Sa wakas ay nakaraos kami nang matiwasay sa ginawa naming pagtatanghal kagabi sa ika-21 anibersaryo ng LIRA. Marami rin ang pumuri sa aming folio. Kami raw ang batch na pinakamarami (ngunit hindi nangangahulugan na pinakamagaling, hehe, ika nga ni Sir Rio). Kami rin daw ang pinakahandang batch sabi ni Ron.
Kabisado ko ang aking tula, dangan nga lamang sa dami ng pressures ko sa maghapon pati ang alalahaning baka hindi ako umabot sa conspiracy (ipadala ka ba naman sa meeting sa makati ng 4pm, na walang kasiguraduhan kung anong oras ang tapos, hehehe) ay kinailangan kong basahin ang dala-dala kong kopya. Kitang-kita ang panginginig ng aking mga kamay (hirap talagang paglabanan ng kaba).
Marami sa mga kilalang makata na kasapi rin ng LIRA ang nandoon sa Conspiracy kagabi, hindi ko na iisa-isahin dahil baka may malimutan ako, hehe.
Masaya ang gabi lalo na nang isa-isa kaming tawagin upang tanggapin ang katibayan ng aming pagtatapos (sa wakas!). Ito ang bunga ng aming anim na buwang paghihirap.
Maraming salamat sa lahat ng lecturers/panelists na walang sawang gumabay sa amin. Sa mga LIRA members na sa tuwina ay nagpapaalala kung anu-ano ang mga dapat naming tandaan. Sa bumubuo ng SIGLO na talaga namang nagdulot ng kasiyahan sa akin tuwing Sabado at Linggo, mapa-palihan man o lecture.
Sa inyong lahat, maraming salamat po.
Ano man ang kalabasan ng deliberation, hindi ko kayo makakalimutan.
No comments:
Post a Comment