Wednesday, March 28, 2007

Only in the Philippines


* Nakasulat sa pader:
"MARUNONG KA BANG TUMAHOL? ASO LANG ANG UMIIHI DITO!"

* along a highway in Pampanga:
"WE MAKE MODERN ANTIQUE FURNITURE"

* in a Baguio grocery:
"FRESH FROZEN CHICKEN SOLD HERE"

* in Cubao:
"NONE ID NOTHING ENTRY"

* on a parking lot:
"TAXI AND OUTSIDE CAR NOT ALLOWED"

* along Luneta Boulevard:
"BAWAL TUMAE SA BULEVARD"

* on Jeepney and Bus signs:
"BEFORE PAY, TELL WHERE GET THE ON BEFORE GET THE OFF"

* on a Flower shop in Rizal Avenue:
"WE SELL ARTIFICIAL FRESH FLOWERS"

* on a delivery truck:
"NOT FOR HERE"

* on window of a restaurant in Baguio:
"WANTED: BOY WAITRESS"

* A grafitti inside the cubicle of a ladies' C.R. in a university:
"PLEASE DON'T SIT LIKE A FROG, SIT LIKE A QUEEN."

* At a men's comfort room, above a urinal:
"HAWAK MO ANG KINABUKASAN NG BAYAN"

* at a construction site in Mandaluyong:
"BAWAL OMEHI DITO. ANG MAHOLI BOG-BOG"

* somewhere along San Andres:
"NO URINATING, ON THE OVER WALLS"

* vacant lot near makati ave.:
"DON'T PARKING"

* at an eatery in Cebu:
"WE HAB SOPDRINK IN CAN AND IN BATOL!

and this is the best of them all!!
* on a building somewhere in the Philippines...
"NOTARY PUBLIC TUMATANGGAP DIN NG LABADA KUNG LINGGO"

Sariling Wika

Basahin nyo kung wala kayong ginagawa...


BAKA MAKALIMUTAN NINYO ANG SARILING WIKA... DI NAMAN KAYO LUMAKI SA IBANG BANSA...

Abuloy --- bayad sa nahigop na kape at nanguyang biskwit sa nilamayang sakla.
Akala ---- alam na alam daw.
Aginaldo - inaasahan na makukuha sa araw ng Pasko na mas okay sana kung pera na lang.
Bakasyon - sandaliang pahinga sa trabahong hingal lang ang pahinga.
Bakit ---- tanong na laging mahirap masagot.
Bakya ---- tsinelas na may takong.
Baga ----- lutuan ng mga hindi makabili ng microwave.
Bagoong -- masarap na ulam ng mga walang maiulam.
Baldado -- hindi mamamatay-matay na mukhang hindi na mabubuhay.
Bale ----- suweldong inutang.
Kaaw ay --- ikli ng 'kaibigan na Inayawan.'
Kababata - dating gelpren na may ibang boypren.
Kabag ---- utot na naipon sa tiyan.
Kabayo --- hayop na sinasakyan ng kalesa.
Kalbo ---- gupit ng buhok na korteng itlog.
Dalaginding - dalagang hindi pa nagsusuot ng bra.
Dilim ---- liwanag na maitim.
E -------- ireng paseksi.
Gahasa --- romansang walang ligawan.
Ginang --- asawa ni ginoo na mukha nang tsimay.
Ginoo ---- inaasawa ni ginang na may inaasawang iba.
Gipit ---- kalagayan ng tao na suki na ng sanglaan.
Ha ------- sagot ng nagbibingi-bingihan .
Halakhak - tawang bukang-buka ang ngala-ngala.
Handaan -- magdamagan na palakihan ng tiyan.
Handog --- bigay na laging may kapalit.
Hipo ----- haplos na may malisya.
Hudas ---- tapat na manloloko.
Ibon ----- hayop na lumalangoy sa hangin.
Imposible - pagtaas ng unano.
Insulto --- walang hiyang biro.
Isda ------ hayop na hindi nalulunod.
Ita ------- negrong Pinoy.
La -------- ikli ng 'lalalalala' sa kinakantang hindi maalala.
Lalawigan - syudad ng kahirapan.
Langaw ---- kulisap na bangung-bango sa amoy ng basura.
Ma - ------- tawag sa gelpren na mukhang nanay na.
Malusog --- hitsura ng tumatabang balat.
Mama ------ tawag sa sosyal na ina.
Mano ------ kaugaliang Pinoy na nakapupudpod ng noo.
Mantika --- katas ng piniritong taba.
Maybahay -- asawang utusan sa bahay.
Nakaw ----- pagkuha ng walang pasabing 'akin na lang ito.'
Naku ------ ikli ng 'ina ko, ina na ako.'
Nitso ----- bahay ng mga patay.
Nobya ----- gelpren na laking probinsya.
Ngalngal -- iyak ng walang ngipin.
Ngisi ----- tawang tulo-laway.
Ngiti ----- tawang labas ngiti.
Paa ------- bahagi ng katawan na amoy lupa.
Paaralan -- dito itinuturo kung ano, alin o sino ang mapipiling bobo.
Panata ---- dasal na nakatataba ng tuhod.
Regla ----- masungit na panahon ng pagkababae.
Sabon ----- mabangong bagay na ipinapahid sa mabahong katawan.
Sakristan - utusan ng pari.
Sampal ---- haplos na nakatitigas ng mukha.
Ta -------- ikli ng 'tita' o lalaking may bra.
Tamad ----- taong hindi napapagod sa pahinga.


Sunday, March 11, 2007

Kung Anu-Ano Lang . . .

  • Hindi maganda ang pakiramdam ko lately, parang dumadalas ang paninikip ng kanang dibdib. Yung pakiramdam na parang may nakabara sa ugat. Nagpa-ECG ako last Saturday, walang available na doktor na babasa ng result. Plano kong mag-undertime one of these days para maasikaso na at ng hindi ako kinakabahan.
  • Nararamdaman ko rin, parang patuloy ako sa pagtaba. Ang laki na ng tiyan ko. Nakaka-conscious na tuloy.
  • Kahapon, nagkaroon ako ng pagkakataong kumustahin at makipagkwentuhan sa aking kauna-unahang kumare, si Millet. As usual, kinantyawan na naman ako kung kailan ako mag-aasawa. Pwede na raw umabay ang inaanak ko sa kanya na ngayon ay 11 years old na. Nang sa dadaan ang isa ko pang kumare, galing sila ng inaanak ko sa simbahan. Wala pang 10 minutes, dumaan naman ang isa ko pang kumare, kasama ang inaanak ko namang lalaki. Parang nagkalat yata ang mga inaanak ko ah!
  • Gusto ko na ulit tumula, kaso wala akong maisip na magandang tulain. Nagkakasya na lamang ako sa pagsusulat sa aking journal. Isinusulat ko lahat ng mga kakaibang ideya na pumapasok sa isip ko.