Last Saturday (Nov. 11, 2006), nagkaroon ng Get Together ang IV-Narra batch 94. Finally, natuloy din! Out of 66, 15 lang kaming naka-attend. Ako ang nag-organize kahit thru text at phone calls lang, wala kasing time para mag-ikot pa. Isa pa'y alam ko namang hindi rin sasama kahit mag-commt. Ang venue namin - Guilbert's Place sa Tabang, Plaridel, Bulacan.
Sa totoo lang, kapag married na lalo sa case ng mga babae, parang nililimitahan na nila yung mga sarili nila na mag-aatend sa mga get together at reunion. Kaya hindi na rin ako nagtaka na hindi na nagreply yung ibang mga nanay sa text ko. Tutal ang uasapan naman namin ay walang pilitan, basta kung sino lang ang makarating.
5pm ang start, so andun na agad kami ni Yam (soltera ding tulad ko, hehe). Itinext ko silang lahat na "asan na kau, d2 na kmi." Kapag nagtext back at magtanong na "talaga? sinu-sino na kayo?" ay hindi na ako sumasagot. Mukhang effective dahil maya-maya lang ay isa-isa ng nagdatingan. Tinitingnan ako nang masama, pero syempre explain ko na paparating na yung iba.
Sumilip ang dati naming class adviser, si Sir Jojo, happy siya na makita kami na nagkakatipon-tipon. Usually kasi, nagkakasama-sama lang ang ilan sa amin lately kapag may namamatay na magulang o kamag-anak ang isa sa aming mga dating kaklase. May kasama si Sir na isang estudyante niya sa kasalukuyan at isa-isa kaming ipinakilala. Nakakalungkot lang na yung mga hindi nakatapos kong classmate eh hindi kagandahan ang pagpapakilala niya. Napansin ko na bahagyanng nagyuko ng ulo ang mga ito.
7pm nang dumating si Roniel, ang aming class president, birthday niya nung araw na iyon so inulan siya ng kantiyaw. Kasunod niya maya-maya lamang si Vhic na pinagnasaan niya nang matagal-tagal din naman. Andun din sina Joseph (ang wife niya ay sa Lebanon nagtatrabaho sa kasalukuyan), si Mareng Lanie (ang aking optometrist), si Mareng Rhea na isa ng dentista, si Prisco na isa ng CPA, si Russel, (ang kapit-bahay kong mapang-asar) na waiter naman sa Annabelle's Restaurant, ang beterinaryong si Gil nakarating din katabi niya sa upuan si Pareng Reggie, sa kaliwa ko ay si Ronaldo a.k.a kalabaw (ang pambato naming swimmer noong high school). Si Josie na hanggang ngayon ay tinutukso pa rin nilang Inang ay pasalamat kami at nakahabol. Inihabilin niya muna ang kanyang 3 anak sa kanyang mga biyenan. Ang asawa niya ay nandun din sa lugar na iyon that night, nakahiwalaya nga lang ng table sa amin.
Kahit konti lang kami ay sobrang ingay pa rin namin. Masyang binalikan ang mga kulitan, asaran at tuksuhan ng nagdaang high school life. Kinakantiyawan siyempre ang mga wala pang asawa. Sa kaliwa ko ay kwentuhan ng mga nanay habang sa kanan ay asaran. So sa kanan na lang ako at nakipag-asaran. Nagkatawanan ang lahat nang ibuko ni Mareng Rhea na dahilan lamang pala ni Marlow na ma-traffic kaya wala pa siya, ang totoo pala'y ayaw payagan ng Misis niya, hahaha! Hindi ko na lang kinulit dahil kung pupunta siya ay siguradong aalaskahin lang siya ng mga kalalakihan.
Hindi pa nagkakahiwa-hiwalay ay kinukulit na nila akong next month daw ay ulitin namin. Susme, namihasa naman ang mga ito.
Nakalalasing pala ang iced tea at malakas pala ang tama ng kwentuhan at pakikipag-asaran sa mga dating high school classmates dahil kinabukasan, may hang over pa rin ako ng masasaya naming biruan at tawanan.