Ka-ma-ka-ta-han . . . lilimang pantig na nagbubuklod sa paparaming bilang ng papausbong at kilalang makata at manunulat sa loob at labas ng Pilipinas. Mga alagad ng sining na nagmula sa iba’t-ibang orientasyon, may kani-kaniyang paniniwala at estilo sa paghabi ng kanilang mga obra ngunit bukas ang isip na tumanggap at magbahagi ng kaalaman na naglalayong makatulong at higit pang mapaunlad ang panulaang Filipino kaalinsabay ng pagsulong ng bawat sarili.
Isang sanktuwaryo . . . kublihan ng mga nalulungkot at may pusong sawi, kanlungan ng mga damdaming umiibig at tagpuan ng mga masasayang kaluluwa. Dito ang lahat ay maaaring maging bida, ang nag-iisa at malayo sa mga mahal sa buhay ay makasusumpong ng makakasama. Ang walang imik ay pakikinggan at ang nagdadalamhati’y aaliwin. Kataga, salita, mga tula ang nag-uugnay sa bawat kamakata sa elektronikong pamamaraan.
Kamakatahan – tahanan ng mga nilalang na binibigkis ng pagkakaibigan, paggalang at pagtanggap sa bawat isa. Ang mga makatang may nais ipahayag, ipabatid, ipaunawa at isiwalat sa ibang tao, sa mundo at sa lipunang ginagalawan ay dito ninyo matatagpuan.
April 10, 2006
http://groups.yahoo.com/group/kamakatahan/
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment