Kayong nagsisigawan at nagtatalo,
Ikaw na kunwang nakikiramay;
Silang ang habol ay libreng biskwit,
At kapeng mahihigop habang nagsusugal.
Sa kabiyak na hindi nagdadalamhati,
Abala sa pagsusuma ng makukubra;
‘Wag kalimutang iawas ang mumurahing kabaong,
At himlayang di pa napaplatadahan.
Sa limang anak na pinalayaw,
Mula sa katas ng pinagpawisan;
Ni hindi man lang nag-abalang magsalitan,
Sa paglalamay sa abang bangkay.
Sumalangit nawa ang inyong mga kaluluwa,
Sa sandaling sapitin ang kalagayan ko ngayon.
May 09, 2006
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment