Thursday, August 24, 2006

Routine . . .

Stressful masyado ang buhay ko lately...
  • Umiikot sa meetings, reports at deadlines.
  • Hindi na ako makahinga sa dami ng kailangang kausapin.
  • Natatakot at minsan ay naiirita na ako sa tuwing tutunog ang telepono or bubukas ang pinto.
  • Bawat tao ay abala, maaaring makapagpabagal sa anumang tinatapos ko.
  • Nakalimutan ko na kung kailan ba ako huling nakipaghalakhakan sa mga office mates kong ayun at subsob din ang mga ulo sa kani-kanilang reports.

Minsan, naiisip ko kung mabagal lang ba akong magtrabaho o sadyang madami lang kailangang tapusin.

  • Nakukuha ko na kasing mag-uwi ng mga makakaya kong gawin sa bahay.
  • Isinisingit ang pagtatrabaho tuwing gabi habang nakikipagtawaran sa pagsulpot ng antok.
  • Late akong natutulog ngunit kailangang gumising nang mas maaga.
  • Pati ang pamangkin ko na nais maglambing at makipaglaro, nabubulyawan ko na minsan para hindi magulo ang ginagawa kong paper works sa bahay.

Ang araw ko ay nagsisimula sa paggising ng 3:45 am. . .

  • 5:05 ay nag-aabang na ako ng jeep from Guiguinto to Tabang
  • 5:15 ay sakay na ako ng Shuttle Service papuntang opisina.
  • 6:05, nasa PAGC na ako, sisimulan ang medyo magaang na mga trabaho. Dito na rin ako nag-be-breakfast.
  • Mga alas-7 ay ngarag na ako, patingin-tingin na sa wall clock.
  • 8:30 pa ang dating mga kasama ko sa office, hulas na ako nun.
  • Kung hindi sa harap ng computer ay nasa tabi ako ng telepono, fax machine o photocopier
  • 12;25 pm ay lalabas para kumain, babalik ng 12:40, balik sa computer, oopps, maaalalang kailangan munang mag-toothbrush
  • Work ulit hanggang 5:20
  • 5:21, ihahanda ang mga paperworks na hindi natapos para ilagay sa plastic folder na kulay blue (na araw-araw kong dala papasok at pauwi!)
  • 5:30, bababa ng building para hintayin ang Shuttle Service
  • Sasamantalahin ang 1 hour mahigit na biyahe para magparamdam at mag-text sa mga kaibigan (na napangakuang pupuntahan pero hindi naman nagagawa), sa nakatatandang kapatid (na ang laging tanong ay kung busy ba ako or kung may pupuntahan ba ako sa Sunday), sa mga pinsan (na palaging nagtetext kung kailan ba ako pupunta sa kanila) sa mga kumareng (nagsasabing miss na ako ng inaanak ko) at sa mga dating kasamahan sa trabaho. Hindi ko pa naisesend ang ibang messages, nasa Tabang na pala ako at kailangan nang bumaba.
  • 15 minutes na biyahe from Tabang to Guiguinto.
  • 3 minutes na lakad hanggang sa bahay.
  • Sasalubungin ni Kyle at Micah, ibibigay ang pasalubong sa kanila.
  • Magbibihis, magdi-dinner, maglilinis ng katawan, magtatanggal ng contact lens.
  • Suot ang eye glasses, kukuhanin ang blue folder, gagawin ang mga inuwing paper works habang nasa harapan ng TV
  • 10-11 pm (depende sa bulk ng inuwing trabaho)itatabi na ang blue forlder, ihahanda ang mga gamit para sa kinabukasan.
  • Ise-set ang alarm sa 4:00 am (3;45 am sa totoong buhay dahil advance ng 15 minutes ang relo ko).
  • Magdadasal, mahihiga, pipikit at matutulog.
  • Minsan kapag sobrang stressed, nagigising ako ng around 2am at hindi na muling nakakatulog, nakahiga na lang para hintaying mag-3:45.

2 comments:

Anonymous said...

ayokong maging ganiton alipin ng trabaho ayoko ayoko ayoko

Me-Ann said...

Ako din, promise ayoko maging ganito. Umiisip na nga ako strategy para maputol ang kabaliwan kong ito, hehehe. :)