Kay Me-ann
By: Francis Monteseña
By: Francis Monteseña
Huwag,
Huwag kang matakot.
Huwag kang matakot taluntunin
Ang daang nakalaan para sa iyo.
Iyan,
Iyan ay para sa ‘yo.
Di man piliin, iyong tupdin
Ang kasi ng laan sa iyong kapalaran.
Hindi,
Hindi ka mag-iisa.
Hindi ka mag-iisang tumahak
Sa ganitong landas, dalawa tayong tatapak.
Sundin mo ang takbo ng lahat
at pagdating sa dulo ng di masipat
Kapwa natin matatantong, mabuti,
Mabuti at pinili mong maglakbay ditong
Kasama ako.
04/19/2007
04/19/2007
No comments:
Post a Comment