Hindi ako preso, huwag ninyong ikulong. Kasalanan na ba ngayong kausapin ang sarili? Sa mundong walang pakialam, krimen na bang habulin ang sariling anino at dito makitalamitam? Ipinagbabawal na ba ang pagkausap sa dingding at mga sulok? Ang paliligo ba ay banal na bagay? Bawat tanong ba ninyong wala namang paki sa akin ay marapat lamang na tugunin?
Ang pagsamba ba sa ipis ay di makatarungan? Hindi ba't pangkaraniwang bagay lamang ang paglalaro ng sariling laway? Ang pagkausap sa mga kaibigang hindi nakikita, bawal na rin pala? Aba'y kailan pa? Ang mga yabag at kaluskos na nararamdaman at naririnig ko, ayon sa doktor, ay walang basehan. Ang mga bulong at dikta ng kung sino ay hindi dapat pakinggan.
Ngunit kanino dapat makinig, aber? Sa mundo ninyo na manhid at walang pakialam sa tulad ko o sa sarili kong mundo kung saan ang lahat ay may saysay?
At eto pa, hindi daw magandanng tingnan ang pagkakamot nang paulit-ulit sa katawan ko na wala ng pagsidlan ng galis.
Nais ninyo akong kumilos nang tama at mag-asal tao sa makahayop na pagtrato ninyo sa akin at sa lahat ng kauri ko. Matanong ko nga, bakit ninyo ako kailangang katakutan? Bakit pinandidirihan at iniiwasan?
Kami daw ang salot. . . pwe!
4 comments:
hindi kasi nila tayo naiintindihan e...
hehehe, oo nga :)
wow naka relate ako as in... mabuhay! hehe
salamat, rudy man!
Post a Comment