Wednesday, June 28, 2006

Sa Kantina

Nadinig ko ang anasan,
May himig ng pagtatalo;
Nagsusumamo ang babae
Pumipiksi ang ginoo.
Kumawala sa kamay
Ang papel na hawak ni misis,
Nilipad sa aking paanan .. .
Isang reseta.
Sige pa rin sa sikuhan,

Itinuro ko na ang naibigan kong ulam,
At ang katambal na pamutat
Humiling nang nagyeyelong inumin;
Bahagya pa akong napalunok
At binasa ko ang aking labi.

Napahinto ako,
Nahagip ng tenga ang tanong
At tungayaw ng serbidora
Pasinghal, ang libreng sabaw aniya,
Ay para lamang sa bumibili ng ulam
Ipinagdamot kahit ang sarsa.

Napatingin ako, matagal
Sa dalawang tasa ng kanin,
Kapwa kayo nagbaba ng tingin
Napagtuunan ng pansin ang reseta;
Padisimulang dinampot
Halos kayo ay magkauntugan
Sinamantala ko ang pagkakataon,
Hindi naman siguro mamasamain.

Binayaran ang lahat ng nakuha,
At pumili ng lamesang bakante
Nagpakalayu-layo ako
Habol ninyo ako ng tanaw;
Kalakip ang piping pasasalamat.

Tila may bikig ang lalamunan,
Tapos na akong magdasal
Nanginginig ang kamay, aking sinimulan
Ang masaganang tanghalian.

May hatid na hapdi sa mata ang sinigang
Tila napaalat ang timpla,
Di kayang tighawin ng nagyeyelong
Inumin ang tuyong lalamunan;
Mapakla rin ang panghimagas.

Parang ang hirap lumunok kung alam mong mayroong mga taong hindi nakakakain nang maayos. Parang nakakahiyang magreklamo sa mga hindi pa natin nakakamit kung ang iba ay talagang pinagkaitan ng tadhana.












Tuesday, June 27, 2006

Nakalulungkot Naman . . .

May sinasabi sa akin ang officemate kong si Ariane kahapon bago kami umuwi, tungkol sa paborito kong Harry Potter Series. Nang mapanood ko kanina sa Unang Hirit ang balita tungkol dito, nakumpirma ko nga ang sinasabi niya.
Ayon daw kay J. K. Rowling, ang author ng Harry Potter Series, malamang mamatay si Harry sa Book 7! Pambihira naman. . . Oo andun na ako, huling aklat na ang Book 7 pero hindi ko pa rin maiwasang malungkot kapag naiisip kong papatayin sa kwento si Harry. Katulad din nang kalungkutang naramdaman ko noon nang mabasa kong namatay sina Sirius Black at ang mentor ni Harry na si Dumbledore.
Nakakalungkot talaga . . .

Wednesday, June 21, 2006

Dr. Phil's Test

Dr. Phil scored 55; he did this test on Oprah - she got a 38. Me, I got 48. According to the results, here are my traits:
Others see you as fresh, lively, charming, amusing, practical, and always interesting; someone who's constantly in the center of attention, but sufficiently well-balanced not to let it go to their head. They also see you as kind, considerate, and understanding; someone who'll always cheer them up and help them out.
Hmmm . . . not bad huh!


Monday, June 19, 2006

Soltera

Humihiyaw na ang miron,
Lahat sila’y nagtatanong
Kanino daw ibubuhol
Sa hiling ko’y sinong tugon?

Nasalo ko ang bulaklak,
Ngiti nila’y nangangarap
Nakita na agad-agad
Sa altar daw ihaharap.

Ang kumare ay dumalaw,
At may baon na pangaral
Huwag daw magpaka-Manang
Pagtanda’y walang aakay.

Kung pipili’y konting paspas,
Kakat’wangin sa pangarap
Tsinelas ma’y hindi sukat
Husayan na lang ang lakad.

Isang apo ang ialay,
Hirit ng mga magulang
Kumidlat man at umulan
Hindi ko maibibigay.

Marahil daw ay masungit,
At ni ayaw magpahalik
Natatakot bang umibig
Baka naman isang manhid?

Nagreto ang kaibigan,
Di ko makapa ang kulang
Ang itinukso ni pinsan
Sa iba nakipagtanan.

H’wag na kayong maligalig,
Titibok rin yaring dibdib
Puso ko’y di nakapinid
Pag-ibig di’y laging kipkip.

Wednesday, June 14, 2006

Hinaing

Gusto kong sumigaw ng ubod lakas
Ahhhh . . . kung pwede lang
Bakit ganun ang mundo?
Walang pakundangan, marahas, walang kasing lupit!
Sumasakit ang ulo sa kaiisip,
Naging lubha ba kong makasalanan?
Mayroon ba akong inapi o sinaktan kaya
Para danasin ang ganitong kabiguan?
Pauliut-ulit na lang!
Pang-ilang beses na ba?
Di ko na matandaan sa sobrang dami.
Kasalanan ko ba ang lahat?
Sobrang sakit ng loob ko.
Paano naman ako?
Tao lang din ako . . .
May damdaming nasasaktan
May pusong nagmamahal
Iniinda ang kabiguan
Nalulugmok ng sunud-sunod na pambabalewala
Palagi na lang akong naisasantabi
Di ba pwedeng ako naman ang bida?
Di ba maaaring damdamin ko naman ang iniingatang masaktan?
Naging lubha ba akong mapagbigay?
Masyado ba akong naging maunawain?
Todo-pasa na lamang ba ang lahat sa akin?
Paano naman ako?
Di ba kayo naaawa?

18 Oktubre 2005

Tuesday, June 13, 2006

Sa Unang Hirit

13 June 2006, 5:45 a.m. habang sakay ng shuttle service ng Office of the President na magdadala sa amin sa MalacaƱang, nag-flash sa monitor ng TV si Arnold Clavio at Arn-Arn. Nag-iingat na akong makatulog sa biyahe papuntang opisina, nang nakaraang linggo kasi, nahimbing ako at ginising lang ng kundoktor nang nasa tapat na ng opisina namin ang bus. Pupungas-pungas ako habang bumababa. Pigil nila ang tawanan. Sabagay, ako rin ay natatawa sa nangyari. Kaya naman pinaglalabanan ko talaga ang antok. Napatutok ang atensiyon ko sa TV, Unang Hirit pa rin pala ang palabas. Boses ng Masa ang kasalukuyang tinatalakay pagtingin ko ulit sa monitor, ang isyu, "napapanahon na raw bang ituro sa mga estudyante ang sex education?" Kinuha ko ang cellphone ko sa bag, may kumislap na idea sa isip ko. Ang dali lang ng instruction, itype ang BOSES (space) PANGALAN, LOCATION (space) OPINYON at ipadala sa 2344 dahil Globe subscriber ako.

Nakatuwaan kong sumagot sa tanong nila nang araw na iyon, wala lang. Ang sabi ko "napapanahon na para ituro sa mga estudyante ang sex education upang maging aware at responsable sila sa kanilang mga katawan. Kung patuloy na iaavoid ang isyu, may tendency na saliksikin ng mga kabataan ang kaalaman hinggil dito sa nalalaman nilang paraan." At ipinadala ko na sa 2344. Message sent daw, inulit ko ulit dahil parang space ang kasunod ng pangalan ko, instead na kuwit. Naghintay ako ng confirmation na natanggap nila ang mensahe ko, walang dumating. Ipinagkibit-balikat ko na lang, may mali kako siguro sa format. Bumaba na ako ng bus dahil nasa tapat na ulit ako ng opisina namin.

Nawala na sa isip ko ang bagay na iyon nang mga 8am yata eh nagtext si Kuya Dennis ko, pinsan ko sa mother side at nakabase sa Maynila. Siguro raw ay nasa bus ako kanina, narinig raw niyang binabasa sa Channel 7 ang opinyon ko. Nagtext back ako, tinanong ko "nanalo ba?" Hindi raw niya alam dahil umalis na siya. Narinig daw niya ang pangalan ko habang nagbibihis siya at naghahanda sa pagpasok.

9am, may tumatawag sa cellphone ko, staff daw siya ng Unang Hirit at nanalo daw ako sa Boses ng Masa. Susme, hindi ako makapaniwala. Nakatuwaan ko lang iyon, promise! Magdala daw ako ng 2 valid ID, original at photocopy at magsadya sa GMA 7 sa EDSA at pumunta sa Unang Hirit sa darating na Biyernes.

Officemate

Sa likod ng kanyang mga ngiti ay nagkukubli ang di matawarang kalungkutan. Sa kabila ng pagiging Kuya ay ang kahungkagan ng pagiging anak. Sa pagiging positibo ay nakatago ang madaming pagdududa at takot. Sa nag-uumapaw na pag-ibig ay ang paghahanap ng tunay na kahulugan ng pagmamahal. Mga kasalatang pinilit punan ng mga hiram na kaalaman.

Labing nakatawa, matang nangungulila, pagkabatang pilit kinalimutan. Isa sa mga paborito kong tao. Nakakapanghinayang na konting panahon lang kami naging magkasama.

Masarap kausap kahit palagi kaming nagtatalo. Masarap kasama kahit palagi ko siyang pinupuna. Masarap kapalitan ng kuru-kuro at opinyon habang kumakain ng tanghalian o habang naglalakad. Masarap asarin dahil hindi pikon.

Isa sa mga nakasalubong ko na hindi pwedeng di lingunin, isa sa mga nagtatanong na di ko pwedeng di sagutin, isa sa mga pumapasok na di ko pwedeng di patuluyin, isa sa mga nakikipagkaibigan na di ko pwedeng di tanggapin. Mahalaga siya sa akin.



12 July 2005

Friday, June 09, 2006

Ang Matalik na Kaaway

I Hate

1993

I hate the way you look at me,

I don’t like it, to tell you frankly.

I hate the way you smiles at me,

It’s not convincing, it’s so disgusting.

I hate the way you talk to me,

You always accuse me, makes me feel uneasy.

I hate the way you treat me,

You always hurt me, I’m in misery can’t you see?

I hate everything in you,

You’re the one I hate for my whole life through.

Ah, if I could only say “I Hate You!”

I could have said it many times

But thanks to this piece of mine,

Lead me to show how impossible you are.



* Isa sa mga pinaka-kontrobersiyal kong tula. Si JB ay seatmate ko ng highschool. Para kaming aso at pusa noon, konting kibot ay nagbabangayan. Magkatinginan lang ay nagkakapikunan na. Everytime na tatangkain niyang makipagbati, umiiwas ako. Kapag ako naman ang gagawa ng daan upang kaibiganin siya, hindi niya rin ako pinapansin. Sa inis ko ay nagawa ko ang tulang ito. Ipinalimbag ko pa sa aming school paper. Huli na nang maunawaan ko ang dahilan ng kanyang inaasal, ang rason ng kanyang pananahimik at pagiging imposible sa aking paningin. Hindi na maibabalik ng kahit isang-daang "sorry" ang sama ng loob na naidulot ko sa kanya.

Thursday, June 08, 2006

Lab Kowts

  • If a man wants you, nothing can keep him away,
    If he doesn’t want you, nothing can make him stay;
  • Never spoil your man, let him spoil you;
  • Don’t fall for the “I’m not the loving type. . .” If a man loves you, there is nothing in this world that he wouldn’t do!
  • Love is like a butterfly, the more you chase it, the more it eludes. But if you just let it fly, it will come to you, when you least expect it.
  • Love isn’t about becoming somebody else’s perfect person. It’s about finding someone who helps you become the best person you can be.
  • Never say I LOVE YOU if you don’t care, never talk about feelings if they aren’t really there. Never touch a life if you mean to break a heart. Never say you will if you don’t plan to start. Never look in the eye when all you do is lie.
  • Love hurts when you break up with someone. It hurts even when someone breaks up with you. But love hurts the most when the person you love has no idea how you feel.
  • A sad thing about life is when you meet someone and fall in love only to find out in the end that it was never mean to be and that you have wasted years on someone who wasn’t worth it. If he isn’t worth it now, he’s not going to be worth it in a year or ten years from now. Let go!
  • The only things that life denies you are the things that you let pass by. Fight for the things you love and love the things that are worth fighting for!
  • You don’t have to be perfect to let somebody love you the way you wanted to be loved. Always remember that being simple is the most perfect way to make someone fall in love with YOU!
  • No one loses anyone because no one owns anyone. That’s the freedom of loving, having the most important thing in this world without owning them, knowing exactly when to hold on and when to let go. . .
  • LOVE and FRIENDSHIP met one day. Love asked “why do you exist?” Friendship answered, “to put a smile where you leave tears.” Then love asked again, “well, if that’s what you do now, how come there are still many people crying?” Friendship said, “it’s my fault, instead of doing my job, I sometimes end up doing yours.”
  • Sometimes you have to just forget the rules, follow your heart and see where it takes you . ..
  • The human philosophy:
    “Why do we always reject those who love us and love someone who doesn’t love us in the first place?”
    Answer: Unconsciously, we enjoy being HURT.
  • Your heart hides what you can’t say, but your eyes say what your heart tries to hide. It would hurt less to hear a sounding BYE than hear a STAY and see in the eyes that it was a LIE.
  • They say the sweetest word is I LOVE YOU and the hardest is GOODBYE . But what if you discovered that he doesn’t really love you? Would you choose the bitterness of goodbye or choose to hear the sweetest lie?
  • Do you know why it’s so hard to be in love after a broken heart? It’s because you no longer know how to make the next one special because you made the last one so special thinking he’s your last . . . :’(
  • Don’t be afraid to be loved more than you can return. Be afraid that you don’t give back the love that you can. Love needs not to be equal, to be fair, it only needs to be true.
  • Which is harder to do? Hope that the one you love can love you or try to love someone who loves you? Both hard, right? But the hardest is when you fall for the one who loves you just when the one you love is finally falling for you.
  • I’ve always wanted to be free, to fly away and never return, to soar up high till the height may never be seen. But then, somewhere beyond that want, I long to be owned, to be held and to have never been let go.
  • RULES OF LOVE:

    1. Never kiss when you’re not committed
    2. Never expect, just hope
    3. Never love a taken man
    4. Never fall for a friend
  • Don’t rush into falling in love for love never runs out. Even if they mock you coz you’re single, just tell them, “God is so busy writing the best love story for me.”
  • A friend once told me that if I don’t want to get hurt, I should listen to my mind, instead of my heart. And she was right, I never get HURT. But I was never HAPPY either.
  • Heart breaking isn’t always as loud as a bomb exploding . . . sometimes it can be as quiet as a feather falling. And the most painful thing is, no one really hears it, except YOU.
  • People change no matter how hard they try not. As you grow older, you mature and with each new level of maturity comes different ideas, different needs and wants. The person who was perfect for you at 20 could be the person you hate when you are 35. Find someone who will grow with you, change with you, laugh with you and cry with you. A person who feels in where you lack, a person whom you can feel in for when they are lacking. But what about the perfect person? He/she does not exist. There are no perfect people, only people who are perfect for each other.
  • When I was a little girl, I fell from a tree, but I managed to hold on to a branch. I was up there for a long time and waited. The silence, the pain in my arms, the blood pumping in my ears, then I fell. I couldn’t remember what happened when I hit the ground. All I could remember was the agony of holding and the wonderful feeling of letting go.
  • I could be a paper,
    You can write your feelings
    Scribble your anger
    Use me to absorb your tears
    But don’t throw me after use
    Coz when you feel cold
    I’ll burn myself just to warm you
  • If everyone turns you down
    You get hurt
    And you can’t help but cry
    Hold back, take it easy
    Listen to me, coz I’ll whisper
    “I’m willing to catch all the pain just to see you smile again.”


Childhood Memories

nung ikaw ay bata... nagawa mo ba to?--

  • kumakain ka ba ng aratilis?
  • nagpipitpit ng gumamela para gawing soapy bubbles na hihipan mo sa binilog na tangkay ng walis tingting?
  • pinipilit ka ba matulog ng nanay mo pag hapon at di ka papayagang maglaro pag di ka natulog?
  • marunong ka magpatintero, saksak puso, langit-lupa, teleber-teleber, luksong tinik?
  • malupit ka pag meron kang atari, family computeror nes?
  • alam mo ang silbi ng up, up, down, down, left,right, left, right, a, b, a, b, start?
  • may mga damit ka na U.S.E.D., Boy London, CrossColors, Esprit, Blowing Bubbles at pag nakakakita ka ng Bench na damit eh naalala mo si Richard Gomez?
  • addict ka sa rainbow brite, care bears, my little pony, thundercats, bioman, voltes v, mazinger z, daimos, he-man at marami pang cartoons na hindi pa translated sa tagalog?
  • nanonood ka ng shaider kasi nabobosohan mo si annie at type na type mo ang puting panty nya?
  • marunong ka mag wordstar at nakahawak ka natalaga ng 5.25 na floppy disk?
  • inaabangan mo lagi ang batibot at akala mo magkakatuluyan si kuya bodgie at ate sienna...nung high school ka inaabangan mo lagi beverlyhills 90210?
  • gumagamit ka ng AQUANET para pataasin ang bangs mo?
  • meron kang blouse na may padding kung babae ka at meron kang sapatos na mighty kid kung lalake ka?
  • nangongolekta ka ng paper stationaries at mahilig ka magpapirma sa slumbook mo para lang malaman mo kung sino ang crush ng type mo?
  • kilala mo si manang bola at ang sitsiritsit girls? e si luning-ning at luging-ging?
  • alam mo ibig sabihin ng time space warp at di mo makakalimutan ang time space warp chant?
  • idol mo si McGyver at nanonood ka ng perfect strangers?
  • eto malupet... six digits! lang ba ang phone number nyo dati?
  • nakakatawag ka pa sa pay phone ng 3 bentesingko lang ang dala?
  • cute pa si aiza seguerra sa eat bulaga at alam mo ang song na "eh kasi bata"?
  • inabutan mo ba na ang Magnolia Chocolait eh nasa glass bottle pa na ginagawang lalagyan ng tubig ng nanay mo sa ref?
  • meron kang pencil case na maraming compartments na pinagyayabang mo sa mga kaklase mo?
  • noon mo pa hinahanap kung saan ang Goya Fun Factory?
  • alam mo lyrics ng "tinapang bangus" at"alagang-alaga namin si puti"?
  • alam mo ang kantang "gloria labandera".. lumusong sha sa tubig ang paa ay nabasa at ang "1, 2, 3, asawa ni marie"... hehehehehe?
  • sosyal ka pag may play-doh ka at Lego... at nag-iipon ka ng G.I. Joe action figures at iba paang mukha ni barbie noon?
  • inabutan mo pa yung singkong korteng bulaklak at yung diyes na square?
  • lumaki kang bobo dahil ang akala mo nangangagat talaga ang alimango sa kantang tong-tong-tong...diba naninipit yun?
  • alam mo yung kwento ng pari na binigyan ng pera yung batang umakyat ng puno para bumili ng panty... and shempre, alam mo rin ba kung ano binigay nya sa nanay nung umakyat ng puno?
  • meron kang kabisadong kanta ni andrew e na alam mo hanggang ngayon.. aminin?
  • laging lampin ang sinasapin sa likod mo pagpinapawisan ka?
  • bumibili ka ng tarzan, texas at bazooka bubblegum... tira-tira, at yung kending bilog na sinawsaw sa asukal?
  • kinukupit mo pa at nanonood ka ng mga porno tapes ng tatay mo na nasa BETAMAX format pa... at sanay ka tawagin ang porni as BOLD?
  • takot ka dumating ang year 2000 dahil sabi nila magugunaw daw ang mundo?

KUNG ALAM MO LAHAT DITO LAGPAS KA NA NG 25 YEARSOLD... KAPAG HALOS LAHAT ALAM MO, NASA 23-25 KA...WAG KA NA MAG DENY.. TUMAWA KA NA LANG... DIBA .75 CENTAVOS PA LANG PAMASAHE SA JEEP NUN AT MAS MASARAP ANG MELLOW YELLOW KESA MOUNTAIN DEW? HAHAHAHAH

Tuesday, June 06, 2006

Ang Inyong Kapalaran

Huh, ano itong nararamdaman ko? Napakaraming pangitain, totoo kaya ang mga ito? Oh, hindee! Para yatang hindi ko ito makakayang dalhin mag-isa. Ah, ang mabuti pa siguro'y ibahagi ko ang mga ito sa inyo. Huwag sana kayong mabibigla. . . .

ROSE - Nararamdaman ko na magkakaroon ulit ng thesis ang grupo at pamamagatan ninyo itong "Iba't-ibang pakiramdam ng mga babaeng may boyfriend: Isang pag-aaral." Mapapabilang kayo ni Imelda sa mga respondents at gagamitin mo itong dahilan para makapag-date kayo ng boyfriend mo. Pero huwag mag-alala, papunta ka pa lang, pabalik na ang Nanay mo.

EVANGELINE - Magiging makulay ang buhay pag-ibig. Matutupad na ang pinakamimithi mo, magbubunga na rin sa wakas ang pagno-nobena mo. Nakikita ko na mai-stranded ka, kasama ni Crush ng isang linggo sa isang island, ngunit may posibilidad na mairita ka dahil punung-puno ito ng tao (walang privacy, hehehe). Maaaring sa inis mo ay magturo ka na lang ng self-defense sa mga babaeng biktima ng hold-up at rape.

IMELDA - Idinidikta ng iyong sulat-kamay na ikaw ay magiging guest speaker ng mga bingi, ang tema: "Ikaw, Ako, Siya, Magsama-sama na, mga Bibig Ating Isara." Kinumpirma ng madidiin mong sulat kamay na ito ay masusundan pa.

ADAISA - Malinaw na malinaw dito sa bolang kristal na ikaw ay magbibigay ng lecture forum para sa mga kabataang naliligaw ng landas, especially dun sa mga nag-iisip mag-asawa na.

JESSAMIN - Nararamdaman ko na magkakaroon ka ng mala-Ricky Reyes Beauty School Plus sa T.V. kung saan ituturo mo ang tamang pag-a-apply ng lip stick nang hindi nalalagyan ang ngipin at tamang paghahati ng buhok kung ikaw ay kulot. Magiging matagumpay din ang iyong ibinebentang kung anu-ano.

CATHERINE - Ang zodiac sign mong Scorpio ay sumasagisag ng tagumpay sa larangan ng pamamahayag. Magiging weather reporter ka at ibabalita mo sa mahinahong paraan ang paparating na super typhoon na papangalanan mong BENING. Magbibigay din ng tips kung paanong hindi mababasa ng ulan.

ROSALIE - One week pictorial kung saan kailangan mong mag-smile nang mag-smile at masasaksihan ito ng buong bansa kaya mawawalan ka na ng lakas ng loob na mang-irap, hala ka, lilitaw sa negative.

MARICEL T. - Ipinahihiwaitg ng sampu mong mga daliri na magiging referee ka ng basketball, ang laban Mobiline vs. Pop Cola, pero nanonood si Bal David. Aalukin ka ring mag-part time singer sa isang karaoke bar ngunit tatanggihan mo ito sa dahilang hindi nila pahihintulutang tapusin mo ang isang kanta.

ESMERALDA - Malinaw na malinaw sa guhit ng iyong mga palad na di maglalaon, ikaw ay magiging Ulirang Nakatatanda Awardee. Pararangalan ka dahil sa ipinamalas mong kahinahunan sa gitna ng iringan ng barkada, pagiging masayahin sa kabila ng kalungkutan ng lahat at sa agwat ng edad sa nakararami.

ANA - Ang petsang 26 ng iyong kaarawan, na kung susumahin ay 8 ay sumisimbolo ng kasaganaan. Makukuha kang commercial model ng Honda, lamang ito ay buhat-buhat mo; pati na rin ng Palmolive Naturals na ipapahid mo naman sa buo mong katawan at tatanggapin mo rin ang paggawa ng commercial para sa Eskinol for Men.

CARMENCITA - Ang maliit na nunal sa iyong likod na ikinalulungkot kong sabihing kahit anong sikap mo ay hindi mo makikita, ay nagpapatunay na iha-hire ka ng Cora Doloroso upang magturo nang tamang paglalakad (habang tumatakbo, habang nagmamadali at habang nakahinto).

DOLORES - Nakikita ko na malapit na! Malapit ka ng mag-release ng album na papamagatan mong "Untitled." Ipinapauna ko ng hindi ito gaanong mag-hi-hit kahit na samahan mo pa ng picture mo 'nung gumanap kang bata sa play theraphy. Ikaw at ang iyong kakambal na si April ay magkakaroon ng munting tampuhan at itatakwil ninyo ang isa't-isa.

CHARITO - Nababasa ko sa iyong mga mata na makikilala mo na ang iyong soulmate at swerte namang liligawan ka niya. Ikaw naman, magpapakipot hanggang abutin ng 10 years ang panliligaw niya. Medyo makukumbinsi kang mahal ka nga niya ngunit bago mo siya sagutin, biglang titilaok ang manok na nasa tabi mo at ikaw ay magigising.

HAZEL - Nakikita ko sa bolang kristal na kukuhanin kang kapalit ni Ma'am Clemente para magturo ng Social Arts 11, 12, 13 & 14, o ang poise!

LEILANIE - Ang zodiac sign mong Libra ay nagpapahiwatig na sa taong kasalukuyan, makikilala mo ang lalakeng magpapatibok ng iyong puso. Sa simula'y itinutukso mo pa siya sa isa mong kaklase ngunit kayo pala ang para sa isa't-isa. Ang lalakeng ito ay tinatawag ninyong "AYAW."

MILDRED - Makakapag-produce ka ng sandamakmak na T.F. movies na magiging daan ng iyong pag-unlad at hindi ka na mangungutang kung kani-kanino. Mabibili mo ang lahat pati na ang MTRCB.

JULIETA - Ang mapupula at masasakit na kurot sa kaliwa kong braso na ikaw mismo ang may gawa ay naghahatid nang magandang balita. Kukuhanin ka ng Universal Records para maging singer nila sa kondisyong ikaw mismo ang gagawa ng kakantahin mo. Pipilitin mong magtagumpay at mapapantayan mo ang katanyagan ni Jaya.

ERLIZA - Nararamdaman kong marami ang makakapansin ng iyong pagdadalaga at maiimbitahan kang gumawa ng sarili mong dance interpretation ng makabagbag-damdaming "Arimundingmunding."

ALAN - Malakas ang kutob ko na kikilalanin ka pagdating ng araw. Sa takdang panahon, kung kailan ang tao'y patuloy sa pagtuklas ng mga bagay-bagay, maglalabas ka ng bagong projective test at papangalanan mo itong CariƱo Sipon Blot. Huwag sanang ikalaki ng ulo mo ang pagsikat ng nasabing test dahil sa mas maliwanag ang interpretasyon.

KHATERYN - Ang malinaw na heart line sa kaliwa at kanan mong sakong ay nagbibigay ng mensaheng hindi maglilipat-buwan, ikaw ay magkakaroon ng Love Clinic at tatagurian kang Dr. Love.

CRISTINA - Ang buwan ng Pebrero na siya mong kapanganakan ay nagpapahayag na kukuhanin kang guest speaker sa harap ng 1,001 katao ngunit tatanggihan mo ito sa kadahilanang nakatango ka na sa isang puppet show at inilalaan mo ang boses mo bilang Casper sa nasabing show.

SHIRLEY S. - Nararamdaman ko na makakapagpatayo ka ng isang restaurant kasosyo ang 12 boys, malulugi ito sa kadahilanang kayo-kayo rin ang kumakain. Magsisipagbago kayo at mapagkakasunduang sa labas na lamang kakain. Mapapadalas din ang pagsama ninyo ni Charles mo.

NERISSA - Ang nunal sa gawi ng iyong mata ay nagsasabing maga-grandslam mo ang mga sumusunod: Bb. Tapayan '98, '99, 2000, 2001, Suka Smile '97 at Mutya ng Sasahan '98 ngunit ang iyong mga korona ay ibibigay sa pagsapit mo ng edad 40.

GLENDA - Ang bagong gupit mong buhok ay maghahatid ng swerte. Makukuha kang artista at ang first role mo, kontrabida nina Gladys Reyes, Cherrie Gil at Luz Fernandez. Dahil sa iyong mga ngiti, makukuha kang commercial model ng Datu Puti Vinegar.

MARICEL L. - Nakasaad sa bolang kristal na mahihilingan kang kumanta ka-duet si Joan ng "Just Once" sa isang lamayan.

JOSEPH - Nababasa ko sa iyong mga sulat-kamay na isang umaga, magigising kang ikaw na lamang ang natitirang lalake sa balat ng lupa. Matutuwa ka ngunit agad na malulungkot sa sandaling matuklasan mo na wala na ring mga babae at puro bading na ang makakasama mo. Huwag kang mag-alala, subukan mo mang wakasan ang buhay mo ay hindi ka magtatagumpay, nakatakda kasing mabuhay ka nang mahabang panahon.

CECILIA - Ang initials mong CC ay nagbibigay ng babalang magpapalabas ng bagong batas-pantrapiko. Ang mga jeep na biyaheng Hagonoy-Malolos, Malolos-Hagonoy, Centro-Crossing o Bayan at Bayan-Centro ay gagawin ng karatig. Medyo hindi mo ito ikatutuwa. Aalukin ka ring gumanap na komedyante sa isang dramang pang-radyo.

SHIRLEY C. - Nababasa ko sa mga baraha na manganganak ka sa kabuwanan mo. Nakikita kong kung hindi lalake ay siguradong babae at "uha" ang una niyang masasabi. Dapat kang matuwa dahil tao siya.

JOAN - Malakas ang kutob ko na tataas ka pa at may posibilidad na maging straight na ang buhok mo dahilan upang maisakatuparan mo na ang matagal mo ng nais na makapagpakulot.

SHEILA - Nakasaad sa guhit ng iyong mukha na hahamunin mo ng wrestling ang matagal mo ng kaaway na si Dolores, tatanggihan ka niya at ang dahilan, naliliitan siya sa iyo, magpalaki ka muna daw!

JOCELYN - Nababasa ko sa iyong larawan na dalawang buwan mula ngayon, mapipilitan kang ibenta ang ilan sa mga sobrang mamahal mong mga medyas upang makabili lamang ng second hand na sapatos. Huwag ka sanang gaanong paapekto sa kasikatang iyong nararanasan.

MATHUSALEM - Ipinahihiwatig ng iyong pirma na nakatakda kang kunin ng Avon bilang modelo nila. Magdadalawang-isip ka kunwari pero tatanggapin mo rin dahil sa tindi ng iyong pangangailangan.

JAIME - Nararamdaman ko na malapit ng dumating ang panahon na pagsisisihan mo. Pagsisisihan mo kung bakit naiba-iba mo pa ang hati ng buhok mo sapagkat sa sandaling naisin mo ng ibalik sa gitna ang hati, ikinalulungkot kong sabihin, mabibigo ka. Ipagpapatuloy mo pa ang iba't-ibang pagbabago.

ARLENE - Malakas ang kutob ko na isang umaga pagpasok mo, kakapkapan ka ng guard at magiging dahilan ito upang ma-Dean's office ka. Ang kaso, pagdadala ng picture ng boyfriend mo, na kuha noong siya ay bata pa. Papipirmahin ka sa isang kontrata kung saan nakasaad ang pangako mo na lilimitahan mo na ang sarili mo sa pagdadala ng mga ganung bagay.

Simplify and Live the Good Life

Insights/reflections gained after reading "Simplify and Live the Good Life" book of Bo Sanchez:

Most Important Things in My Life Right Now:

  • My Family
  • My faith in God
  • My friends and lovedones
  • My career

Fifty Blessings I Enjoy Today:

  1. a loving tatay
  2. a caring nanay
  3. an understanding ate glenda
  4. sweet kisses from my niece Micah
  5. ate myra
  6. kuya alex
  7. Kyle
  8. Bob Ong books
  9. Bes
  10. supportive boss
  11. PAGC family
  12. a career
  13. positive disposition
  14. tetet
  15. good health
  16. sense of humor
  17. poems
  18. Pinoy Poets family
  19. Kamakatahan family
  20. cousin Joi
  21. Nanang lilia
  22. messages in my inbox
  23. convincing power
  24. ate Joy
  25. tata raul
  26. ate luisa
  27. don
  28. my eyeglasses
  29. respect from other people
  30. tatang angel
  31. tita cory
  32. noems
  33. badminton racket
  34. friendster
  35. email account
  36. will power
  37. self-control
  38. kumareng lanie
  39. meriam
  40. bestfriend bryan
  41. shuttle service
  42. neighbors
  43. journal
  44. ogie
  45. tin-tin
  46. arianne
  47. joy
  48. ate annie's food
  49. contact lens
  50. my relationship with God


Tong Kantang 'To

Grow Old With You
Performed by Adam Sandler
on the Wedding Singer Soundtrack


I wanna make you smile whenever you're sad
Carry you around when your arthritis is bad
All I wanna do is grow old with you

I'll get your medicine when your tummy aches
Build you a fire if the furnace breaks
Oh it could be so nice, growing old with you

I'll miss you
Kiss you
Give you my coat when you are cold

Need you
Feed you
Even let ya hold the remote control

So let me do the dishes in our kitchen sink
Put you to bed if you've had too much to drink
I could be the man who grows old with you
I wanna grow old with you

Ang Nokbuk ng Hayskul


Sentimental akong tao. Hanggang ngayon ay iniingatan ko ang mga lumang liham na natanggap ko mula pagkabata. Mayroon akong lumang kahon ng sapatos at doon nakatago ang mga iyon, kasama ng mga munting alaala ng nakalipas.

Dalawang linggo bago magtapos sa hayskul, bumili ako ng malaking notebook, binalutan ko iyon at pinasulatan sa mga kaklase, remembrance nila sa akin.

Gusto mong silipin?

Dearest Nini,
Sana kahit wala na tayo dito sa G.N.V.H.S. walang mababago sa atin. Sana tayo pa rin ang mag-best friend. Alam mo hindi na kita makakalimutan kahit kailan kasi ang bait mo sa akin. At wala na siguro akong makikilala na katulad mo, kahit ang dami ko ng faults sa iyo, andiyan ka pa rin para patawarin ako at muling unawain, ang bait mo talaga.

Full of Love,
Melody '94


To Me-Ann,
Alam ko nasa mabuti kang daigdig dahil kasama mo ako. Kahit asar na asar ako sa iyo madalas, okey lang iyon kasi friend na friend pa rin kita. At kahit kailan kaya pa kitang pagtiisan.

Always,
Mhira


Dear Ate Me-Ann,
. . . hanggang sa nabuo ang samahan nating barkada. Lalo kong nalaman ang buong pagkatao mo as my friend. Sana ay huwag magbago ang friendship natin kahit na gumraduate na tayo. At saka sana hindi ka mang-isnab kapag nagkita tayo accidentally.

Love/Hug and Kisses,
Jasmin


Dearest Me-Ann,
Thank you nga pala sa mahabang panahon ng pagiging magkaibigan natin. Sa panahong malungkot at masaya na rin. Salamat sa lahat-lahat. Sana ang wish ko maging matagumpay ka sa mga pangarap mo at makatagpo ka rin ng tunay na magmamahal sa iyo. . .

Love,
Phen '98


My Dear Me-Ann,
Hello! Siguro it's time to say goodbye, but I promise na hindi ko kayo makakalimutan. Sayang nga hanggang dito na lang ang barkada. Pero don't worry, I will always send you a letter as a sign na hindi kita nalilimutan.

Always,
Jhane #89


Everdearest Ate Me-Ann,

Hi! Alam mo ngayon na siguro ang pagkakataong masabi ko sa'yo ang totoo. Alam mo Ate Me-Ann naging close na rin ako sa'yo kahit mataray ka (sometimes) ikaw pa rin ang Me-Ann na nakilala ko na talagang umuunawa at nagbibigay ng payo sa mga nangangailangan. Sana maging magkaibigan pa rin tayo ngayon, bukas at hanggang kamatayan. Gusto kong magkaraoon ng kaibigang tulad mo, tumutulong at talagang tapat at hindi plastik pagdating sa pagsasamahan . . .

Love,
Ms. Jupiter of IV-Narra


Me-Ann My Dear,
Thank you sa lahat ng naitulong mo sa akin. At ito lang ang pakatatandaan mo, naging bahagi ka ng buhay ko. Siguro lagi kong maaalala 'yung mga biruan natin, tawanan, tuksuhan at higit sa lahat yung pang-aasar mo sa akin.

Forget me not,
Josephine


To my one of a million friend Me-Ann,
God knows how I wish we'd been friends, not just friends but very close friends. But it so happen that wrong na ang time wrong pa ang place. Alam mo rin naman siguro na mahirap mangyari iyon but still I am hoping na someday, somehow, we could be friends . . .

It's meeeh,
Mona


Dearest Ate Me-Ann,
I go to the east
I go to the west
But Mary Ann is the best!

Your friend,
Cecille


Dear Ate Me-Ann,
Please always remember this: "Lumipas man ang maraming panahon ngunit ang pagkakaibigan natin ay hindi maglalaho . . . always and forever."

Much love,
Marissa


Dearest Ate Me-Ann,
. . . Ikaw din ang nagbigay ng maraming aral sa akin. Natatandaan mo ba 'yung mga tula mo na bigay mo sa akin? Nakatago pa rin iyon dahil iyon ay bigay ng isang di makakalimutang kaibigan.

Love & care,
Malou


Ate Me-Ann Dear,
. . .pero ate, thank you sa pagsasabi mo, thank you sa pagtanggap mo. At higit sa lahat, thank you sa lahat ng tulong mo sa akin. Sayang, sana ay may chance pa ako para naman makabawi ako.

Lots of love,
Lanie


Dearest Ate Me-Ann,
Tandaan:
Ang kaibigan ay laging nasa tabi, kung dumating ang sandaling iniwanan ka niya dahil hindi kayo nagkaunawaan at na-inlove ka sa ayaw nila, iyon ay hindi kaibigan. Dahil kung nagkamali ka man, dapat hindi ka iiwan, dahil mas kailangan mo sila ngayon. Tulad ng nangyari sa akin, nawawalan ako ng gabay.

Love & care,
Oliva


Dearest Me-Ann (C-C),
Me-Ann, kung mayroon man akong nagawang hindi maganda sa'yo, patawarin mo ako. At kung may masama akong ugali, sana sabihin mo at ng mabago ko.

Love,
Mairem


My Dear Me-Ann,
. . . Pero ngayong 4th year ay naging close na rin ako sa iyo lalo na nuong sinulatan mo ako. Mas nagkaroon ako ng lakas ng loob na makipagkaibigan at makipagkwentuhan sa inyo especially sa iyo. Nakilala ko ang tunay na Me-Ann na mabait, masipag, matulungin at hinahangaan ng marami dahil sa kanyang galing kahit na paminsan-minsan ay nambabara.

Love & care,
Rowena


Dearest Ate Me-Ann,

Sana ay maging matatag ka kapag may dumating na pagsubok sa iyo. Sorry sa lahat ng bagay na gawa ko sa iyo at sana ay maintindihan mo ako. Thank you very much.

Always in Christ,

Edwina

My Dear Friend Me-Ann,

Noon pa lang ay hanga na ako sa iyo (honestly speaking), sa paggawa ng tula, sa pagiging friendly dahil sinulatan mo pa kami isa-isa para lang mapalapit sa aming lahat, at sa pagtulong mo sa akin at sa iba mo pang friends. Sana wala kang tampo sa akin o kaya ay galit bago tayo maghiwa-hiwalay. Salamat sa ipinakita mo sa aking kabaitan na alam kong ikaw talaga iyon.

Godspeed,

Rhean

Everdearest Me-Ann,

Salamat at pinasulat mo ako rito. Alam kong di tayo gaanong close sa isa't-isa dahil ngayon lang tayo nagkasama, isa pa, nahihiya ako sa'yo para kasing ang taas-taas mo. Para bang hindi tayo bagay maging magkaibigan. Noong una, pinilit ko talagang mapalapit sa'yo pero di ko kaya. Tuwang-tuwa nga ako noong sinulatan mo ako (kahit pa lahat naman kami sinulatan mo). Hindi naman sa pang-uuto, hangang-hanga talaga ako sa ugali mo, para bang lahat ng sinasabi mo totoo sa loob mo. Kung ano yung nararamdaman mo, nasasabi mo kahit pa nga madalas kang mambara.

Lovelots,

Grace

Mhe-Ann,

Alam mo sa lahat ng kaklase kong babae, ikaw lang ang crush ko dahil ang bait-bait mo at ang galing-galing mo sa lahat ng bagay, lalung-lalo na sa pang-aasar. Iyung pang-aasar mo ang hinding-hindi ko makakalimutan dahil kadalasan, ako lagi ang tinitira mo, ang lakas mo talaga. Bakit nga ba sasandaling panahon lang kita nakilala nang husto, ngunit bakit sa sandaling iyon ay naging magkalaban pa tayo.

D' same,

Bibs

Me-Ann (c-c),

Alam ko Me-Ann naaartehan ka sa pagsasalita ko, pagpasensiyahan mo na lang kung ang salita ko ay maarte. Pero siguro alam mo naman na mabait akong kaibigan. Me-Ann, kahit minsan lang tayo mag-usap ay para na rin kitang kaibigan.

It's meeeh,

Ste

Dearest Me-Ann,

It's hard to say goodbye pero wala na tayong magagawa dahil sa graduating tayo at kailangan na tayong umalis sa school na ito. Pero hindi ako nanghihinayang sa paghihiwalay natin dahil naging maganda naman ang pakikitungo mo sa akin nitong mga nakaraang pasukan. Salamat sa magandang pakikisama mo sa akin kahit na hindi tayo close sa isa't-isa.

Lots of love,

Nhet

Dearest Mhe-Ann,

Alam mo madalas akong umiyak kahit nasa amin ako kasi ikaw ang dahilan kung bakit ko nagagawa iyon dahil sa yung mga advice mo sa akin hindi ko natutupad at ramdam na ramdam ko ikaw ang pinaka-asar kong kaklase sa akin. Pero sana pakisabi mo sa kanila na sana unawain nila ako kasi ito ang natural ko . . .

It's me,

Emily

Everdearest Ate Me-Ann,

You know kahit madalas mo akong asarin ay you're the most kind person I've ever met. Don't change my dear friend coz I like you the way you are.

Still,

Liza

Dear Me-Ann ,

Me-ann, may hihilingin lang ako sa iyo. Sana kung si Miss Toyo ang una sa puso mo, sana ako yung pangalawa. Kahit may kahati ako sa pangalawa, at least, malapit pala ako sa puso mo.

Love and care,

Cristy

D-rezz Mhe-Ann,

Ate, salamat sa lahat ng nagawa mong tulong sa akin, sa pag-a-advice mo, sa pagtanggap mo sa akin kung sino o ano ako, sa pagtulong mo sa paggawa ko ng project, salamat sa pagsi-share mo ng kasiyahan at kabutihan.

Godspeed,

Milany

Dearest Me-Ann,

Sana naging kabarkada kita, sana naging isang company tayo para lalo tayong nagkakilala. Kaya lang siguro mas ginawa Niya na talagang kaibigan lang at hindi barkada. Sana sulatan mo ako pag bakasyon. . .

Always,

Beth

To Ms. Mary Ann Cariquez,

Looking someone to love you is not important coz I know someone is looking and after YOU.

Dheo

Dearest Mary Ann Ever,

Last year, ewan ko ba sa mga nagkaka-crush sa akin, iba ang nagustuhan ko. Minsan nga nabasa ko sa slum note ng isa nating kaklase na crush mo ako, nagulat ako, dahil sa dinami-dami ng magugustuhan at magiging inspirasyon, ako pa ang pinili mo. Sorry, nadis-appoint ka sa akin.

Roniel

To the most beautiful lady of IV-Narra,

Alam mo, first year pa lang tayo, ang impression ko sa'yo ay babaeng mataray at masama ang ugali. Lalo pa akong naasar nang magtanong ako sa'yo noon, tapos binara mo ako. Pero habang tumatagal, lalo akong naaasar. Pero nung dumating ang oras na nakilala ko ang tunay na Me-Ann, nagpapasalamat ako. Mali pala ako sa paghusga. Pero masaya na rin dahil naging closed tayo sa isa't-isa.

Your friend,

ocsirP

Mhe-Ann,

Sana huwag magbago ang maganda mong pag-uugali at yung iba naman na pangit ay subukan mong palitan. Sana kapag nasa college ka na ay makakita ka na ng tamang mamahalin mo at mamahalin ka rin.

Love and prayers,

Jojo

Me-Ann,

...pero kahit na magkakahiwalay na tayo eh hindi ko pa rin nalilimutan ang magandang pakikitungo at pakikisama mo sa akin bilang isa sa iyong mga kaibigan. Kahit na lagi tayong magka-kontra mula noong 1st year hanggang 3rd year (kahit na hindi tayo magka-section) ay saka ko nalaman na pagdating pala ng 4th year ay magkakasundo rin tayo at naging "friends" pa.

Just remember me,

Rodenald

My dear classmate Me-Ann,

Alam mo sa lahat ng kaklase natin, lubos kitang hinahangaan kasi iba ka. Minsan nga naikwento ni Rodelio sa akin na grade 6 pa lang daw kayo ay nambabara ka na. Pero napansin niya at napansin ko rin na malaki ang ipinagbago mo. Ang galing mong makisama sa mga kaklase natin.

It's me,

Michael

Dearest Ate Me-Ann,

Ang masasabi ko lang sa iyo ay. . . ikaw na siguro ang pinaka maintindihin at higit sa lahat ay maalalahanin sa mga naging kaibigan ko sa buhay ko. Sana huwag ka ng magbabago ng ugali kahit na magkakahiwalay tayo nang konti.

Kim Russel

Me-Ann, Ann-Me,

Ay downt wahnt tou sey gudbay sana kaya lang wala na tayong magagawa. Me-Ann alam mo, kahit malabo ang mata mo, ang laki ng naitulong mo sa akin at sa mga kaklase natin. Sa college, tuloy mo pa rin yung magandang gawain mo.

It's me,

Eigger

Me-Ann,

. . . kaya ikaw Me-Ann, ingat sa pag-ibig. Proven ko ng ang pag-ibig ay hadlang sa pag-aaral, eh ikaw pa naman yung tao na mahilig mag-aral . . .

Your naughty friend,

Ronald

Me-Ann,

Alam mo Me-Ann ang masasabi ko lang eh parang hindi ko makikita ang graduation ninyo dahil baka hindi ako maka-graduate. Alam mo na masyado akong sikat sa panahon ngayon.

Eduardo

My dear classmate Me-Ann,

Sana hindi ka maasar habang binabasa mo ito. How's your lovelife? Siguro pagka-graduate natin eh mag-aasawa ka na. Hindee! Nagpapaliwanag lang. Alam mo, kahit hindi tayo close, masasabi kong ikaw ang pinakamabait kong kaklase (Hinde, inaasar lang kita. Baka tumaba ang puso mo).

Cruz

Me-Ann,

Eto lang ang sa akin, sana ay itigil na natin ang puro asaran dahil dalawang linggo na lang ay magakakalayo-layo na tayo.

Richard

Me-Ann,

Hinding-hindi kita makakalimutan dahil naka-salamin din ang aking nanay.

Danilo

Me-Ann,

Ate, huwag kang mag-alala tutuparin ko yung pangako ko sa'yo balang-araw. Pero ngayon hindi ko muna babaguhin ang sarili ko. Sana ate, huwag mong kakalimutan ang pangalang Guillermo na handang tumulong sa iyo, anuman ang mangyari.

Godspeed,

Guillermo

Me-Ann,

Ang masasabi ko lang ay magaling kang hingan ng payo at mabait makisama kahit kanino, magaling ka ring mang-asar.

Always,

Edwin

Everdearest Mary Ann,

Aking dalangin sana'y iyong mapagtagumpayan, Ang iyong mithiin sa kasalukuyan, Mga pangarapin at mga balakin, Iyong namnamin at sangdaang beses na isipin

Goodbye friend,

Efren

Dearest Friend (Nini),

Ikinintal ko sa aking isip na hindi na tayo muling magkakalapit. Lalo't naaalala ang mga pangyayaring di mawaglit sa aking isip. Pangyayaring di malilimutan saan man tayo dalhin ng kapalaran. But time has erased this feelings that I once had. Pinagsisihan mga nagawang kasalan at itinuring kang pinaka-special na kaibigan dahil sa iyo ko lang natagpuan ang tunay na kahulugan ng kaibigan. Sana hindi pa ito ang oras upang tayo'y magkalayo ng landas upang masuklian ko kahit papaano ang mga kabutihan mo sa akin sa kabila ng mga pagkakasala ko at masasakit na alaalang sa akin lamang natamo. You are a friend to treaure, a true friend to anyone. Napakaswerte ko at kita'y natagpuan.

Forever friend,

Joseph Bryan

My Dear Classmate Mary Ann,

Happy graduation sa iyo. Sana marami ka pang matulungan at makamit mo sana ang lahat ng iyong pangarap sa buhay.

Marlow

Dearest Me-Ann,

Seriously (do not make tangos your ilong) you are an intelligent student, your language are very high to understand, your sense of knowledge are too far and cannot be catched up by just a minute. . .don't change, continue what you want to become and just lean to our dear Lord always.

Loving you in Christ,

Sir Diony

Me-Ann,

Sana hindi dito matapos ang lahat, ang apat na taong pagasasama. Talagang ganoon, kapag may umpisa, may katapusan. Pero hindi pa ito ang katapusan ng ating pagkakaibigan. . . kahit na kakaunti ang isinulat ko, lahat naman totoo, dahil sa taong madaling umintindi, hindi na kailangan ang maraming sinasabi.

Vhic

To my love friend Me-Ann,

. . . wala ng mag-aadvice sa akin, wala ng susulat ng lovenotes sa likod ng mga notebooks ko at higit sa lahat wala ng mambabara at tatawag sa akin ng "pirikis". Mami-miss kita talaga. Sana magkita pa rin tayo pag college at sana huwag kang magbabago.

Always loving you,

Lhen
















Ang Pinaka-unang Tula

Sa Iyo Dimonyo

Mayroon akong kagalit,
Na ang pangalan ay EMAR na makulit
Kapag siya ay aking ginagalit
Ay para siyang leong mabagsik at galit na galit.

"Dimonyo" kung siya ay tawagin,
Dahil kulang na lang ay buntot at pangil
Siya ay dimonyo ng maituturing
Dahil nakakahawig na niya ang pobreng si Piling.

Sa mga babae, siya ay matinik,
Kindatan niya lang ay siguradong klik
Dahil na rin siguro sa kanyang hipnotismo
Lahat ng kindatan niya ay parang naloloko.

Sa mga bakla naman, siya rin ay matinik,
Isang ngiti niya lang ay para silang natinik
Tulad nitong si Robert na maganda
Gusto niya rin daw maging isang "Dimonya."

Hay naku, Dimonyo, kailan ka kaya magbabago?
Kailan kaya maaalis ang sungay at buntot mo
At kailan ka kaya iiba ng mauuwian
Maliban sa impyernong iyo ng tahanan.

* Si Emar ay seat mate ko ng Grade VI. Matalino, cute, drummer ng school rondalla, may pagka-bulol nga lang. Mahilig siyang mang-asar pero kapag pinatulan ko naman ang mga pang-aalaska niya ay agad napipikon. Madalas niya akong patulan. Ang sakit ng mga pinong kurot niya sa aking braso. Sa sobrang inis ko ay nagawa ko ang tula sa itaas.

Na-touched ako nang after ng graduation namin ay pumunta siya sa lugar namin at hinanap ang aming bahay, nais niya raw ibalitang kaming dalawa lang ang nakapasa sa Science High School sa eskwelahan kung saan nagtuturo ang nanay niya, doon daw ba ako mag-aaral. Pero hindi ako pinayagan ng mga Tita ko, sa malapit na paaralan na lamang daw ako mag-enroll.

After 10 years, muli kaming nagkita. Isa na siyang engineer pero bulol pa rin. Nag-sorry ako sa lahat ng mga pang-aalaskang ginawa ko sa kanya noon, tinawanan niya lang ako. Pagtalikod ko pala ay ipinagmamalaki niya sa mga kasamahan namin sa trabaho ang kopya ng tula sa itaas. . . nakasulat sa papel ng Grade VI, nakatupi at maingat na nakatago sa kanyang wallet.



firefly

Monday, June 05, 2006

Kaiingat Ka . . .

H'wag kang pakasisiguro sa akin giliw,
At isiping pag-ibig ay di magmamaliw
H'wag mong hintaying masaid ang mga luha
Tantanan mo na ang saki'y pagpapamukha . . .

Na mas mahalaga siya kaysa sa akin,
Higit kanino'y s'yang mas nais makapiling
Ang kanyang salita ay batas para sa'yo
Pag siyang kaharap, balewala na ako

Maipaalala ko nga sa'yo mahal ko
Nasaan ba s'ya kapag ika'y nalilito
Pag nalulungkot, sinong and'yan sa tabi mo?
Sino ba ang karamay? Sinong umaalo?

Di pwedeng magtanong, di uubrang magdamdam
Paamot ng oras mo, kahit 'sang saglit lang
Para sa'yo, bukas itong aking pintuan
Laging may ngiti, kahit pa may dinaramdam

Matagal . . . umaasa. . . nabigo . . . namanhid
Sakit at kabiguan tanging alay sa'kin
Ipinapangako ko, kaya kitang limutin
Ang mahalin ako, ‘wag na ’wag mong gagawin.

Kung Paanong Magpalaki ng Isang Kriminal

Padedehin ng kapabayaan
Kalingain nang buktot na katwiran
Pagpalain ng pangungunsinti
Ipaghele nang maling huwaran
Busugin ng “Putang Ina”
Palayawin sa katamaran
Hainan ng galing sa nakaw
Hubaran ng kahihiyan
Damitan ng kapalaluan
Pakainin ng karahasan
Imulat sa panlalamang
Paliguan ng tungayaw
Turuang huwag gumalang
Yapusin ng kasinungalingan
Akayin sa panlilinlang
Parusahan kung magdarasal

Kung makalaboso’t makulong
Dalawin araw-araw
Aregluhin ang biktimang nahihintakutan
Pang-piyansa’y ipangutang

Patawad

Patawad, Itay
Hindi kita nagawang pagmanuhan kagabi
Hawak mo na naman kasi ang pamilyar na bote
Tinutungga likidong kinamumuhian ko
Mga mata mo’y namumungay

Patawad, Itay
Hindi kita nagawang sulyapan man lang kagabi
Naalalang bigla ang ospital, noong ika’y naratay
Muntikang maulila sa iyong pagmamahal
Kay dali mo yatang nakalimot

Patawad, Itay
Hindi ko natugunan, mga pangungusap mo
Pagkat naulinigang bigla mga daing mo noon
Tutop mo ang dibdib, hindi makahinga
Mukha’y halos panawan ng kulay

Patawad, Itay
Hindi kita nagawang unawain kagabi
Diyos at Kamatayan, noon ay pinakiusapan
Nagsumamong dugtungan, ang hiram mong buhay
Salamat sa kanilang pagpapaunlak

Patawad, Itay
Kung sa bawat paglaklak, paglakad nang pasuray
Aalis ako sa iyong tabi, upang ikubli ang luha
Dahil minsan kang sumumpa, hindi ka na titikim
Ngunit kagabi’y sumira ka

Sa May Bintana

Saksi ang luma at kalawanging rehas
Sa mga pagtatangka mong makagawa
Ng kabutihan, inilabas ang kamay
Hawak ay mansanas na tila kay sarap
Inabot nang nanginginig na daliri
Bahagyang ipinahid sa kamiseta
Diretso sa bibig, mapaklang maasim
May lasang nabubulok, nakangiti kang
Nakamasid, “kesa uod makinabang”

Isang mangkok nang may umaasong sabaw
Muling inilalabas sa may bintana
Suot mo ay pekeng mga ngiti, huwad
Na paanyayang tikman, katakam-takam
Mong putahe, sayo’y muling nagtiwala
Kumutsara, hinipan at patimawang
Nilantakan, kakaibang nalasahan
Buong panghihinayang na nailura
“Panis na ba? Ibigay na lang sa aso”

Sasayawan Kita

Di ko na alam ang aking gagawin
Di maisip bakit nagalit sa ‘kin
Pero sige na kasalanan ko na
Ako na ang mali, bati na tayo ha?

Bulong ko noon, di mo maikakahon
Kailangang tanggapin kung ano mayroon
Nagbago ang lahat nang ako’y ibigin
Sinabi sa sarili, lahat ay gagawin

Sasayawan kita, iindak ako
Iparinig mo lang sa akin ang tono
Himig ng pag-ibig, kahit anong tugtog
Sisikaping sabayan, iyong indayog

Huwag naman sana akong pasakitan
Alam mong ikaw ang aking kahinaan
Ibigay mo na sa ‘kin ang tamang tempo
Isang hudyat mo ay sasayaw na ako

Etsapuwera

Ah, sadyang kay ilap mo pa noon
Humihikbi kapag natitingnan
Tigas ng ngalngal ‘pag akmang lalapitan
Napagkit sa pundya ng Aleng may taban

Pagkabunso mo’y agad naagaw
Kinailangan kang ipamigay
Gatas ng inang halos di nalasahan
Oyayi’t pagkilik kasabay naparam

Pinagpala ng maraming kamay
Unang hakbang, iba ang nag-akay
Pasa-pasa napunan iyong kahubdan
Unti-unting napaghilom mga latay

Espasyong hiram, lumang laruan
Ang sa iyo’y pagkakakilanlan
Maaaring wala ngang nagmamay-ari
Marami naman ang nais kumandili