Tuesday, July 25, 2006

Mga Tanaga

ANINO

Kasunod sa pagbaba,
Kasama sa paghiga
Nang lingunin ang mukha
Agad itong nawala.

LUHA


Tubig na pinagpala,
Hinihintay ng lupa
Malalaglag na kusa
Kung matuyo ay muta.

GAGAMBA


Mga munti mong binti,
Gamit sa pananahi
Gamu-gamo’y namuhi
Bitbit mo sa pag-uwi.

BOTE


Naglalatang ang muhi
Leeg ko’y mababali
Nasaid na ang ihi
Ako ay isauli.

PARES NG SAPATOS

May dila, walang kibo,
Pagsilbi’y walang hinto
Kasama ang kalaro
Lakad, takbo at upo.

PLUMA


Kakampi sa pagsuyo,
Kataga’y itinago
Ginamit ni Mang Kiko
Nagmulat sa ninuno.

1 comment:

Anonymous said...

bakit po ganun? parang bugtong.. ako'y nalilito na