Una si Pong, ang kamag-aral ko sa elementarya. Matagal na niya akong kinukumbinse. Alang-alang daw sa anim na taon naming pagiging magkaklase at magkatabi sa row one. Ilakad ko naman daw sa mga kamag-anakan ko ang pinsan niyang kandidato sa pagka- Vice Governor. Sabi ko, "titingnan ko." Aba'y humirit pa, huwag ko raw basta tingnan, kundi gawin ko.
Sa lalapit naman ang kamag-aral ko ng high school na si Egay, kakandidato pala siya sa pagka-konsehal ng aming bayan. Nagulat ako dahil para kakong masyado pa siyang bata para doon. Natawa pa ang loko nang tanungin ko kung bakit hiundi muna siya mag-SK. Andiyan naman daw ang tatay niya na ex-councilor ng bayan namin. Naiiling na lang akong lumayo. Tingnan mo nga naman, paano kayang aaktong konsehal ang isang magaling mangopya at kilalang pilyo. Akala yata'y panay pagpapa-cute lang ang mundo ng konseho. Sabi ko na lang "titingnan ko."
Nung Linggo naman, paglabas ko ng simbahan, sinimplehan ako ni Tiyo Gusting. Sino daw ba ang dadalhin ko sa pagka-Vice Mayor. Tahimik lang ako. Baka naman daw kalimutan ko pa yung pamangkin niya sa pinsan na asawang kauli ng inaanak ng bilas ng lolo sa tuhod ng namayapa niyang asawa. Bilang paggalang ko na lamang daw sa kaluluwa ng aking Tiya Ester ay dalhin ko na si Tangkad at sa hanay naman ng mga Senador ay bibigyan niya ako ng listahan. Yung Mayor daw na katiket ni Tangkad, huwag na huwag ko raw di dadalhin dahil kapag natalo iyon ay siguradong hihina ang sabungan sa amin. Ayun! Lumabas din ang tunay na motibo. Nasabi ko na lang na paiwas, "titingnan ko po."
Ah si Nanay . . . medyo mabigat ang hiling ng Nanay ko. Yung Ninong daw niya na kandidato sa pagka-Mayor ay susuportahan ng buong pamilya namin. Kasubuan na raw. Mangangatwiran pa sana ako pero pinandilatan na niya ako, sasama din daw ako sa pangangampanya. Wika kong paungol, "titingnan ko po." Nagkaroon pa tuloy ako ngayon ng problema. Mahigpit kasing magkalaban ang manok ni Nanay at ang bata ni Tata Gusting. Pareho ko silang iginagalang at ayaw ko silang biguin hanggang maaari.
Si Tata Gusting na mula pagkabata ay laging nariyan para sa akin. Ngayon ngang kaya ko ng gumanti ay ayaw pa ring tatanggap. At ang sabi pa niya, ngayon lamang daw siya hihiling sa akin. Si Nanay naman, bilang kanyang panganay, malaki ang paniniwala niyang maiimpluwensiyahan ko ang mga nakababata kong kapatid.
Pareho ko silang mahal, pareho ko silang iginagalang, haaay, pero paano naman ang gusto ko?

No comments:
Post a Comment