Sa mahimbing na pagtulog, diwa ay pumaimbulog
Nagpilit na bumangon, kaluluwa ay naglakbay
Sa pagtungo sa kung saan,ay tila nagkukumahog
Maging pusikit na gabi, walang kamay-malay
Lakad, talon, takbo, kubli, ako’y halos gumapang pa
Nangangambang maunahan, hindi, aba’y mahirap na
Habang ako’y papalapit, papabilis ang paghinga
Hanggang ang iyong anag-ag ay abot-kamay ko na
Sa wakas, nasilayan na mukha mong sadyang kay-amo
May natuyong mga luha, bakas ng pagkasiphayo
Naduwag na ipadama, yaring aking presensiya
Pigil ko ang dal’wang kamay, at baka mayapos kita
Lingid sa iyong kaalaman na ako nga ay darating
At matagal na panahong ako ay di mo pinapansin
Di ko lang talaga matiis na kay layo mo sa akin
Pagdalaw sa iyo ngayon, sana’y ipagpaumanhin
Kumilos, napamulagat, tila may hinahanap
Bibig mo ay may inusal, mata’y pandalas ang kurap
Kinapa mo ang higaan, pabalikwas kang bumaba
Nag-aalala. . . sa wakas, sa ’kin yata’y nangulila
Nagtama ang mga mata, ayaw ko yatang kumurap
Kay luwang ng iyong ngiti, ako’y tila nangangarap
Bumuka ang iyong bibig, sinambit pangalan niya
Nang akin ngang mapaglimi, anong hapdi’t pait pala
Mula sa aking likuran, siya ay biglang dumating
Nakita ko nang magyakap, paharap pa kayo sa ’kin
Kinurot ko ang sarili, panaginip lamang ito
Tamang panaginip ko nga, bakit ang bida’y di ako?!

No comments:
Post a Comment