Christmas break noon nang makatanggap ako ng text message na inakala kong hindi para sa akin. Ang sabi kasi:
"Uy, invited daw tayo sa b-day party ni Ederlyn mamayang 8pm. Text-text na lang ha! Kita-kits!"
Sumakit ang ulo ko sa kaiisip kung sino si Ederlyn sa buhay ko. Nang may kalahating oras na at wala pa rin akong matandaang babaeng may ganoong pangalan ay kinumbinse ko ang aking sarili na ito ay pakana ng kung sinong nais magpatawa.
Sino si Ederlyn, ang tanong ng lahat ng pinadalhan ko ng text na iyon. Tinawanan ko na lamang. Naloka nga ako nang magreply ang isa kong kaibigan from Naga, oo daw pupunta daw siya. Susme, nagkataon palang may kakilala talaga siyang Ederlyn! Kung hindi ko pala binawi ang joke ay malamang nagpunta siya sa bahay ng Ederlyn na iyon.
At kung inakala kong doon matatapos ang isyung Ederlyn na iyan ay nagkakamali pala ako dahil nang pumasok ang taong 2007, may natanggap na naman akong mensahe:
"Sa lahat ng pumunta kagabi, maraming salamat. Sa mga hindi naman nakapunta, okei lang. Sana lang nag-text kayo at makabawi next time."- Ederlyn
Hehehe, muntik rin akong makumbinsi na may Ederlyn ngang umasa sa pagdating ko sa birthday niya. Alam kong tulad ko rin, ang mga kaibigan ko ay naghihintay ng bagong development sa istorya ng misteryosang babaeng ito.
"Ang ganda mo pala sa personal! Salamat sa pag-imbita ulit - Tirso
At nagkaroon na yata ng bagong twist, lumitaw na may nakarating naman pala sa birthday party ni Ederlyn.
Nang nakaraang Biyernes, natanggap ko ito:
"NAGBABAGANG REBELASYON. Madaming nagtatanong. Kinukwestiyon ang pagkatao niya. Handa na siyang humarap sa publiko at sagutin lahat ng katanungan sa kanya. Ilalabas na rin niya ang kanyang hinanakit sa diumanong nilangaw na b-day celebration niya. EDERLYN babasagin ang katahimikan. EKSKLUSIBO, Sa LINGGO, LIVE SA THE BUZZ!"
Hay, ano naman kaya ang kasunod nito? Hehehe. Abangan natin ang susunod na kaabanata
1 comment:
click here for more ederlyn quotes
Post a Comment