Tuesday, July 25, 2006

Ikalawang Palihan

Sa Kantina (may himig daw na malungkot)

Masaya ang lahat may ngiti ang baso,
Ang kaway ng pinggan tila sa payaso.
Walang makasabay, puso’y nagyeyelo,
Kutsara’y umiwas sa dantay ng mumo.

Buti pa ang tasa may katabing mangkok,
Ayun ang kaldero karamay ay sandok
Malagkit na biko kaniig ang niyog;
Ako’y nag-iisa kayakap ay yamot.


Unfortunately, hindi sila nalungkot.



Sa Kantina (may himig daw na nagpapatawa)

Tanghalian noon, lumikot ang isip,
Ang dalagang-bukid kasayaw ang dilis
Alimango’y habol ang sugpo ng sipit;
Baldadong talangka, pandalas ang tangis.

Umingos ang tasa sa katabing mangkok,
Ang kaldero nama’y tinugis ng sandok
Ang pilyong tinidor ako ay sinundot;
Biglang napadilat, tuloy sa pagngalot.


Sad to say, hindi sila natawa.


No comments: