Tuesday, July 25, 2006

Ayoko Na Munang Tumula

Mailap ang mga salita, di ko mahuli,
Walang buhay ang mga kataga;
Lima, anim, walong pagtatangka,
Di ko mapagtagumpayan.

Nagkalat ang tinta, nitong panulat,
Nanunumbat, sa aki’y nag-aakusa;
Umiingit ang mga papel sa paglamukos,
Nag-aaklas pagkat basurahan ang kasasadlakan.

Nanginginig ang mga kamay,
Dinampot ang lapis;
Mariing isinulat sa panibagong pahina,
Sa tagal ng pagkakadaiti’y naputol.

Tumingin sa kawalan, naghanap ng imaheng,
Maaaring pagalawin at paglaruan;
Sariling anino ang nakita,
Nagtatanong, may tinging nangungunsensiya.

Ayoko na munang tumula,
Baka totoo ang sumpa.


May 03, 2006

No comments: