“Ito ang bola ng pag-ibig ko sa’yo!”
Paulit-ulit mong sigaw noon
Sa tuwing napapadaan ako, kasama
Ang mga kamag-aral na naghahagikgikan
Tatapunan kita nang panakaw na sulyap
Pilit mong iaabot ang maliit na bola
Agad akong magbabawi ng tingin.
Buong pagmamalaki ka namang aawit
Isang kantang halatang ginawa mo lamang
Bakit nga hindi’y paulit-ulit na binabanggit
Sa awit mo ang pangalan ko
Palakas nang palakas
Kahit hindi kita pinapansin
Sige ka sa pagsasalita’t pagtatanong.
Nakakapanibago na nang mag-isa at mapadaan
Ay tahimik na nakamasid ka lamang
Wala ang sigaw, wala ang awit
Nang ikaw ay kumustahin, malungkot na nagsumbong
May nagnakaw ng bola ng pag-ibig mo sa akin?!
Mga mata mo’y nanlalalim
Sa muli kong pagdaan, wala ka na
Inilipat na raw muna ng silid
Hindi na ligtas ang makakasama
Pansamantala kang mag-iisa bilang parusa
Sayang, may nais pa naman akong ibigay
Bola na hawak ko’y ibinasura na lamang.
Paulit-ulit mong sigaw noon
Sa tuwing napapadaan ako, kasama
Ang mga kamag-aral na naghahagikgikan
Tatapunan kita nang panakaw na sulyap
Pilit mong iaabot ang maliit na bola
Agad akong magbabawi ng tingin.
Buong pagmamalaki ka namang aawit
Isang kantang halatang ginawa mo lamang
Bakit nga hindi’y paulit-ulit na binabanggit
Sa awit mo ang pangalan ko
Palakas nang palakas
Kahit hindi kita pinapansin
Sige ka sa pagsasalita’t pagtatanong.
Nakakapanibago na nang mag-isa at mapadaan
Ay tahimik na nakamasid ka lamang
Wala ang sigaw, wala ang awit
Nang ikaw ay kumustahin, malungkot na nagsumbong
May nagnakaw ng bola ng pag-ibig mo sa akin?!
Mga mata mo’y nanlalalim
Sa muli kong pagdaan, wala ka na
Inilipat na raw muna ng silid
Hindi na ligtas ang makakasama
Pansamantala kang mag-iisa bilang parusa
Sayang, may nais pa naman akong ibigay
Bola na hawak ko’y ibinasura na lamang.
No comments:
Post a Comment