Thursday, November 02, 2006

Ano na?

Nasaan na nga ba ako? Kailan nga ba ulit ako huminto nang matagal-tagal upang mag-isip, magmuni-muni at makalikha ng kahit ano lang na akda. Ah, matagal na rin yata, o maaaring kailan lang, basta ko na lamang ba hindi natatandaan o ayaw ko na lamang isipin?
Hindi ko na halos natitingnan nang matagalan ang repleksiyon ko sa harap ng salamin sa pagmamadali sa umaga. Pagdating sa opisina, nagtataka pa ako kung bakit sumasakit ang tiyan ko, anak ng . . . nakalimutan ko palang mag-almusal! Minsan ay nagtampo na rin si Tatay dahil biruin mo nga naman gumising pa siya nang maaga para lang ipagluto ako ng almusal ("Pero Itay, hanggang kailan ko po ba uuliting, hindi ako mahilig sa sinangag?")
Sa text ko na lamang kinakausap ang mga kaibigan ko. Kung hindi umagang-umaga (habang sakay ako ng service) ay sa hapon (sakay ulit ng service, pauwi naman). Minsan, naisisingit ko sa gitna ng meeting, kapag antok na ako, hehehe. May mga napapangakuan ako na dadalawin pero up to the last minute ay naiiba ang plano dahil kinakailangan kong pumasok ng Sabado. Alam kong sumasama ang loob nila, well, nakakasama naman talaga ng loob iyong one week before ay ia-announce mo ng pupunta ka pero babawiin mo lamang pala.
Minsan, habang naliligo o kaya sa harap ng salamin, o habang naghuhubad ng contact lens , bigla kong itatanong sa sarili "para saan ba ang lahat ng ito ha, Mary Ann?"
Bakit nga ba para akong nagmamadali? Bakit tila ayaw kong huminto kahit sang saglit? Reklamo ako ng reklamo pero patuloy pa rin sa ginagawa. Ayaw ko raw kuno ng routine pero ano itong nangyayari?
Normal pa naman siguro ako. (See, kahit dito, hindi na ako sigurado).

1 comment:

- litol figgy - said...

* diday kampupot * said...
hindi naman po masama ang magpahinga. :)


...o huminga paminsan-minsan.Ü