Galit Ako sa Lalaki
Galit ako sa lalaki
na nanliligaw
nang di-totohanan
babae’y pinagpupustahan.
Galit ako sa lalaki
na nang-aabuso
ginagamit ang pagkamacho
sa kanyang panggagantso.
Galit ako sa lalaki
na mapagsamantala
pag-ibig ay dinadahilan
matugunan lamang ang tawag ng laman.
Galit ako sa lalaki
na laging tumatakbo
sa responsibilidad at pangako
hindi nagseseryoso.
Galit ako sa lalaki
na di nagpapahalaga
sa Sakramento ng Kasal
papel lamang ang tingin niya.
Galit ako sa lalaki
na di marunong gumalang
sa asawang mapagpala
ito pa’y winawalang-bahala.
Galit ako sa lalaki
na kung umasata’y parang hari
utos ay di nababali
wari siya’y di nagkakamali.
Galit ako sa lalaki
na di marunong magbalik
ng pagmamahal ng asawa
turing niya ay alila.
Galit ako sa lalaki
na utak ay makitid
sa paliwanag ng iba
di nakikinig.
Galit ako sa lalaki
na di marunong tumanggap
ng kanyang pagkakamali
pilit pang dinidiretso ang baluktot at imbi.
Galit ako sa lalaki
na nananakit ng asawa
sa konting pagkakamali
umiigkas ang kamao niya.
Galit ako sa lalaki
na di nagsisimba
may oras sa lahat
maliban sa Diyos na sa kanya’y Lumikha.
At eto ang sagot ko . . .
Galit ako sa mga lalaking walang paninindigan,
Sa mga lalaking sarili lang ang kayang pahalagahan;
Silang madalas maipagkamali ang pag-ibig sa tawag ng laman,
At walang awang nagsasamantala sa ating kahinaan.
Galit ako sa mga lalaking hindi kayang tumanggap ng pagkatalo,
Sa mga lalaking hindi marunong makinig at magpahalaga sa damdamin ng mga babae;
Silang mahilig mang-insulto at mabilis kung humusga.
Mga lalaking ang pag-iisip ay nasa dulo ng kamao.
Ang tanong ni Ate Joy, man-hater daw ba ako? Hehehe, halata po ba? Well, hindi naman.
Monday, December 11, 2006
Tuesday, December 05, 2006
Tawanan Tayo
* "Noodle! Noodle! Noodle!"
- Manny Pacquaio on Deal or No Deal
* "Hindi lahat ng hinog matamis"
- Pigsa
* "Siguro nga hanggang dito na lamang. Siguro nga hindi na ako magiging sentro ng atensiyon mo. Ok lang, masaya na akong nasa gilid lang ng paningin mo"
- Muta
* "I Love You Pacman. Tulungan mo kami sa aming mga problemang pinansiyal. Pahingi ng balato."
-Send this to 90 friends and nothing will happen. Promise, effective ito, na-try ko na. Wala talaga.
* "Butterfly din ako, brown lang ang pakpak."
- Baklang Ipis
*Complete Version:
Tatay: Anak, bili ka softdrinks.
Anak: Coke o Pepsi?
Tatay: Coke.
Anak: Diet o regular?
Tatay: Regular.
Anak: Bote o in can?
Tatay: Bote
Anak: 8 oz o litro?
Tatay: Punyeta! Tubig na lang!
Anak: Natural o mineral?
Tatay: Mineral.
Anak: Malamig o hindi?
Tatay: Papaluin na kita ng walis!
Anak: Tambo o tingting?
Tatay: Hayop ka!
Anak: Baka o baboy?
Tatay: Layas!
Anak: Ngayon o bukas?
Tatay: Ngayon na!
Anak: Hatid mo ako o hindi?
Tatay: Papatayin kita!
Anak: Sakal o baril?
Tatay: Baril!
Anak: Sa ulo o tiyan?
Tatay: Peste ka!!
Anak: Ipis o daga?
Tatay: Waaaaahhhh!
* Problemado ka ba at walang pera? Heto ang sagot diyan. Just text NANAY PENGE PERA at i-send sa number niya. And dali di ba?
*"Oo, inaamin ko, sila'y mga yakal, lawanit, apitong at narra. at kami'y saging lamang. Pero maghanap kayo ng puno sa buong mundo, saging lang ang may puso! Saging lang!"
- B1 at B2
*Prayer of the romantically, desperate, delusional or merely hopeful:
"Lord, If siya na, please let everything fall into place, pero kung hindi po siya, siya na lang kasi please?"
*Ayaw mo bang pumasok bukas? Just type:
WORK OFF at isend sa boss mo. may chance ka pang magka-memo at ma-meet ang buong HRD staff. Kaya't magmadali, text na!
*"Pinag-aaral kayo ng inyong mga magulang para matuto, hindi para maglakwatsa." Quotable quotes by:
- Manong Guard
P.S. No I.D., No Entry. Bawal ang naka-tsinelas!
* Bakla nagkukwento tungkol sa boyfriend niya:
"Ang sweet-sweet ng boyfriend ko. Bago kami matulog nilalagyan niya ako ng plastic sa mukha. Kapag hindi na ako makahinga, tinatanggal na niya. Proud ako sa kanya kasi siya ang nagturo sa aking magtipid. Kapag nga kumakain kami sa labas, ulam lang niya pork chop, ako ketchup. Nakakatuwa pa sa kanya, hindi siya nanghihingi ng pera, kusa na lang siya kumukuha sa wallet ko. Kaso hiwalay na kami. Yung mga kaibigan ko kasi, sinisiraan siya. Malikot daw ang kamay. Siya lang nagpupunta sa bahay ko, nawala pa yung ref. Iniisip ko naman na-misplace ko lang."
*Meron ka na lamang 6 na oras para maging TAO. Kung gusto mong ipagpatuloy ang pagiging tao mo ay i-type lang ang MALIGNO OFF at isend sa 2870.
Salamat
Sa wakas ay nakaraos kami nang matiwasay sa ginawa naming pagtatanghal kagabi sa ika-21 anibersaryo ng LIRA. Marami rin ang pumuri sa aming folio. Kami raw ang batch na pinakamarami (ngunit hindi nangangahulugan na pinakamagaling, hehe, ika nga ni Sir Rio). Kami rin daw ang pinakahandang batch sabi ni Ron.
Kabisado ko ang aking tula, dangan nga lamang sa dami ng pressures ko sa maghapon pati ang alalahaning baka hindi ako umabot sa conspiracy (ipadala ka ba naman sa meeting sa makati ng 4pm, na walang kasiguraduhan kung anong oras ang tapos, hehehe) ay kinailangan kong basahin ang dala-dala kong kopya. Kitang-kita ang panginginig ng aking mga kamay (hirap talagang paglabanan ng kaba).
Marami sa mga kilalang makata na kasapi rin ng LIRA ang nandoon sa Conspiracy kagabi, hindi ko na iisa-isahin dahil baka may malimutan ako, hehe.
Masaya ang gabi lalo na nang isa-isa kaming tawagin upang tanggapin ang katibayan ng aming pagtatapos (sa wakas!). Ito ang bunga ng aming anim na buwang paghihirap.
Maraming salamat sa lahat ng lecturers/panelists na walang sawang gumabay sa amin. Sa mga LIRA members na sa tuwina ay nagpapaalala kung anu-ano ang mga dapat naming tandaan. Sa bumubuo ng SIGLO na talaga namang nagdulot ng kasiyahan sa akin tuwing Sabado at Linggo, mapa-palihan man o lecture.
Sa inyong lahat, maraming salamat po.
Ano man ang kalabasan ng deliberation, hindi ko kayo makakalimutan.
Subscribe to:
Posts (Atom)