Ang Batch 2006 fellows ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo, kasama ang ilan sa mga premyadong makatang miyembro nito.
LIRA 21
Pagdiriwang sa ika-21 taon ng isang premyadong organisasyon sa panulaang Filipino
Ang ika-21 anibersaryo ng Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo (LIRA) ay ipagdiriwang sa 5 Disyembre 2006 sa Conspiracy Bar (sa Visayas Ave. tapat ng Shell, Lunsod Quezon), 6:00-9:00 ng gabi. Kaalinsabay ito sa paglulunsad ng Ang Una Naming Siglo, kalipunan ng isandaang tula ng 20 fellows na sumailalim sa anim na buwang palihan ng LIRA sa taong ito. Tampok sa gabing ito ang pagtatanghal ng mga tulang kabilang sa folio at iba pang pagtatanghal muila sa mga batikan at baguhang makata.
Ang LIRA ay organisasyon ng mga makatang nagsusulat sa wikang Filipino. Itinatag ito ng Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan, si Virgilio Almario (kilala rin bilang Rio Alma), noong 1985.
Sa mga palihan ng LIRA nagmula ang mga kilalang makata tulad nina Mike Coroza, Romulo Baquiran, Vim Nadera, at ang magkapatid na Roberto at Rebecca AƱonuevo. Kabilang din sila sa mga nagbibigay-panayam sa taunang palihan o workshop na isinasagawa ng organisasyon, na bukas para sa mga nagsisimulang makata.

No comments:
Post a Comment