Simpleng mukha na mapanlinlang,
Nagngingitngit na’y hindi mo pa alam.
May mga ngiting ipinagdaramot,
Sa palalo’t mapag-imbot.
May mga tawang sinsero,
Labas-dila kung nais mo.
May mga taingang laging nakalaang makinig,
Maglimi at kung minsa’y magbingi-bingihan.
May pares ng matang mapagmasid, mapanghusga,
Tumatagos sa kaibuturan, mapang-usig kung kinakailangan.
May mga labing malumanay mag-akusa,
Ngunit malambing kung manita.
May dilang nakasusugat kung inaapi,
Banayad kung minamahal.
May dalawang mapagpalang mga kamay,
Sa sinuman ay nakalaang umalalay.
May matatag na balikat,
Maaari mong sandalan o kaya’y iyakan.
May mga paang nakalaang tahakin,
Ang landas ng sino mang mag-aanyaya.
May mga bisig na kayang yumakap,
Maging ikaw pa ang pinaka-hangal.
May pusong madaling magtiwala,
Ngunit hirap makalimot.
May kaluluwang naghahangad ng kaganapan,
Sa patutunguhang hindi masumpungan.
Nagngingitngit na’y hindi mo pa alam.
May mga ngiting ipinagdaramot,
Sa palalo’t mapag-imbot.
May mga tawang sinsero,
Labas-dila kung nais mo.
May mga taingang laging nakalaang makinig,
Maglimi at kung minsa’y magbingi-bingihan.
May pares ng matang mapagmasid, mapanghusga,
Tumatagos sa kaibuturan, mapang-usig kung kinakailangan.
May mga labing malumanay mag-akusa,
Ngunit malambing kung manita.
May dilang nakasusugat kung inaapi,
Banayad kung minamahal.
May dalawang mapagpalang mga kamay,
Sa sinuman ay nakalaang umalalay.
May matatag na balikat,
Maaari mong sandalan o kaya’y iyakan.
May mga paang nakalaang tahakin,
Ang landas ng sino mang mag-aanyaya.
May mga bisig na kayang yumakap,
Maging ikaw pa ang pinaka-hangal.
May pusong madaling magtiwala,
Ngunit hirap makalimot.
May kaluluwang naghahangad ng kaganapan,
Sa patutunguhang hindi masumpungan.
No comments:
Post a Comment