Thursday, July 27, 2006
Pagmumuni-Muni Ng Isang Baliw
Tuesday, July 25, 2006
Sumalangit Nawa
Ikaw na kunwang nakikiramay;
Silang ang habol ay libreng biskwit,
At kapeng mahihigop habang nagsusugal.
Sa kabiyak na hindi nagdadalamhati,
Abala sa pagsusuma ng makukubra;
‘Wag kalimutang iawas ang mumurahing kabaong,
At himlayang di pa napaplatadahan.
Sa limang anak na pinalayaw,
Mula sa katas ng pinagpawisan;
Ni hindi man lang nag-abalang magsalitan,
Sa paglalamay sa abang bangkay.
Sumalangit nawa ang inyong mga kaluluwa,
Sa sandaling sapitin ang kalagayan ko ngayon.
May 09, 2006
Huwag Ka Na
Pagkat di ako sanay.
Huwag mo na akong pagsilbihan,
Pagkat di sa’yo bagay.
Huwag ka na ngang mag-alala diyan,
Pagkat di pa naman ako mamamatay.
Huwag ka ng magtangkang ako ay patawanin,
Pagkat kahit pagngiti di ko kayang gawin.
May 22, 2006
Nangungulila
Ng tarangkahan nang ako ay
Pumasok, mabibigat mga
Hakbang, sumalubong ang pusang
Kapansin-pansin na pipis ang
Tiyan, hindi nga napakain
Maghapon, mahinang ungol lang
Ng aso ang narinig, walang
Sapat na lakas na ikawag
Ang buntot, at kinatamaran
Maging ang pagtahol.
Wala ang umaanging kanin
Kaya pala ay malinis ang
Kakalanan, lubhang mataas
Ang salansan ng platong gamit,
Nagmamantika ang lamesa
Nagkalat ang mga upuan;
At ang paligid ng kusina’y
Malansa, pagtingin sa labas
Lanta na ang mga halamang
Hindi marahil nakuntento
Sa hamog ng madaling-araw.
Binulaga ako ng bunton
Ng mga labahin, apaw na
Ang basurahan, naka-upo
Sa di kalayuan ang isang
Matandang lalake, may matang
Mapanglaw, garalgal ang tinig
Sa aki’y bumaling, nagwika,
“Pangalawang araw na’y ‘di pa
umuuwi ang nanay mo.”
May 08, 2006
Ayoko Na Munang Tumula
Walang buhay ang mga kataga;
Lima, anim, walong pagtatangka,
Di ko mapagtagumpayan.
Nagkalat ang tinta, nitong panulat,
Nanunumbat, sa aki’y nag-aakusa;
Umiingit ang mga papel sa paglamukos,
Nag-aaklas pagkat basurahan ang kasasadlakan.
Nanginginig ang mga kamay,
Dinampot ang lapis;
Mariing isinulat sa panibagong pahina,
Sa tagal ng pagkakadaiti’y naputol.
Tumingin sa kawalan, naghanap ng imaheng,
Maaaring pagalawin at paglaruan;
Sariling anino ang nakita,
Nagtatanong, may tinging nangungunsensiya.
Ayoko na munang tumula,
Baka totoo ang sumpa.
May 03, 2006
Muhi
Ibinuhol nitong takot
Inihagis ko sa laot
Bago pa magsilbing salot.
June 20, 2006
Barikada
Ang nagpumilit makaalpas
Sa hanay ng kapulisan
Pinaraan upang kaipala’y
Saklutin ng kakaibang takot
Nakabibinging katahimikan
Nakadududang kapayapaan
Atubili, ngunit walang mapagpipilian
Kundi tahakin ang landas
Daang iilan ang nangahas tumapak
Abot-tanaw na ang puting gusali
Napakaraming hadlang
Masusing inspeksyon
Sandaling interogasyon
Binulatlat ang pagkatao
Pinapasok sa lugar na guwardiyado
Binalot nang kakaibang pagkabalisa
Higit na nakakatakot sa loob
Pagkat hindi lahat ng panganib
Ay nasa labas . . .
Noon lamang ako nakakita ng ganun karaming bilang ng mga pulis. Lubhang nakakatakot. . .
Pahingi
Napadaan lang naman
Wala kasing ibang mapuntahan
O, bakit kayo tumahimik?
Kitang-kita ko ang bilis ng kamay,
Lumikha ng tunog ang plastik
Na pilit ninyong itinakip
Sa pagkaing pinagsasaluhan.
Prutas kaya? O tinapay?
Pumikit ako upang hulaan
Pigil ninyo ang pagnguya
Ang damot . . . pahingi naman.
June 01, 2006
Hindi ko matandaan ang eksaktong edad. Lubha pa nga akong bata noon ngunit alam na ang depinisyon ng "karamutan."
Ina Namin
Bitbit ang timba at batya
Kipkip ang labahin ng nagdaang araw;
Hinubad ng mga mahal na pasakit ang dulot,
Mapangheng salawal ng apong kinahuhumalingan.
Halos mamalimos sa pambili ng sabong,
Panlinis ng kanilang pinaglibagan
Padaskol kang hinagisan ng barya;
Di natigatig, pinulot mong isa-isa,
Ganyan ka ba katibay?
Kahapon ay iyong kaarawan,
Nakaligtaan kang bigyan ng pambili ng ulam
Asawa mo’y maghapon kang pinaliguan ng mura;
Tanging isa sa apat na supling ang nakaalala,
Nakangiti pa rin. Di ba nauubos ang iyong pasensiya?
Wala ng pagsidlan ang gatla ng iyong mukha,
Mga mata’y nakukulapulan na ng katarata
Mabuway at mabagal na ang bawat hakbang;
Ngunit sige ka pa rin sa pagkayod,
Di ka ba napapagod?
May 26, 2006
Nasaan Ka Na?
Puro alipunga na ang daliri sa paa ng labandera
Ngalay na ang bewang ng magsasaka;
Bisig ng panday ay naghihina na
May sore throat na ang giraffe.
Wala ng lakas ang kamao ng boksingero,
Hindi na maiangat ng karpintero ang martilyo
Pasmado na ang plantsadora;
Mga mata ng mananahi’y malabo na,
Tamad na ang langgam.
Nakasimangot na ang payaso,
Napagliligaw na ang kartero
Nandidiri na ang basurero;
Katawan ng bumbero’y pawang paso at lapnos na'
Malat na ang aso.
Color blind na ang manikurista,
May hydro phobia na ang mangingisda
Mainit na ang mga kamay ng hardinero;
Ahente ng punerarya’y patay na,
May arthritis na ang alimango.
Nalulula na sa ere ang piloto,
Takot ng pumalaot ang kapitan ng barko
Mababait na ang pulitiko;
Mga abogado’y nagsasabi na ng totoo,
Baldado na ang alupihan.
Payat na ang baboy,
Wala ng panghihinayang ang mga butiki
Matatalino na ang biya;
Mga kuliglig kung gabi’y tahimik na,
Sawa na sa panghuhuli ng daga ang pusa.
Ngunit di pa rin kita nakikilala,
Nasaan ka ba?
Kailan kita makikita?
Pakiusap naman, magparamdam ka . .
April 17, 2006
Ang Buhay Sa Loob
Tagilira’y dalampasigan, guwardiyado ang harapan;
Ang inabandonang gusali, ay pinipilit panahanan,
Mga silid ay nilulumot, papel ang tanging hinihigan.
Gigisingin at huhubaran, sama-samang paliliguan,
Mapalad kung masasabunan, pinagpalang mahihiluran;
Magbabanlaw nang mabilisan, saplot ay nagkakaubusan,
Papipilahin kapagkuwan sa inaasam na agahan.
Gamot kailangang inumin para sa ‘ming ikagagaling,
Mga sugat na nagnanaknak, sana ay bigyan rin ng pansin;
Maglalaro at maglilibang, kakausapin ang salamin,
Hahabulin mga anino, makikipagtalo sa dingding.
Estudyanteng nangakaputi, ako naman sanang mapili,
Sa silid ko’y iyong ilabas, kahit na nga ba sasandali;
At ang lahat ng katanungan, sasagutin nang buong liksi,
Palamig at biskwit mong bigay, sapat na sa ‘king magpangiti.
Dagsa ang nakaaalala tuwing sasapit kapaskuhan,
Bumabahang mga pagkain at damit na pinaglumaan;
Maya’t-maya’y may kumakamay ‘pag papalapit ng halalan,
Para namang ang boses namin dito sa mundo ay may puwang.
Ambulansiya na walang ingay, di mo na ako malilinlang,
Alam kong ang lulan mo ngayon, magdadagdag sa aming bilang;
Pamilyar niyang pag-atungal ay hihintayin ko na lamang,
Kapag boltahe ng kuryente, katawan nya’y pinadaluyan.
Pamilya ko, nasa’n na kayo? Lubha na raw akong magaling,
Panglimang sulat ng ospital, bakit di nabibigyang pansin?
Inay, Itay, nagsusumamo, Ate, Kuya, ako’y sunduin,
Lumipat na nga ba ng bahay? Umiiwas ba kayo sa ‘kin?
April 17, 2006
KAMAKATAHAN
Isang sanktuwaryo . . . kublihan ng mga nalulungkot at may pusong sawi, kanlungan ng mga damdaming umiibig at tagpuan ng mga masasayang kaluluwa. Dito ang lahat ay maaaring maging bida, ang nag-iisa at malayo sa mga mahal sa buhay ay makasusumpong ng makakasama. Ang walang imik ay pakikinggan at ang nagdadalamhati’y aaliwin. Kataga, salita, mga tula ang nag-uugnay sa bawat kamakata sa elektronikong pamamaraan.
Kamakatahan – tahanan ng mga nilalang na binibigkis ng pagkakaibigan, paggalang at pagtanggap sa bawat isa. Ang mga makatang may nais ipahayag, ipabatid, ipaunawa at isiwalat sa ibang tao, sa mundo at sa lipunang ginagalawan ay dito ninyo matatagpuan.
April 10, 2006
http://groups.yahoo.com/group/kamakatahan/
Lahat Ay Gagawin
Kung gaano kita kamahal
Maging handa ka kaya sa isasagot ko?
Nakalaan ka bang ako’y paniwalaan?
Nakahanda akong pahirin ang naglalakihan mong mga muta,
Kung nais mo’y titikman ko maging iyong mga luha;
Magsisiksik ako sa pawisan mong kili-kili,
Kakamutan ko ang likod mong kumakati.
Gugupitan ko maging patay mong kuko,
Mamasahihin ang paa mong pasmado;
Sipon ma’y papahiran ko nang may pagsuyo,
Pagtitiisan kong masdan ang tinga sa ngipin mo.
Lalanggasin ko ang sugat mong sariwa
Tutulungang hanapin ang mata ng pigsa
Patay na libag mo’y kukuskusin hanggang sa mawala
Magboboluntaryong linisin loob ng iyong tenga
Bagong gising ka man, ika’y kakausapin,
Tulong-laway mo’y di bibigyang pansin;
Balakubak ma’y magkalaglag, akin itong papalisin,
Alipunga sa paa, mabining hahaplusin.
Magbubulag-bulagan ako sa tibak mong taglay,
Kaligayahan kong madantayan nang makalyo mong mga kamay;
At kung kulaniin, magsisilbi mo akong gabay,
Hinding-hindi ako iiwas sa pagtalsik ng iyong laway.
Iimisin ko ang mga mumo sa iyong pisngi,
Hihipan ang tabi-tabing agihap sa iyong labi;
Sisikaping alisin saludsod sa daliri,
Bubunutan ng pilikmata maging iyong guliti.
Buhul-buhol mong buhok, aking susuklayin,
Paglobo ng iyong ilong, hindi ko uungkatin;
Naglilintugang tagyawat, iingatang salingin,
Palalampasin pati na inilabas mong masamang hangin.
Hindi ako matatakot mahawahan ng kulugo,
Aayusin ang kilay mong sabog at magulo;
Pulu-pulo mong buni aking gagamutin,
Anan mo sa mukha, mayat-maya’y hahaplusin.
Sa mabuto mong dibdib, matutulog nang payapa,
Sa patpatin mong katawan, ako’y magtitiwala;
Hindi magrereklamo, matusok man nang matulis mong baba,
Matuluan man ng iyong pawis, sa akin ay balewala. . .
December 02, 2005
The Gift
Gifts of different sizes and shapes
With colorful ribbons, beautifully tied;
Cards neatly attached.
And the same thing did happened to me,
A gift was given unexpectedly
Without special occasion, for reason I don’t know;
And I swear, I’m not excited about it.
The gift has no appeal to me,
I’m afraid, it was given out of mockery;
With plain gift wrap, unartistically done,
And from my disgust, from an anonymous sender.
I opened it, I saw bitterness,
I became acquainted with cold and distant existence;
'Became familiar with grief and loneliness,
Coming from an aching heart.
As I examined the gift, I saw bandages,
A clear proof that it had survived so much wounds;
I’ve touched visible scars,
Some are healed, most are kept untreated.
I found myself nurturing it with words of encouragement,
Showering it with praises and motivation;
Keeping its company, morning and night,
Providing it with reasons to go on with life.
Still, I fight hard not to get attached to it,
But as time passed by, to care for the gift, I just can’t resist;
It’s so vulnerable, yet, struggling to appear strong,
And eventually, its happiness seem dependent on me.
I used to live a less fulfilling life,
Enveloped with selfishness, insensitivity and too afraid to get hurt;
The gift’s understanding, patience and maturity earned my trust and respect,
It has transformed me to become more human – able to care and love.
I believe, God sent me this gift,
For me to realize how special I am;
The gift I truly appreciate,
May it stay there for keeps!
December 01, 2005
Para kay J. at sa mapanlinlang niyang pagkatao. Maraming salamat. Madami akong natutuhan.
Umaasa, Naghihintay, Nagsusumamo
Sabay sa hanging amihang may kakaibang lungkot na dala
Apat na sulok ng silid, saksi sa aking pag-iisa
Sa pagbabalik-tanaw, karimlan ang kasama
Pagbaling sa salamin, sarili’y tatanungin
“Bakit kaya?” “Anong mali sa akin?”
Pagdaka’y sa larawan mo, atensyon ay ibabaling
Pakatititigan, paulit-ulit na kakausapin
Mapapabalikwas mula sa kahimbingan nang malamig kong higaan
Babalewalain ang pagal na katawan, maging ang magulong isipan
Isasantabi, sikmurang halos di nalamnan
Sarili’y lulunurin sa pagdadalamhati’t pagdaramdam
Paningin, saan mang sulok ibaling
Maamo mong mukha ang nasasalamin
Mga awitin sa radyo, kahit ano pa ang tono
Nagpapaantak sa nagdurugo kong puso
Bawat oras, baon ko sa gunita
Hinahangad na marinig ang tinig mo sa tuwina
Saksi ang telepono sa paghahangad kong makausap ka
Kahit isang saglit lang, bayaan mo sana
Sa aking pag-iisa, sarili lang ang kasama
Sinasambit pangalan mo, sa may tabi ng bintana
Binabalik-balikan, masasayang ala-ala
Sa saliw ng bunting-hininga, kasabay nang paglalandas ng aking mga luha
Mapagod man ang araw sa paglubog at pagsikat
Maubos man ang tubig sa malawak na dagat
Heto pa rin ako naghihintay sa’yo ng tapat
Patuloy na aasang tayo pa rin sa wakas . . .
November 18, 2005
Para kay R. at sa kanyang nawalang pag-ibig.
Tanikala Ng Kahirapan
Ang tira-tirahang mga pagkaing
Inihagis ng mayamang bata mula sa sasakyan
Hindi naabot ng kanyang kamay, natapon sa daan . . . kinain pa rin!
Ang pagnanakaw sa pinapasukan ay naging napakadali
Para kay Juan, dito'y walang mali
Kinukuha lamang nila ang para sa kanila
Na pinipilit angkinin ng mga mapagsamantala
Murang katawan, kinakailangang ibilad
Makakain sa oras, iyan ang tanging hangad
Tulog sa araw, buhay na buhay kung gabi
Sa malaganap na AIDS, takot ay isinasantabi
Edad walo nang magkaroon ng karanasan
Sa kamay ng tatlong pedopilyang dayuhan
Ang nakalulungkot, naging paulit-ulit, may basbas pa ng magulang
Gulong isipan, luray na katawan
Sabihin na ninyo ang nais ninyo
Sa pagtutulak ng bawal na gamot, pamilya nami'y desidido
Pantawid-gutom nami'y nanggagaling dito
Pangangailangan ba namin kung saka-sakali'y maibibigay ninyo?
Nakatakdang tumestigo sa kontrobersyal na kaso
Nagnanais makatulong, katarunga'y maiwasto
Nang sa lalapit si Attorney ng kalaban
Milyong pisong alok paano mapahihindian?
Ikawalong anghel ang paparating sa isang tagni-tagning dampa
Labandera si Nanay, lasenggero si Tatay, panganay ay di napag-aral
Maswerteng makakain ng dalawang beses sa isang araw
Kaya buhay na pumipintig, piniling kitlin na lang . . .
November 07, 2005
Villanelle
“Bawal umehe deto, ang maholi bogbog” – Mga Titik sa MMDA Urinal
Rosas kong katawa’y di maisarado,
Ang poste at pader ako’y hinahamak;
Namumuhi ako sa iyo Fernando.
Mapangheng tawiran ako’ng akusado,
Pinandidiriha’t tila isang ebak;
Rosas kong katawa’y di maisarado.
Sa nagmamadaling mga barumbado’y,
May kilig-balikat ang bawat umapak;
Namumuhi ako sa iyo Fernando.
Minsang may pumasok, lalaking armado,
Nanutok ng baril at plema’y dumanak;
Rosas kong katawa’y di maisarado.
Alanganing gabi’y haplos ko’ng sentido,
Nang pagparausan machong naka-T-back;
Namumuhi ako sa iyo Fernando.
Sa ganung labana’y ako ang dehado,
Ang make-up ko’y gasgas, lantiti sa lusak;
Rosas kong katawa’y di maisarado . . .
Namumuhi ako sa iyo Fernando.
Ikalawang Palihan
Masaya ang lahat may ngiti ang baso,
Ang kaway ng pinggan tila sa payaso.
Walang makasabay, puso’y nagyeyelo,
Kutsara’y umiwas sa dantay ng mumo.
Buti pa ang tasa may katabing mangkok,
Ayun ang kaldero karamay ay sandok
Malagkit na biko kaniig ang niyog;
Ako’y nag-iisa kayakap ay yamot.
Unfortunately, hindi sila nalungkot.
Sa Kantina (may himig daw na nagpapatawa)
Tanghalian noon, lumikot ang isip,
Ang dalagang-bukid kasayaw ang dilis
Alimango’y habol ang sugpo ng sipit;
Baldadong talangka, pandalas ang tangis.
Umingos ang tasa sa katabing mangkok,
Ang kaldero nama’y tinugis ng sandok
Ang pilyong tinidor ako ay sinundot;
Biglang napadilat, tuloy sa pagngalot.
Sad to say, hindi sila natawa.
Mga Awit
Kaligayahan mo’y tangi kong pangarap,
Ibibigay lahat kahit pa maghirap
Pababaunan lang kap’rasong paglingap
Bago nga magsara ang mga talukap.
AKUSADO
Sige sa paghalik, pamilyang dumalaw,
Iyo ngang hinubad, maskarang halimaw
Nagpapakabait, tila ba papanaw
Di ba’t bubunuin marami pang araw?
Mga Dalit
Pagala-gala ang iba,
Malungkot kung nag-iisa
Sa sandaling maging ina
Bumabangis, kumakasa.
KALABASA
Ang anak mo’y nagdalaga,
Pag-upo ay kinakaya
Habang ikaw na ina n’ya
Sa paggapang nagdurusa.
LANGGAM
Pantal ko’y napakalaki
Namumula, nangangati
Wala ngang makasasaksi
Sa lalasaping higanti.
KUMPISALAN
Takbuhan ng nagsisisi,
Luluhod at magkukubli
Nakayukong magsasabi
Mangangako na mabuti.
GAMU-GAMO
Munting hayop na nalito,
Sa nanay niya ay nagtampo
Sinuway ang bilin nito
Sa ningas nagpaka-abo.
BALIMBING
Limang mukha sa ‘sang ulo
Mabait nang nasa kubo
Iba nang nasa palasyo
Alin nga ba ang totoo?
Mga Tanaga
Kasunod sa pagbaba,
Kasama sa paghiga
Nang lingunin ang mukha
Agad itong nawala.
LUHA
Tubig na pinagpala,
Hinihintay ng lupa
Malalaglag na kusa
Kung matuyo ay muta.
GAGAMBA
Mga munti mong binti,
Gamit sa pananahi
Gamu-gamo’y namuhi
Bitbit mo sa pag-uwi.
BOTE
Naglalatang ang muhi
Leeg ko’y mababali
Nasaid na ang ihi
Ako ay isauli.
PARES NG SAPATOS
May dila, walang kibo,
Pagsilbi’y walang hinto
Kasama ang kalaro
Lakad, takbo at upo.
PLUMA
Kakampi sa pagsuyo,
Kataga’y itinago
Ginamit ni Mang Kiko
Nagmulat sa ninuno.
Is There Really A Prince Charming?
When girls flower into womanhood, they are always a bit shocked to discover they are Cinderella or Snow White, and the man they thought was Prince Charming really turned out to be Prince Clod.
Marianne had lived a life like Cinderella, sweeping parking lots for a dollar at age eight, trying to provide for herself and her baby brothers as her mother lived daily tackling a mental illness. When she had just passed her teen years, she met the man she thought was her Prince Charming.
She met him where she was a waitress, and he enthralled her. A musician with a successful band, he seemed to have the widest, most endearing eyes when he spotted her. And why not? She looked as sweet as Cinderella, blonde-brown curls, emerald green eyes and a face that echoed of innocence and love, which was really the look of an awestruck teenager.
All Marianne could think was: He loves me. He loves me. He loves me.And this was true at the time. With the speed of a stallion, the man grabbed her up in his arms and carried her off to marriage. Everything was perfect as far as Marianne was concerned. She had a nice home and enjoyed watching her husband play in his band. She felt loved and adored for the first time in her life. Move over Snow White. Here she comes. And she was about to have a baby.
She didn't know about the other women.
The two were also ill-fated in another way. They had not only wedded each other, but they wedded their recessive genes. When her first son, Loren, arrived, Marianne knew something was wrong. He didn't respond to sound. For a year, Marianne struggled and consulted with doctors who told her nothing was wrong.
But finally a specialist announced that Loren was deaf and that there was nothing she could do. She sobbed for the first two years of Loren's life while her husband kept saying that their son was just fine. Doctors assured them that another child wouldn't suffer such misfortune. But when Lance was born, they soon learned the newborn was deaf, too.
The walls of their already strained marriage, which stood on a young girl's fairy-tale dreams, cracked, but they caved in when Marianne grew angry that her husband didn't want to learn to communicate with his two sons.
He left that to her. She learned sign language as quickly as possible. Her husband wasn't interested. When he talked to the boys, he treated them like they were dogs, patting them on the head, barking out a word or two.
She took her sons to her husband's parents' house. His parents ignored the kids.
She took her sons shopping. Clerks gasped when her sons made grunting sounds. And now, she knew about the other women. Sometimes her husband didn't bother to come home. Her friends quit calling her and Marianne felt a biting loneliness.
The stress and the loneliness began to destroy Marianne. She sucked down alcohol like it was water. She fed and clothed her sons, put them to bed, but refused to leave her home. She thought about slashing her wrists.
"Imagine, when your friends and your own family don't bother to want to learn to communicate with your sons," she explained. "You don't have to know sign language. Kindness is a language. We all understand it. When you see a child like this, don't act shocked. Don't gasp and walk away. The message you send to a child is: 'My God, you are a freak.' Reach out your hand and smile."
Smiles, hugs and kisses are what saved Marianne's life. Lance and Loren's eyes were pools of adoration and love - a true love. The type Marianne had never experienced in her life.
It became apparent to Marianne that she could squander her own life away with alcohol and panic attacks, but she couldn't waste her sons' lives like this. She buckled down and went back to school to earn a high school degree. She got a job with an insurance firm and saved her pennies.
The better she felt about herself, the prouder she grew of Loren and Lance. She started bringing them to visit with her co-workers, who showered them with kindness. It was time for her and her boys to leave their house, cut ties with the father and move on with their lives.
One day, her sons came with her to work, and when she walked into the office of the insurance manager, a man named Eric, she found Loren sitting on his lap. Eric looked up at her, and the skies began to tumble. He said these simple words: "I feel like an idiot. I'd love to talk with your son. Do you know where I could go learn sign language?" Marianne thought she would faint. Not a soul had ever asked her before if they could learn to communicate with her sons. She was shaking inside as she explained to Eric that if he was really interested, she knew where he could learn. It seemed better not to believe him, but he showed quickly he wasn't kidding when he enrolled in the class and began to sign words of hello to her in a few days.
When the kids came in, he took them for walks along the pier near their office. Often she went along and watched Eric, who was becoming a master of sign language, talk and laugh with her boys as no one else had before.
And each time her sons saw Eric they brightened like the sun and stars in the sky. She had never seen them so happy. Her heart twitched as though it were being strummed. She began to fall in love.
She didn't know if Eric felt the same until they left work together one evening and took a stroll out on a pier above the Pacific Ocean. He signed to her that he was in love and wanted to marry. Marianne's heart danced with joy.
The couple moved into a small town and opened up a thriving insurance business. They had two more children, Casey and Katie, neither of whom were born deaf, but both learned sign language before the age of five.
And at the happiest moments of her life, Marianne would wake up in the middle of the night, her ear burning in pain, and begin to sob. Her behavior was inexplicable because she couldn't think of a time when she felt more loved or happy.
Eric would run his hands across her hair, hold her chin and ask her what was wrong. All she could say was: "I don't know. I don't know." He held her for a long while. Weeks went by and Marianne continued to wake up sobbing.
Then, like a lightning bolt, she woke up knowing the answer. She cried to Eric, her "knight in shining armor," that she wasn't doing enough to help deaf children in the world. She was supposed to help them find their place in society. She was supposed to teach the world how to communicate with these children.
Eric wrapped his arms around her and said: "Let's do it."
Together they formed Hands Across America - "It Starts with You" - an organization that encourages the public to learn sign language and has started making educational videos that use both deaf and hearing children together.
So if you ever have a chance to talk with Marianne and ask her if there is any truth to fairy tales like Cinderella and Snow White, she'll probably say she's learned a lot about such stories in her lifetime. She's likely to say: "There sure are a lot of Prince Clods out there. But there sure are some Prince Charmings, and there are really a lot of Cinderellas, too."
Pare-Pareho Kayong Lahat!!!!
O, bakit natigilan ka? Siguro, napag-isip-isip mong tama ako noh? Teka, teka, ‘wag kang umiyak diyan. Please stop it, okey? Mababaw lang ang luha ko. Sige na, medyo naniniwala na ako. Oo na, iba ka nga sa kanila. Pasensiya ka na sa mga nasabi ko kanina, nabigla lang ako. Masyado lang akong nadala ng mga sitwasyon. Ha?! Naku, salamat! Salamat at naiintindihan mo ako. Ano? Handa kang makinig sa mga problema ko? Talaga?! Nakakahiya naman ata ‘yun. Ano k’se eh, alam mo na, pinagdududahan kita kanina. Sigurado ka, hindi sumama ang loob mo? Iba ka nga, huh! Pero teka, bago ako mag-kwento, kumportable ka ba diyan sa posisyon mo? Sigurado ka ayaw mong maupo? Ah, sanay ka naman. Sige, ikaw ang bahala.
Ano kasi eh, itong mga panahong ito, masamang-masama ang loob ko. Alam mo kung bakit? Feeling ko kasi wala ako ni isa mang kaibigan. Hoy, hindi guni-guni ‘yan ha! Lahat kasi ng lapitan ko, puro abala, wala na silang oras para sa akin. ‘Yung iba naman, akala yata, mangungutang ako ng mangungutang, pinagtataguan ako. ‘Yung bestfriend ko na akala ko ay super loyal sa akin, ayun, naaalala lang ako kapag nag-aaway sila ng boyfriend niya! Daig ko pa nga si Ate Charo sa dami ng humihingi ng mga payo. ‘Yung kaibigan ko since elementary, hindi na rin nagte-text. Kapag nakikita ako, panay ang hingi ng sorry. Palagay mo, maniniwala ako? Hindi yata! Meron pa ngang isa, panay ang pangako ‘nung college kami na hindi niya raw ako makakalimutan kahit kailan, aba’y kanina nang makasalubong ko, kung hindi ko pa ikinuwento ‘yung paraan kung paano kami nagkakilala noon eh hindi ako matatandaan! Ang sakit nga eh! Ang sakit-sakit! Hindi eh, talagang masakit sa loob! Alam ko namang kaya ka ganyang magsalita dahil hindi ikaw ang nasa lugar ko di ba?
Ang isa pang ikinasasama ng loob ko, pinakisamahan ko naman silang lahat. Lahat nga ginagawa ko para sa kanila. Anu-ano ‘yun? Ang mga pansarili kong kaligayahan, isinasakripisyo ko. ‘Yung sarili ko, kinakalimutan ko pansamantala, at higit sa lahat, madalas akong magpakababa. Tapos ngayong ako naman ang nangangailangan, wala silang lahat.
Huwag ka ng maawa sa akin. Sobra-sobrang awa na nga ‘yung nararamdaman ko ngayon para sa sarili ko eh. Kasama ko lang pala sila sa saya. Sa lungkot, ako na lamang palang mag-isa. Sabagay, lahat naman yata talaga ngayon MAPAGSAMANTALA. Kita mo nga, pati ikaw, napagkamalan ko kanina. Pasensiya na ulit ha. Nag-iingat na kasi akong magtiwala, mahirap na. Alam mo kasi, kadalasan, kung kailan malapit at hulug na hulog na ang loob mo sa kanila, at saka ka iiwan sa ere. Ang saklap! Sasabihin mo sa sarili mong, sana sinaksak ka na lang! Talaga? Naranasan mo na rin ‘yun? Ang sakit di ba? Kaya naman pala naiintindihan mo ako. Pareho pala tayong biktima. Oo ba, sige mula ngayon, friends na tayo. Oo, walang iwanan!
Teka, inantok ako dun ah! Matulog na ako? Eh paano ka? Babantayan mo ako? Wow naman, ayoko ‘nun. Ang mabuti pa, ikaw na lang muna ang matulog at ako ang magbabantay sa’yo. Ayaw mo rin? Pwes, sabay tayong matulog! Ayan. Goodnight, my friend! Sweet dreams! Papatayin ko ang ilaw ha!?
K-kaibigan, ikaw ba ‘yun? Teka, teka lang, huwag ka naming magbibiro ng ganyan. W-wala sa usapan natin ‘yan! Nangako ka, remember? Aray! Ang kati nun hah! Aray! Aray! Bakit naman sa tenga pa? Ummmm! . . . sa wakas, napatay rin kita. K-kaibigan . . . akala ko ba iba ka? Sabi mo kanina di ba? Sabi mo, hindi ka timawa sa dugo. Nagtiwala naman ako. Kapareho ka rin pala nila, MAPAGSAMANTALA! Alam mo, sayang . . . lalo lang sumama ‘yung loob ko.:’(
Monday, July 24, 2006
Salamat Kay Glenda
- Past 7 na ako bumangon mula sa higaan
- Nagbreakfast ng sinangag (no choice walang kanin na luto eh)
- Ang natirang dinuguan ni tatay ang inulam ko (the best, habang tumatagal ay lalong nagiging malasa)
- Tinapos ko ang aklat ni Sir Bobby Añonuevo - Pagsiping sa Lupain, mga koleksiyon niya ng tula, plano kong isauli na ang aklat na ito kay En sa Sabado
- Kahit malakas ang ulan sa labas, nagpalit ako ng maong shorts at niyakag ko ang aking ate na pumunta kami sa palengke (narinig ko kasi ang inusal ni nanay na masarap daw ang talong at tuyo kung ganitong maulan)
- Nagdaan muna kami sa Internet Cafe, sumilip kung may importanteng mail (wala naman masyado)
- Nakipagtawaran ako sa palengke (katulad ng madalas kong ginagawa every Sunday nang wala pang LIRA)
- Umuwi kaming putikan pero masaya
- Pagdating namin sa bahay, may tubig-baha na sa daan. High tide na daw.
- Nilaro ko si Micah hanggang kami ay magkapikunan, hehehe (1 year and 3 mos old lang po siya)
- Nagbunot ng mga unwanted hair
- Nag-pedicure
- Nagsulat
- Muling nagbasa
- Kumain ng maraming kanin at hinalabos na alimasag at pritong talong nang naka-kamay, sobrang nabusog ako! Dessert namin ay abokado.
- Nagbasa ulit
- Nang antukin ay natulog (2 hours din yata)
- Kinulit na naman si Micah hanggang mapaiyak
- Meryenda time
- Sinubukang gumawa ng assignment (pero wala rin)
- Dinner
- At natulog
Salamat kay Glenda, sobrang na-appreciate ko ang Lunes na ito. Hindi ako nakinig ng SONA, hindi rin ako nanood ng balita tungkol sa pananalanta ng bagyo, ang alam ko lang ay masaya ako sa araw na ito. Sana bukas ulit . . . (abusado, hehehe)
Tuesday, July 18, 2006
Unwanted
Bigkis at ang lampin na pinaglumaan.
Ang pintig ng buhay sa sinapupunan,
Hindi namalayan, hindi naingatan.
Matindi ang kapit, anghel na mapilit,
Gamot isinuka, nagtanim ng galit
At nang iniluwal, dulot ay pasakit;
Gumanti sa inang buhay ay nabingit.
Gatas na tinimpla ang tanging kasama,
Ang mapangheng unan, kayakap sa kuna.
Tigmak na ang lampin nasaan si Kuya?
‘Susubong daliri tuwing nag-iisa.
Sa lambing ay hubad mailap sa yakap
Init ng kalinga lelong ang nagmulat;
Tuwing nadarapa, ama ang bubuhat
Hanap ng tiyahin sa tuwing lalayas.
Pansinin niya dili habang nakaratay,
Naghain ng sulyap ni walang inusal
Malamig na sabaw ang tangi niyang alay;
Pabaon sa inang ngayo’y agaw-buhay.
Kumpisal Ng Isang Kabit
Sa tuwing pagbubuksan ka.
Kasinluwang ng mga yakap ko
Ang pag-asang nag-uunahang umahon.
Ligaya ang katumbas
Ng dilim na masasalamin
Sa iyong mukha.
Lingid sa iyo’y ipinagdiriwang ko
Ang manaka-naka ninyong pagtatalo.
Mas malalim na alita’y
Higit na maliligayang sandali
Sa piling mo, sa pagitan natin.
May impit na dalanging
Manatili ka ng magdamag
Dito sa tabi ko.
Lumilipad yaring isip
Habang ikaw’y naghihinga
Ng kanyang mga kakulangan.
Sinasadya kong lasingin ka
Ng mga paglalambing,
Inaasam na sa paggising
Ay limot na siya.
Palihim kong pinuputol
Ang kamay ng orasan,
Upang di dumating
Ang hudyat ng paghihiwalay.
Kung maaari lamang sagkaan
Ng tamis ng pagniniig ang pintuan,
Upang di mo na hangaring umuwi.
Ngunit alam ko
Masarhan ko man ang pinto,
Siguradong wawasakin mo ang bintana.
Monday, July 17, 2006
Something to Ponder
Friday, July 14, 2006
What a Week!
Monday, July 10, 2006
Ikatlong Palihan
Binibini
Hinagod ang buhok inayos ang gusot;
Binasa ang labi, sinipat ang pulbos.
Pagpanhik ng hagdan, dibdib mo’y tinutop,
Magarang sandalyas dinig ang kalatog.
Ang iwing alindog madaming nabihag
Pumito ang sekyu nang ika’y mamalas;
May mamang kumindat, ang mata’y nangusap;
Naglabas ng dila, totoy na may bikas.
Sa paghinto ng tren agad kang sumakay
Ang mga lalaki’y nagpilit sumabay;
Sa dibdib mo’t hita, lahat nakatanaw,
“H’wag munang iibis,” ang iisang dasal.
May di nakatiis, dibdib mo’y sinalat,
Bigla kang tumili. Kamao’y umigkas.
Binugbog ang pilyo at wig mo’y nahubad;
Ang peklating ulo . . . sa lahat tumambad.
Natawa ka ba? Hindi pa diyan nagtapos ang Sabado namin. Kung bakit naman kasi itong si Sol, naisipang gagarin ang Bahay Kubo. Ayun, nagka-idea tuloy ang Sir Rio. Palibhasa'y maagang natapos ang palihan, pagkatapos ng aming tanghalian muli niya kaming binigyan ng exercise. Gagarin daw namin ang kantang Bahay-Kubo. Bahala raw kami. Basta kailangan daw ay sa tonong nagpapatawa.
Ang hirap kayang gumawa ng tula kung nape-pressure ka at nalilimitahan. Wala namang regular na tugma't sukat yung Bahay Kubo eh. Pero siyempre, puwede mo bang ikatwiran iyon?
Una kong naisip ay ang Bahay ni Gloria, ilalarawan ko sana ang mga halimaw doon na sari-sari. Ngunit ayoko namang lumikha ng eskandalo dahil sa mga ilalagay kong personalities sa tula ko. Hmmm, isip pa ng konti. Wala talaga akong matapos. Puro simula lang. May naisip ako pero baka kung ano naman ang isipin nila. Pero bahala na, wala talaga eh. Kuwela naman siguro. Ipinabasa ko kay Kuya Sam, mukhang nangiti naman siya.
Bahay Puta, kahit munti
Kahalayan doon ay sari-sari
Bugaw na mapilit, bebot disisyete
Baklang bihis-babae.
Mamasang na Lola, 'pinataas ang palda
Utos sa dalaga
Magsayaw ng bomba
D.O.M. lalapit, 'lalabas ang kwarta
Ang hindi mapili'y bubuntong-hininga
Isinulat ko pa ito sa pisara at ang lalong nakakahiya eh ipinakanta pa talaga sa akin. Susme, may mga natawa naman. Nang maupo ako ay tinitingnan ako ni Sir Rio. Bakit ko daw alam ang mga bagay na ito. At napagdudahan pa akong dati raw siguro akong nagtatrabaho dito, hehehe. Pambihira, common sense na lang kasi.
Ano naman kayang kapalaran ang naghihintay sa amin sa darating na Sabado. . .