Sinubukan kong ingiti ang aking mga labi . . .nagmukha lamang akong napipilitan. Sinubukan kong lunukin ang masarap na putaheng nakahain, ngunit tila may bikig sa aking lalamunan . . . masakit! Sinubukan kong magbilang ng mga tupa at ipikit nang mariin yaring aking mga mata ngunit talagang kay ilap ng antok. . .sayang, baka dalawin mo ako sa aking panaginip.
Sinubukan kong maging masigla sa pagdating ng bawat umaga, pero nagmukha lamang akong tanga, humahalakhak, ngunit mga mata’y mapapanglaw. Sinubukan kong tuyuin ang mga luha sa mata tuwing pagkagat ng dilim ngunit ang mga ito’y patuloy sa pagbalong. Sinubukan kong itigil ang pagkausap sa aking sarili sa harap ng salamin tuwing nag-iisa, ngunit ito’y aking hinahanap-hanap. Sinubukan kong isiwalat ang itinatagong damdamin sa mga taong malalapit sa akin ngunit sa huli’y napagpasyahang sarilinin na lang . . .mahirap na baka ako’y kanilang pagtawanan lamang.
Sinubukan kong iwaksi ang maamo mong mukhang nakapagkit na yata sa aking gunita, ngunit saan man ibaling ang paningin, ikaw at ikaw lamang ang hinahanap-hanap. Sinubukan kong balewalain ang mga awiting may kaugnayan sa iyo ngunit parang tukso naming maya’t-maya’y tinutugtog.
Sinubukan kong mamuhi sa’yo ngunit hindi ko magawa . . . wala akong makapang dahilan upang maramdaman ang gayon. Sinubukan kong ibaling ang pansin sa iba ngunit namamalayan ko na lamang, ikinukumpara kita sa kanila at aaminin ko . . . mas matimbang ka.
Sinubukan kong kalimutan ang lahat-lahat sa’yo, ngunit ayaw ng puso ko
Patuloy pa rin kitang mamahalin . . .

No comments:
Post a Comment