Tuesday, February 13, 2007

Araw ng mga Puso

Walang Araw Ang Mga Puso
Ni Francisco Montesena

(binasa ni Boy Abunda sa TV show niya na Homeboy noong Feb 14, 2006)


Walang araw ang mga puso.


Ayokong sukatin
sa talulot ng mga bulaklak
O tamis ng mga tsokolate
ang halaga ng pagmamahal.
Wala sa kulay rosas,
sa higpit ng mga yakap,
sa lamig ng paligid,
o dalas ng pagniniig.
Wala sa agwat
o lapit ng mga labi
kapag dumadampi;
Wala sa dalas ng pagyakap
O sa paulit-ulit na pagbanggit
ng “Mahal Kita”;
Wala sa mga nililikuang lugar
kapag darang sa sidhi
ng damdaming napupukaw;
Dahil ang puso ko
ay walang piniling araw
upang mangibabaw


ang tamis
ang kulay
ang lamig
ang init
ang halik
ang yakap


Kung may araw man ang puso,
Lahat ng ito ay pagmamay-ari mo.

No comments: