Monday, December 11, 2006

From Ate Joy's Journey In Life

Galit Ako sa Lalaki

Galit ako sa lalaki
na nanliligaw
nang di-totohanan
babae’y pinagpupustahan.


Galit ako sa lalaki
na nang-aabuso
ginagamit ang pagkamacho
sa kanyang panggagantso.


Galit ako sa lalaki
na mapagsamantala
pag-ibig ay dinadahilan
matugunan lamang ang tawag ng laman.


Galit ako sa lalaki
na laging tumatakbo
sa responsibilidad at pangako
hindi nagseseryoso.


Galit ako sa lalaki
na di nagpapahalaga
sa Sakramento ng Kasal
papel lamang ang tingin niya.


Galit ako sa lalaki
na di marunong gumalang
sa asawang mapagpala
ito pa’y winawalang-bahala.


Galit ako sa lalaki
na kung umasata’y parang hari
utos ay di nababali
wari siya’y di nagkakamali.

Galit ako sa lalaki
na di marunong magbalik
ng pagmamahal ng asawa
turing niya ay alila.


Galit ako sa lalaki
na utak ay makitid
sa paliwanag ng iba
di nakikinig.

Galit ako sa lalaki
na di marunong tumanggap
ng kanyang pagkakamali
pilit pang dinidiretso ang baluktot at imbi.


Galit ako sa lalaki
na nananakit ng asawa
sa konting pagkakamali
umiigkas ang kamao niya.


Galit ako sa lalaki
na di nagsisimba
may oras sa lahat
maliban sa Diyos na sa kanya’y Lumikha.


At eto ang sagot ko . . .


Galit ako sa mga lalaking walang paninindigan,
Sa mga lalaking sarili lang ang kayang pahalagahan;
Silang madalas maipagkamali ang pag-ibig sa tawag ng laman,
At walang awang nagsasamantala sa ating kahinaan.



Galit ako sa mga lalaking hindi kayang tumanggap ng pagkatalo,
Sa mga lalaking hindi marunong makinig at magpahalaga sa damdamin ng mga babae;
Silang mahilig mang-insulto at mabilis kung humusga.
Mga lalaking ang pag-iisip ay nasa dulo ng kamao.


Ang tanong ni Ate Joy, man-hater daw ba ako? Hehehe, halata po ba? Well, hindi naman.

1 comment:

- litol figgy - said...

hear, hear!

kasi naman. bilang na talaga ang matitinong lalaki sa mundo. pramis!