Aalis ako nang walang paalam,
Walang lingon-likod;
Ni hindi mo mamamalayan.
Walang ingay kong tataluntunin,
Ang daan palabas;
Sa buhay mong pinilit angkinin.
Palalayain ko ang aking sarili,
Sa tila hawlang nagkukulong sa akin;
Na manatili sa piling mo,
Marahang-marahan kong kakalagin,
Ang pagkakabuhol;
Ng ating mga kapalaran,
Buong ingat kong ihihiwalay,
Ang hinabing mga pangarap;
Mula sa tungkos ng iyong mga balakin.
Iingatan kong gumawa ng anumang eksena,
Na maaaring magbigay babala;
Ng gagawin kong paglisan,
Sasamantalahin ko ang iyong kasiyahan,
Sa sandaling malingat;
Alaala ko na lamang ang iyong aabutan.
Walang lingon-likod;
Ni hindi mo mamamalayan.
Walang ingay kong tataluntunin,
Ang daan palabas;
Sa buhay mong pinilit angkinin.
Palalayain ko ang aking sarili,
Sa tila hawlang nagkukulong sa akin;
Na manatili sa piling mo,
Marahang-marahan kong kakalagin,
Ang pagkakabuhol;
Ng ating mga kapalaran,
Buong ingat kong ihihiwalay,
Ang hinabing mga pangarap;
Mula sa tungkos ng iyong mga balakin.
Iingatan kong gumawa ng anumang eksena,
Na maaaring magbigay babala;
Ng gagawin kong paglisan,
Sasamantalahin ko ang iyong kasiyahan,
Sa sandaling malingat;
Alaala ko na lamang ang iyong aabutan.
No comments:
Post a Comment