me-ann,
 aking pipitasin tangkay ng kataga
 kay bangong talulot ng panalinghaga
 na namumukadkad sa pananariwa
 upang maidulog sa natanging mutya
 at muli sa hardin ng KAMAKATAHAN
 pagbati ng galak ay nag-uunahan
 upang mailuhog sa ating tahanan
 ang saya at lugod para sa 'ting Me-ann
 kahit na nahuli'y pilit humahabol
 may tunog-gitara, trumpeta, at tambol
 may kwitis na kislap ngayo'y 'sinasaboy
 pagbati'y sariwa't di pa naluluoy!
 Happy b-day Me-ann
 Kuya Sam
04/20/07
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
 
 
 

No comments:
Post a Comment