byahe, ngunit sinulit ng matanda ang kuwento. Balik na naman siya sa paulit-ulit na pagsasabing malakas ang kapit niya sa Diyos at alam niyang hindi siya nito pababayaan. Ayokong tumingin sa mga mata ni tatang, dahil kabaligtaran ang aking nasasalamin.
Naglalakad ako papasok sa aming tarangkahan, iniisip ko sino nga ba sa aming dalawa ang naka-diskuwento?

Ang Panalangin

Naulinigan ko ang kasiyahan ng pamilya ng aking kapit-bahay. Nang kanila akong mamataan, kinambatan ako ng ina,
"Halika, dali! May ipaparinig ako sa iyo." Agad na tinawag ang pangalawang anak nasa tatlong taon marahil, pinatayo sa ibabaw ng kama at inutusan.
"O anak, iparinig mo na si Tita Nini yung dasal mo."
Agad namang tumalima ang inutusan, tumingin muna sa akin at nakangiting pinagsalikop ang dalawang kamay nang tila nagdarasal, bahagya pang nakapikit. Hindi pa nagkasya, lumuhod pa sa kama.
"Jesus, pahingi po ng pagkain para sa amin nila Mama. Sana po palagi kaming padalhan ng maraming damit at sapatos ng Papa ni Kuya Billy (kapatid nila sa unang asawa ng kanyang ina). Si Papa po na andun sa kulungan, sana gawin mong pulis, Amen."
Hagalpakan ng tawa silang lahat ng nakarinig. Nakatingin sa reaksiyon ko.
Mukhang napahiya ang ina, "eh si Billy kasi, siya ang nagturo niyan."
"Bakit naman ganung dasal?" ang nausal ko na lamang.

Slam Book

From Elementary to Highschool, I've been fascinated with stuff like these. Well, this one shouldn't tell you that it covers the in and out of me . . . but will definitely tell you a lot of things about me. I hope you people like it and know me well.
Updated July 2006
Name Mary Ann
Location Bulacan, Philippines
Languages I Know Filipino & English
Birth date April 19, 1977
Star Sign Aries
Describe yourself Sensitive, a keen observer, straightforward, sincere, value relationships, always seek opportunities to build meaningful connections to people I have come accrossed with
Email I use The Most mcariquez@yahoo.com
Hobbies Creative writing, poetry, reading, playing badminton
Hates Liars, user
Turn-ons Soft music, sensible conversations, sense of humor, books, smiles
Turn-offs Conceited, late comers,
First Thing You Notice Eyes
Allergies Inconsiderate and possesive people
Terrified of Darkness, being left alone, being bitten by dogs
Addicted to Internet, mobile (texting), books
Color Blue
Dishes Native & Italian
Non Alcoholic Drinks Fruit shakes, juices, Zagu (with Bes)
Drink/Smoke? No
Actors Piolo Pascual (solid!)
Hollywood Movies If Only, Harry Potter Series, Shrek 1 & 2, Shatter, 51st Date
Scarry or Happy Endings Happy endings of course
Songs Grow old with you (Adam Sandler), I need you (Leann Rimes), Bluer than blue (Regine Velasquez), All the love in the world (The Corrs)
Kind of Music soft, R & B
Favorite Books Harry Potter Series, Tuesdays with Morrie, Hope for the Flowers, A child called "It", The Lost Boy, A man named Dave, Bob Ong books, Og Mandino books
Believe in . . . God, Love, Destiny, Promises
Scariest Moment 2004, when my father told me he couldn't breath
Unforgettable Moment March 2006, an encounter with "The Snatchers"
People I Wont Forget (In no particular order) Emar, Emma, Kim, Divine, Mrs. Lapeña, Mrs. Viray, Mhira, Mhedy, Melai, Sir Jojo, Bryan, Sir Dionisio, Malou, Deo, Niel, Yam, Reggie, Vhic, Rhea, Vangie, Me-Ann, Amy, Ate Leah, Ma'am Olive, Dick, OBG, Ate Nini, Marlon, Chat, Alan, Cecille, Hazel, Maricel, BJ, Lando, Ate Gina, Noi, Jun, Millet, Mylene, Luz, Michael, Mark, Loren, Tetet, LMP, MCDR, Sheila, Let, Jaja, Guanzon, Jhay, Liza, Tom, JPM, Ruth, Olive, Cathy, Kuya Francis, Teacher Pinky, Teacher Mommy, Henry, Noemi, Cristy, Gene, Gara, Sir Rani, Sir Mike, Ogie, Vonn, Tata Raul, Ate Joy, Don, Amin, Jilo, Ms. Beth Reyes, Ms. Punongbayan, Madel, Luz, Ate Indan, Kathleen, Jeff, Alfred, Mona, Raquel, Jocelyn, Via, Celeste, Dave, Dolores, Didi, Rei, Esmie, Nerrie, Glenda, Janet, Jayson, Jem, Joann, KZ, Kuts, Liza B., Ate Luisa, Jologs, Sid Erlick . . .
Philosphy in Life We are responsible of what we do, no matter how we feel; What is essential is invisible to the eyes
Secret Ambition To become a writer, hehehe
Next Birth Myself:)
Chocolate or Vanilla Chocolate
Pets Dogs, Cats, Iguana
Hugs or Kisses Hugs from lovedones, kisses from dear one
Thoughts About Opposite Sex They always wanted to be understood; they always long for someone who will listen to them; they love receiving praises

Tuesday, July 04, 2006

Snellen Test

Kagabi, medyo na-frustrate na naman ako . . . Hinubad ko ang contact lens, as usual para guminhawa ang pakiramdam ko. May nakaabang na towel sa kandungan ko para sa tulo ng solution at posibleng paglipad ng lens. Sus, mentras nag-iingat ay saka naman bibiruin ka ng kapalaran. Nailagay ko na sa container ang hinubad ko sa kaliwa pero nang binabanlawan ko na ng solution ang galing sa kanan kong mata, bigla ko itong nabitiwan. Tigas ako ng hanap - sa braso, sa towel na nakasapo, sa sahig sa tapat ko, sa damit kong suot. Nagpapaka-independent as usual dahil hanggat maaari ayaw kong ipakita ang kahinaan kong iyon. Pero wala talaga, ayoko namang isipin na bukas ay papasok ako na isa lang ang malinaw na mata Pinakiusapan ko na ang ate ko na paki-turn off ang electric fan dahil baka liparin ang hinahanap ko. Pinakisuyuan ko na rin siya na tulungan ako sa paghahanap. Medyo nagpa-panic na ako. Mawala na ang lahat, wag lang ang contact lens ko.
Habang pinapasadahan niya ng kamay ang mga posibleng pagbagsakan ng contact lens, bigla akong may nakapa sa kaliwang binti ko. Ang contact lens! Malapit na siyang ma-dry dahil medyo matagal na ring hindi nakababad. Dagli ko itong kinuha, nilinis, inilagay sa sisidlan at agad isinara. Hay, buti na lang. . .
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ba ako nasasanay? Hindi ninyo naman siguro ako masisisi. Lumaki akong hindi yata nakaranas ng 20/20 vision (lately ko lang narealize iyan). Grade 1 ako ay hindi ko napapansing nahihirapan akong makakita nang malinaw kung malayo sa pisara. Kapansin-pansing, kinakailangan ko pang makiupo sa gawing harapan para lang makaagapay sa lecture. Tuwing pababasahin ako sa chart kapag reading, hindi ako masyadong makasunod, bumabawi na lang ako sa written exams. Madalas akong makaramdam ng pagkahilo pero binabalewala ko lamang. Minsan kahit dumaing ako, hindi naman masyadong napapansin dahil hindi ko sila makumbinse. Sa tuwing manonood ng tv, ugali kong maupo sa malapit nito at kung hindi man ay ikunot ang noo upang makita nang malinaw ang pinapanood. Grade 5 na ako nang mapagpasyahang ipacheck-up ang mga mata ko, malabo nga raw sabi ng doktor, kailangang magsalamin. Ang una kong grado, 200.
Nang una akong magsalamin, awkward talaga. Naglalaro pa ako noon eh, so ang pagsasalamin ay naging hadlang para sa mga outdoor games. Kakaiba rin ang tingin sa iyo ng karamihan, mukha raw kasing nerd. Imbes na makipaghabulan at makipagpatintero, nagbabasa at nagsusulat na lang ako. Nang sumunod na taon, napaghihilo na naman ako, nang ako'y ipa-check-up, tumaas daw ang grado ko. 400 na ngayon.
Mas makapal na ang salamin ko, mas dumarami ang nang-aalaska. Ganun naman yata talaga kapag bata ka pa, tingin mo sa lahat ay laro. Taun-taon ay nagdodoble ang grado ng salamin ko, pabigat ng pabigat at nalilimitahan na ang pagkilos ko, unti-unti na rin yatang nadevelop ang inferiority complex ko.
Third year high school na ako nang isuggest ng doktor na subukan kong mag-contact lens, para mapigil daw ang pagtaas ng grado (naiisip ninyo na ba kung anong grado na ng mata ko by this time?). Pumayag ako. Mas maginhawang di hamak kaysa salamin pero kailangan ng ibayong pag-iingat. Bawal ang mahabang fingernails, kailangang palaging maghugas ng mga kamay sa tuwing magsusuot o maghuhubad ng mga ito. Kailangang panatilihin ang kalinisan ng sarili at ng sisidlan ng contact lens, pati ang tamang paggamit ng mga gamot at solution. Yearly rin ang pagpapalit ng contact lens at totoo ang sabi ng doktor, napigilan nga ang pagtaas ng grado.
More than ten years na akong nagko-contact lens. Nakailang palit na ako ng brand pati ng solution. Ang high school friend ko na si Lanie ay ganap ng Optometrist at isa ako sa kanyang mga pasyente. Bigla ko na lamang naramdamang may kakaiba sa loob ng aking mata. Sa tuwing tatangkain kong isuot ang contacs ay kumakati ang loob ng aking mga mata, magluluha at iritable na kaya huhubarin ko na lamang ito. Nagpagawa na ako ng ultra thin (ultra thin na naturingan, pero ubod pa rin ng kapal) na salamin para pamalit dito. Dumating na sa puntong hindi ko na talaga ito maisuot. Sobrang hirap dahil nasanay na ako. Mahirap bumalik sa salamin lalo't ganun kataas ang grado, masakit sa ulo at ang hirap magtrabaho. Nang magpa-check-up ako, may mga butlig daw sa loob ng talukap ng aking mata. Binigyan ako ng pamatak at ibalik ko raw after two weeks. Makalipas ang dalawang linggo, hindi pa rin daw tuyo ang mga butlig. Lumipat na ako sa ibang doktor.
Sabi ng eye specialist, na-irritate nga raw ang mga mata ko. Hindi na raw ako maaaring mag-contact lens. Kung ipipilit ko raw ay baka mabulag ako. Salamin lang daw talaga ang solusyon. Kaya wala akong nagawa. Balik salamin ang drama ko. Ang makapal kong salamin.
After one year ng pagsasalamin, at pagdalangin kay Sta. Lucia, nagpa-check ako sa kumare kong si Lanie. Sinubukan kong muling mag-contact lens at naging matagumpay naman.
Mahigit isang taon na naman akong balik contact lens, naging maingat na ako this time. Hindi na ako natutulog na suot ang aking contacts, ipinapahinga ko na nang mas mahaba ang aking mga mata at regular ang aking check-up.
Napakahalaga ng paningin, hindi ko masabing pinabayaan ko yung sa akin. Hereditary yata. Isa o higit pang myembro ng bawat pamilya ng aking kamag-anak both sa mother at father side ay mga naka-salamin.
Subconsiously, alam kong andiyan lang sa tabi-tabi yung malaki kong takot . . . ang magising isang araw na pinagkaitan na ng paningin.

Monday, July 03, 2006

Si Noemi

Last Sunday, nagkita kami ng dati kong dorm mate na si Noemi. Dinaanan niya ako sa UP at dumiretso kami sa SM North Edsa kung saan pareho kaming mag-aabang ng sasakyan pauwi.
Sobrang na-miss namin ang isa't-isa. Si Noemi ang unang taong nakilala ko sa Dorm 3 Ladies Wing ng TIPCO, ang gaan agad ng loob ko sa kanya noon. Nang hindi ko mabuksan ang pinto ng room na na-assigned sa akin, nag-offer siya na tabi na muna kami sa room niya. Bagamat hindi kami natuloy matulog sa isang room dahil nabuksan din ang room ko, nag-offer siyang magpahiram ng bed sheet dahil nakalimutan kong magdala. At nang umalis na ang mga ate at pinsan ko na naghatid sa akin, inaya niya ako na sumama na lang sa kanila ni Rexel magsimba since wala akong makakasama sa dorm.
Si Noemi ang nagpakilala sa akin sa iba pang occupants. She really went out of her way para maging komportable ako. Later on, nakasundo ko na ang halos lahat, pati ang mga occupants sa male wing. Nagkaroon ako ng iba't-ibang kaibigan pero si Noemi pa rin ang itinuturing kong paboritong tao sa dorm. Mahiyain siya, oo, nadiskubre ko iyan mga two months after siguro. Ayaw niya ng atensiyon. Kapag pupunta sa canteen, nagmamadali siya. Kung maraming taong nakaumpok sa daraanan niya, sa iba na lang siya dadaan kahit na malayo ang lalakarin, okei lang. Gustung-gusto ko rin kapag isinasama niya ako sa Madapdap everytime na nauubusan siya ng powdered soap or mayroon siyang gustong bilhin, ang saya-saya ng feeling kapag nagkukuwentuhan kami nang matagal habang mabilis na naglalakad, malayu-layo din ang Madapdap hanggang TIPCO pero hindi ako nakakaramdam ng pagod.
Nang dalhin ko ang badminton racket ko sa dorm, si Noemi ang una kong nakalaro. Nakakaaliw na oo nga at mas mataas ang grado ng mata ko sa kanya, lumalabas na lamang pa rin ako dahil hinuhubad niya ang salamin niya everytime na naglalaro kami.
Siya na yata ang pinaka-simpleng babaeng nakilala ko, walang arte, hindi maselan, hindi mahirap pakibagayan. Ni hindi nga siya aware na maganda siya. At habang nakikilala ko siya, the more na nagiging maganda siya sa paningin ko.
Kaya naman hindi ko masisi ang officemate ko na si Jhay nang asamin nitong ligawan si Noemi. Gusto pa akong gawing tulay ng loko, sad to say, katulad ng ibang nagtangkang manligaw sa kanya, iniwasan lang siya nang iniwasan ni Noemi.
Masarap kausap si Noemi. Totoo ang mga sinasabi, walang pretensions. Diretsahan ang mga tanong at hindi naman siya nagugulat kung mga direktang sagot rin ang ibinibigay ko. halos lahat ng topic gusto naming pag-usapan, maliban sa love, hehehe. Ang mangyayari kasi, tutuksuhin niya ako, at ako hindi naman magpapatalo, manunukso rin, tapos bigla naming mare-realize, wala naman kaming lovelife so tawanan lang ulit.
Si Noemi lang ang nag-iisang babae sa department nila. Kaya naiintindihan ko siya kung bakit madalas siyang ma-conscious sa mga lalake, kung bakit hindi siya masyadong nag-aayos (ayaw niyang tratuhing bababeng-babae ng mga lalakeng minamanduhan niya), kung bakit ayaw niyang mali-link sa kahit kanino (grabe naman kasing mang-alaska ang mga lalake, at madalas mas tsismoso pa sila sa mga babae, hehehe)at kung bakit kahit na-rebond na ang kulot niyang buhok (na bumagay sa kanya at lalong nagpalutang ng kanyang ganda) ay ayaw pa rin niya itong ilugay.
Isa ako sa mga natuwa nang siya ang tanghaling T.E.A.M (TIPCO's Employee Achiever of the Month)Awardee. Actually, isa ako sa mga naunang nakaalam nang magandang balitang iyon. Kaya nang hilingin ng boss ko na ako na ang mag-emcee ay hindi na ako nagdalawang isip, proud kasi ako na siya ang awardee namin for that particular month. Bukod sa P 5,000.00, recognition, plaque, free lunch with manager's committee ng aming kumpanya ay mapapalakpakan pa ng lahat ng makakapanood ang sinumang bibigyang parangal. Sa canteen ang venue, lunch time iyon kaya maraming makakapanood. At nandoon ang mga kaibigan ni Noemi! Nag-distribute kasi kami ng invitations sa bawat department. Hay, mga eksenang pinaka-iiwas-iwasan ni Noemi. Ang estilo pa naman, sasabihin lang sa iyo na awardee ka, the day itself na, wala ka ng chance na mag-prepare man lang ng speech or magpa-set man lang kaya ng buhok. Surprise talaga. Kabadong-kabadong Noemi ang nakita ko sa harapan ko that time, kung anong isinigla ng pagho-host ko ay para namang kalbaryo para kay Noemi. Andoon ang mga big bosses ng TIPCO, pati ang Mgr. at Supervisor ni Noemi, may nahatak pa sila para kumanta sa intermission number. Nang ibibigay na ang plaque at cash, hindi nila mapatayo si Noemi, kung hindi pa pandilatan ni Sir Mar ay hindi yata talaga tatayo. Hindi pa doon natapos. Syempre, pagka-tanggap ng award, kailangan ang speech. Alam kong sobrang kinakabahan siya dahil sobrang ikli ng kanyang mensahe at talagang hindi man lang tumitingin sa mga tao. Nang gabing iyon sa dorm, pasimple niya akong binulungan, sana daw wala ng ganung parangal, okei daw ang cash pero ang pagsalitain pa siya ay sobra na.
Maganda rin ang boses ni Noemi, saksi ang CR at ang washing area ng dorm sa araw-araw niyang pag-awit, kapag pinansin mo ay biglang mahihiya, maya-maya ay bibirit na naman. Kaya alam na alam ko kapag may problema siya, tahimik ang dorm, pero bihira lamang mangyari iyon.
Isa si Noemi sa mga umiyak nang mag-resign ako sa TIPCO. Nang araw na pauwi na ako, hinabol pa niya ako sa CR, dun kami nagyakap nang mahigpit, umiiyak pareho. Bakit daw ganun, lahat ng taong nagugustuhan niya ay umaalis, nalulungkot daw talaga siya. Nangako naman akong maaari pa kaming magkita ulit. Humalik ako at nagpaalam na. Maya-maya ay humahabol siya, may ibinigay na card. Mainit-init pa, hindi na nakuhang isara ang sobre.
Kahit wala na ako sa dorm, patuloy pa rin ang communication namin, thru text. We have this promise na kung sino ang unang magka-lovelife ay babalitaan ang isa. Kaya natuwa ako nang magtext siya minsan na may bf na nga raw siya.
Last Sunday lang kami nagkita ulit after 6 months at naikwento nga niya ang kanyang lovelife. Walang masyadong nagbago sa kanya, straight pa rin ang pina-rebond niyang buhok, medyo tumaba, ayaw pa ring isuot ang salamin kaya nahihirapang makakita. Marami siyang baong kwento tungkol sa dorm at sa bago niyang bf, kung paano siya nag-aadjust bilang Noemi as a gf. Nakakaaliw pa rin siya. paulit-ulit niyang sinasabing masaya siya at bibiruin ko naman na sino ba ang kinukumbinse niya, ako or ang sarili niya? At sabay na lang kaming magtatawanan. Totoo raw pala ang sinasabi sa isang movie, kaya raw tayo naghahanap ng mamahalin at magmamahal sa atin para in a way, mayroon tayong witness sa mga nangyayari sa buhay natin.
Dalawang oras din kaming nagkasama, sinubukang iupdate ang isa't-isa sa mga pangyayaring hindi na-witness ng bawat isa sa amin. Ipinara ko siya ng bus pabalik sa planta. At humalik sa kanyang pisngi bago siya sumakay.
Sakay na ako ng fx papuntang bulakan, nangingiti pa rin ako sa alaala ni Noemi. Naniniwala akong masaya nga siya, nakikita ko naman sa kanyang mga mata. At masaya ako para sa kanya.
Pagdating ko sa bahay, nabasa ko ang text message niya, "Me-ann, hindi ko ma-explain, basta may kakaibang saya ang ma-inlove. You deserve that joy."