Tuesday, June 06, 2006

Ang Pinaka-unang Tula

Sa Iyo Dimonyo

Mayroon akong kagalit,
Na ang pangalan ay EMAR na makulit
Kapag siya ay aking ginagalit
Ay para siyang leong mabagsik at galit na galit.

"Dimonyo" kung siya ay tawagin,
Dahil kulang na lang ay buntot at pangil
Siya ay dimonyo ng maituturing
Dahil nakakahawig na niya ang pobreng si Piling.

Sa mga babae, siya ay matinik,
Kindatan niya lang ay siguradong klik
Dahil na rin siguro sa kanyang hipnotismo
Lahat ng kindatan niya ay parang naloloko.

Sa mga bakla naman, siya rin ay matinik,
Isang ngiti niya lang ay para silang natinik
Tulad nitong si Robert na maganda
Gusto niya rin daw maging isang "Dimonya."

Hay naku, Dimonyo, kailan ka kaya magbabago?
Kailan kaya maaalis ang sungay at buntot mo
At kailan ka kaya iiba ng mauuwian
Maliban sa impyernong iyo ng tahanan.

* Si Emar ay seat mate ko ng Grade VI. Matalino, cute, drummer ng school rondalla, may pagka-bulol nga lang. Mahilig siyang mang-asar pero kapag pinatulan ko naman ang mga pang-aalaska niya ay agad napipikon. Madalas niya akong patulan. Ang sakit ng mga pinong kurot niya sa aking braso. Sa sobrang inis ko ay nagawa ko ang tula sa itaas.

Na-touched ako nang after ng graduation namin ay pumunta siya sa lugar namin at hinanap ang aming bahay, nais niya raw ibalitang kaming dalawa lang ang nakapasa sa Science High School sa eskwelahan kung saan nagtuturo ang nanay niya, doon daw ba ako mag-aaral. Pero hindi ako pinayagan ng mga Tita ko, sa malapit na paaralan na lamang daw ako mag-enroll.

After 10 years, muli kaming nagkita. Isa na siyang engineer pero bulol pa rin. Nag-sorry ako sa lahat ng mga pang-aalaskang ginawa ko sa kanya noon, tinawanan niya lang ako. Pagtalikod ko pala ay ipinagmamalaki niya sa mga kasamahan namin sa trabaho ang kopya ng tula sa itaas. . . nakasulat sa papel ng Grade VI, nakatupi at maingat na nakatago sa kanyang wallet.



No comments: