Sunday, August 13, 2006

Akda ng Iba


Isang bagong kakilala
Ang nagbibigay saya
Ako’y naiintindihan niya
At naiintindihan ko rin siya

Maski hindi pa siya nakikita
Siguro ito ang mahalaga
Ang ibigay ang pagtitiwala
Sa kapwa makata…

Binibining Mary Ann Cariquez
Salamat sa iyo
Pagkat tinanggap mo
Ang pakikipagkaibigan ko…

Nawa’y tanggapin mo
Abang tulang ginawa ko
Tanda ng pakikipagkaibigang totoo
At pasasalamat na rin sa iyo

At dalangin ko
Na lumawig pa ito
At inaasahan ko
Makilala rin ang iba sa grupo…


Ma Luisa O Felicia
April 21, 2006@ 8:20am




Diwata ng Bulakan
(Kay Me-ann Cariquez)

Raul Funilas
26 Abril 2006

May isang diwatang buhat sa Bulakan,
Ehemplong dalagang laging kalulugdan;
Ang katribung kulay ng ligating balat
Nanggaling sa liping dapat na mabunyag.
Nang makilala ko sa tipang internet,

Celfon ang ugnaya't sari-saring graphics
Ang sumasalimbay sa ulap-busilak;
Ragasa ng tuwa'y may impit halakhak.
Isang pagkikita ang takdang maganap,
Quizbee na naghanap sa may Power Book House
Upang asembleya'y tuparing may puso.
Elising 'binigay ang kanyang pangakong
Zigzag na salitang pameryenda ay Coke

No comments: