Tuesday, August 08, 2006

My Princess

20 THINGS I KNOW ABOUT HER:
1. "Tetet" comes from Princess, Vivienne Sherryl sa totoong buhay. Princess dahil nag-iisang babae sa tatlong magkakapatid.
2. She loves to cook.
3. At masarap ang kanyang mga luto.
4. VAIN (as in!) may iba't-ibang klase ng bath soap, shower gel, shampoo, conditioner, cologne, lotion, etc.(depende sa kanyang mood). Kaya hindi nakapagtatakang kahit uwian na from work eh mabango pa rin siya.
5. Mahilig sa color white: blouse, t-shirt, pants, shoes, bags, etc.
6. Mahilig sa pictures (lahat na lang ng anggulo gustong kuhanan!)
7. Ms. 5S eto. Hate niya ang mga nagkalat na sapatos sa hallway, ayaw niya ng alikabok or kalat at lalong naiirita siya sa mga falling hair sa shower.
8. Nagpapaka-mature! Pinipilit maka-relate sa mga kwentong beyond her age.
9. Mahilig tumulong kahit madalas siya na ang naiipit, sige pa rin.
10.Parang siya ang panganay sa bahay: sa pag-iisip ng solusyon sa problema at sa pag-iintindi sa pamilya.
11. Madaling ma-fall. Haay, wish ko lang dumating na ang right guy para sa kanya.
12. Malakas makiramdam (mana sa akin!)
13. Mahilig mag-analyze ng behavior (influence ko?).
14. Super friendly (kinakaibigan ultimo barkada sa labas ng barkada ng barkada niya!).
15. Mayroon siyang twin brother.
16. Kinakabahan kapag naririnig ang pangalang "Noel".
17. Pa-cute (sobra!). Minsan kapag hindi ko na ma-take, iniiwan ko na lang muna siya.
18. Malambing.
19. Mahilig kumain.
20. May themesong habang naglalaba at naliligo :)
Kung may isang tao sa Dorm 3-Ladies na palaging andyan para sa akin nung nagtatrabaho pa ako sa TIPCO, yun ay si Badet (tawagan namin! derived from the word "bading" yata. Eventually, pati sa office ay badet na rin ang tawag sa kanya ng boss ko). Madalas di ko na kailangan magsalita dahil alam na niya kung kailan ba ako may PMS or nabad-trip ako. Galaw pa lang ng mga mata ko, alam na niyang may inookray kami. Sobrang sarap magluto (swerte ng mapapangasawa niya), malambing, pasaway, makulit minsan pero thoughtful at palaging maaasahan. Sobrang family oriented tulad ko, pero mas martir sa akin. Di ko napi-feel 'yung age gap namin dahil nakakarelate siya sa akin most of the time. Di ko kelangan mag-pretend pag siya ang kasama ko dahil alam kong matatanggap niya ako. Kahit madalas ako mag-NO sa mga gusto niya, naiintindihan niya. Minsan sobrang ka-guilty na nga dahil alam ko nagdadamdam din siya although hindi niya sinasabi. I'm proud to be her friend. I'm proud that despite her age, maganda 'yung outlook niya sa buhay. Ang swerte ng nanay niya - may anak siyang katulad ni Badet, ang swerte ng Kuya at kakambal niya - may Princess silang naasahan at ang swerte namin ni Mark dahil may TETET kaming andyan . . . (eto yung una kong testi sa friendster niya, hehehe)

Grabe, super miss ko na ang babaeng ito. Nasasabik na talaga ako sa amoy ng sinigang niya at sa lasa ng baked macaroni (nang mag-birthday ako sa Dorm, ipinagluto niya ako nito!) na madalas naming pagsaluhan before sa Dorm 3. Paulit-ulit kong binabalik-balikan sa aking isipan ang mga eksena ng paghingi niya ng powdered soap kapag nauubusan siya; ang mga litanya niya everytime nauunahan siya sa pagpila sa washing machine (may make face pa iyon) o kapag hindi man lang pinagkaabalahang tiklupin ang mga damit niyang hinango ng kung sino man sa dryer (eh kasi naman, kapag siya ang nakakatapat ng damit sa dryer, maingat niya itong itinutupi, ayun nag-expect masyado); ang pamimili namin sa palengke ng Madapdap (parang siya ang nanay at ako ang anak, taga-bitbit lang ng pinamili); ang paghihiwa ko ng mga recipe na kanyang iluluto (dahil hindi niya papayagang ako ang magluto, hehehe); ang pagbabaon namin ng mga niluto niyang almusal (part ng pagtitipid, syempre); ang paglalaro ng badminton (take note, sa tennis court kami naglalaro!) at ang seryosong pagjo-jogging (seryosohan talaga dahil gumigising kami ng 4:30 am After two sessions, ayaw na raw niya, mas masarap naman daw talagangn matulog. Sus, palpak ang plano niyang magpapayat). Nakatutuwang alalahanin ang mga kwentuhang walang humpay sa piling nila Mark, Gener, Guanzon, Jologs, Big Boy, Loren, Ungas at iba pa; kung paanong pagtulungan naming alaskahin ang supladong si Mark; kung paanong magkatuwang naming okrayin at laitin si Putik at ang mga karakter na kinaiinisan namin kapag pumapasok sila ng canteen. Natatawa ako nang lihim kapag sumasalit sa isip ko ang mga pagkakataon ng pagparada niya ng kanyang mahubog na katawan habang naka-swim suit (hindi ko alam kung paano magre-react, hehehe) o pantulog na mickey mouse. Nakararamdam ako ng kahungkagan sa tuwing may palabas sa sinehan na nais kong panoorin dangan at walang makasama; kapag may hinaing sa pamilya o sama ng loob sa trabaho dangan at wala ang pares ng pamilyar na tengang laging nakalaang makinig at umunawa. Tuwing may sumusubok sa aking pasensiya o may nagpapakilig sa nakababagot kong buhay-pag-ibig, sa mga sandaling may nagpapalito at nagpapagulo. . . Sa mga pagkakataong naghahanap ako ng makakausap, ng makikinig, ng uunawa, ng kakampi . . . hinahanap ko siya sa aking puso.

No comments: